💞 LLU: SfB 47 💞

40 9 1
                                    

[A/N: Bibigyan ko nang chance na magka POV din ang mga boys. 😉]

"Phyrus POV"

"Hi baby! Busy ka ba ngayon?."

["Hindi naman. Bakit? May gagawin ka ba, baby?."]

Hindi muna ako sumagot para magpigil nang ngiti. Oo na! Sabihin ninyo mang nakakabakla pero wala e. Malakas na tama ko kay Chelina e.

"Hmm!" Nagklaro muna ako nang lalamunan bago sumagot. "Meron sana. Pasyal naman tayo oh!"

["A-ah! A-ano kasi bab----."]

Naramdaman ko ang pagtutol niya kaya inunahan ko na siya.

"Bawal tumanggi baby. Minsan lang ako mag aya e."

Kunwari nagtatampong saad ko. Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Pero maya maya lang din ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

["Sige na nga! Tingin ko kailangan din kasi nating sulitin ang natitirang panahon na hindi pa tayo busy."]

Bigla namang umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya.

"So, shall I fetch you later?."

["Yeah. Sure! What time ba?."]

Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko.

"I will prepare for now, then maybe before 10 ay nandiyan na ako."

["Okay. See you!"]

Napangiti ako.

"Yeah! See you baby!"

Then she hang up!

Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga.

8:30 pa lang naman pero agad na akong pumunta sa banyo. Dahil secretary si Chelina nung nag aaral pa lang kami, hindi sanay sa late yun. Kaya kailangan ko na rin atang maging maaga, taliwas sa kung ano ako dati nung nag aaral pa.

Medyo napatagal din ako sa banyo. Naglalakbay kasi ang isip ko sa kung anong klase nang date ang gagawin namin mamaya. Ilang beses na kaming nagdedate na dalawa kaya nahihirapan akong mag isip sa panibagong gagawin ko para mapakilig siya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kilala ako bilang chick boy noon hindi lang sa La Llera University kundi maging sa dating paaralan na napasukan ko.

Kaya nga hindi na ako nagulat nang makita ang iba't ibang reaksyon nang mga kaklase ko dati nang malaman na mag aapat na taon na kami nang girlfriend ko.

Ika nila, 'Buti at stay in na daw ako sa isa ngayon.' Muntikan ko pang mahampas ang mga loko nun dahil kasama ko lang si Chelina nun pero buti at hindi naman niya narinig.

Ang bilis lang talaga nang panahon, maging ang pangyayari na rin.

"Thank you!" Ani Chelina matapos ko siyang alalayan sa kotse ko.

"You're welcome, baby." Sagot ko nang makaupo na sa driver seat. Agad naman siyang pinamulahan dahilan para mahina akong matawa.

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now