HB NINE

76 23 29
                                    

"Kristoff's POV"

"Saan ka uuwi mamaya?." Tanong ni ate. "Sa bahay o sa condo mo?."

"Sa condo na." Sagot ko. Nagpaalam lang ako saka minaobra ang kotse papunta sa paaralan na pagmamay ari namin mismo.

Mabilis na pagpark lang ang ginawa ko saka bumaba at pumasok sa loob. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, napuno na agad nang tilian ang hallway na dinadaanan ko.

"Kyaaaahhhh! Nandito na siya."

"Sana kaklase natin siya no!"

"Ano ka ba? Grade 12 pa lang kaya yan. 2nd year college na tayo."

"Hmmp! Oo nga! Hays! Siguradong magiging kaklase na naman niya yung dalawang yun."

"Ano? Sa Section Skylar na naman? Bakit tuwing may guwapo, doon palaging napupunta?."

"Kaya nga! Kainis!"

"Ah basta! Hindi man natin siya kalevel, guwapo pa rin siya."

"At ang hot pa! O, Kristoff! Kay ganda nang iyong mga mata, mga labi mong kay pula. Tuwing tinitignan, parang langit ang napagmamasdan."

"Tumigil ka nga, Brianna. Nabubuang ka na naman e."

"Kahit kailan ang KJ mo Kristine. Hmmp!"

Why do people loves chismis? Girls are really girls! Tsk!

I checked my watch and the time shows how early I am for my first day of class here.

I went to the music room. My favorite place before. There, I found my friends.

"Welcome back, bro!"

"Nice! Kompleto na ulit tayong lima."

"Sana maging siyam na ulit tayo no!"

And there was silence!

"Alam mo na yung section mo?." Pambabasag sa katahimikan ni Cris.

I just nod. Yeah, I do know na sa Skylar Section nga ang punta ko and I also do know na magiging kaklase ko ang dalawang yun at ang pinsan ko.

"Skylar Section?." Sabay sabay na tanong nina Clyton, Emhir at Phyrus. Marahan lang akong tumango. Umusog naman agad si Cris para bigyan ako nang pwesto.

"Cr lang ako." Paalam ni Cris. Tumayo siya at binuksan ang dulong pinto ng music room.

Music room is a very huge place. Bukod sa malalanghap mo talaga ang magandang amoy nang hangin na nanggagaling sa nakasiwang na bintana, maganda din ang view na makikita mo. Kaya nga isa ito sa paboritong tambayan namin mula noon hanggang ngayon.

Nang makaalis si Cris agad nagsilapit sakin ang tatlo.

"So, any progress about your plan?." Emhir. Ba't bumubulong bulong to? Ah! Now I know! Nandiyan lang nga pala si Cris. Siguradong magwawala yun kapag nalaman niya yung plano ko sa kaibigan niya.

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now