HB 4: Sorry

93 29 1
                                    

Kakapasok pa lang nang pangalawang lecturer nang biglang may kumatok.

Si Secretary Chel.

"Good morning, Sir." Bati ni Chel kay Sir Rod.

"Yes? What do you need secretary Chel?."

"I just want to inform the students that they are all excuse today, Sir."

Napataas ang kilay ni Sir.

Psh!

Baka naman pati yung secretary papatulan pa niya?

"And why is that?." Nakaramdam naman agad ng kaba si Chel.

"N-nagpatawag po ng announcement ang Head ng LLU, S-sir." Napapalunok na paliwanag ni Chel.

"Okay. You can go." Sinenyas lang ni Sir ang kamay niya at dali dali nang umalis si Chel. Bigla naman agad nag ingay ang mga kaklase ko para sana maghiyawan nang biglang ibagsak ni Sir ang librong dala niya dahilan para magsitahimikan sila.

"Akala ninyo ata makakalusot na kayo dahil sa announcement?." Napayuko naman ang mga kaklase ko. "Dahil wala akong bagong aral na maidadagdag diyan sa mga ulo ninyo, paghandaan ninyo ang mga pagsubok na ibibigay ko sa inyo bukas. Study chapters 1 to 5 of your book." Sigaw niya saka padabog na kinuha ang kanyang gamit at pabagsak na sinara ang pinto palabas.

"Alam mo, yang si Sir Rod, highblood masyado. Baka tumandang binata yan." Natatawang bulong ni Jellah nang makalabas si Sir. Napatawa na lang din ako.

Rodulfo Quinto. 39 years old at over 15 years nang naglilingkod sa paaralan na to. English teacher namin at nagtuturo din siya ng history at mathematician subject sa ibang degree level.

Ayun sa nakalap naming impormasyon mula sa ibang estudyante at kwento na rin ng ilang mga guro na matagal tagal na dito, masungit at strict daw talaga si Sir dahil ayaw niyang palamya lamya at pabaya ang mga estudyante dito.

Ayaw niyang pakitaan ng kahit kaunting awa ang mga estudyante dahil gusto niyang matuto ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko siya masyadong pinag iinitan. Hindi ko siya hate bilang teacher at mas lalong hindi ko hate ang subject niya, pero hindi ko din siya gusto.

In between ako. As long as hindi niya ako pinapakialaman lalo na kung wala namang kinalaman sa subject niya at kung hindi niya ako sigaw sigawan, wala akong problema sa kanya. Lalo nga't isa daw siya sa mga effective magturo dito, ibig sabihin, isa din siya sa mga hindi dapat mawala sa paaralan na to. Kailangan pa rin namin ng effective lecturer.

Papunta na kaming gymnasium ngayon dahil may announcement daw ang head ng school na si Miss Nierra Avallechus. Habang papunta sa gym, kanya kanyang bulongan na naman ang narinig namin.

"Tungkol saan kaya yung announcement?."

"Walang kahit sino ang may alam dito bukod sa head at ilang lecturers dito."

"Pero ang aga namang magpatawag ng announcement."

"Kaya nga! Dalawang linggo pa lang nang magsimula ang klase, announcement na agad."

"Baka naman para sa acquintance party? Diba taon taon naman tayo nagcecelebrate dito at first day pa lang nang klase usap usapan na yan e."

"Tingin ko tama ka. Gusto ko na din kasi makilala yung new transferee e. Sino nga ulit yun?."

"Ah yung gwapo? Alexander ata pangalan nun!"

"Grabe! Hindi man lang ata sila nakakahalata na nandito lang yung pinag uusapan nila." Si Jellah. Napatawa naman si Alex dahilan para lingunin namin siya. "Ang pogi mo kasi e." Pambubuyo ni Jellah sa kanya.

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now