"Jellah's POV"
"Good morning. Breakfast ready." Bati ko sa napakaganda kong kaibigan sa umaga na ito. Bakit ba? E, sa gusto ko siyang lokohin kahit tayo lang naman ang nakakaalam e. Pero wag kayo! Maganda talaga yang kaibigan ko. Yun nga lang, naloko! Literal na naloko! Oppss! Sorey! Haha.
"Walang good sa umaga!" Luh! Anyare dito?
"Masama gising mo?."
"Hmm. May bumisita e."
Aw! Kaya naman pala! Nanaginip na naman! Hay! Dahil masama ang mood niya, tahimik na lang naming tinapos ang agahan.
Nang makarating sa school, mabilis na pagpark lang ang ginawa namin. Panget na nga nang gising niya, mukhang mas papanget pa ata ngayon.
Hindi pa man kasi kami nakakailang hakbang, may humarang na sa daraanan namin. Ang mga bitches! Pathetic! Tss! Tignan ko lang kung hindi kayo sumemplang mamaya diyan.
"Wag ninyo akong sisimulan." Nagbabantang sabi ni Sumi.
"Oh bakit? Wala pa nga e! Naduduwag ka na?." - pang aasar ni Lera. Nagtawanan naman ang dalawang bitch. Tahimik lang naman sa tabi nito si Audrey. Sana naman hindi siya katulad nang mga kasama niya no? Pero mukhang mali ako! Mas malala pa nga ata yan e!
"Ano sa tingin mo, Audrey? Naduduwag na ba siya?." Lingon nito kay Audrey. Napatingin naman ako sa isa at ngumisi siya na parang loka loka. Siraulo ata! Tss! "Yeah! Lera's right! Naduduwag ka na ba? Hay naku naman! Hindi kayo pwede dito, dahil para lang sa magaganda ang eskwelahang ito at hindi sa mga nagmamaganda." May diing sabi ni Audrey saka palipat lipat nang tingin sa aming dalawa ni Sumi.
Akmang tatalikod na si Sumi nang tangkain siyang hawakan ni Audrey. Pero isang mabilis na pangyayari ang naganap. Nagawang pigilan ni Sumi ang kamay ni Audrey at binalibag ito.
"Ouch! How dare you do that to me?." Maarteng tanong nito. Ngumisi lang naman ang kaibigan ko at maya maya ay biglang naging seryoso. "Pasalamat kayo wala ako sa mood patulan kayo ngayon. Kundi baka humagis na kayo na parang bato." Pabato niyang binitawan ang kamay ni Audrey. "Lalo ka na!" May diing dagdag niya na ang paningin ay nakay Audrey saka tumalikod.
Hahabol pa sana sila pero nagsalita na ako. "Banta yun ah! At ang kaibigan ko, hindi yan nagbabanta nang isang bagay na hindi niya kayang gawin." Nakangisi pero may halong pang aasar na sabi ko. Mukha namang natakot ang dalawa sa likod, maliban na lang sa dalawang nagfefeeling maganda sa harap ko.
"At akala mo, matatakot niya kami?." - Lera pero halatang kabado na. Tss! Haha. Poor Lera! Ngumisi muna ako bago nagsalita. "Hindi! Kasi kahit naman wala pa siyang ginagawa, kusa na kayong natatakot e." Humakbang ako pasugod sa kanila at napapaatras naman silang apat. Haha. Sarap nito! "Sa madaling salita, hindi na niya kayo kailangan pang takutin. Kasi kayo na mismo ang natatakot." Mapang asar kong sabi saka sila tinalikuran. I flip my hair saka winagaygay ang kamay ko patalikod.
"Hoy! Ano pang ginawa mo dun? Natagalan ka ata?." Bungad ni Sumi nang makarating ako sa classroom. "Wala naman!" Simpleng sagot ko pero alam kong hindi siya naniniwala. Kilala na kaya ako nito. Binigyan pa niya ako nang isang mapanuring tingin. Dahil naaasiwa ako sa tinging binibigay niya, tinuon ko na lang sa kanyang katabi ang paningin ko. "Hi Alex. Infairness, ang guwapo mo nung friday ah!"
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
DiversosA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."