💞 HB 38: SGE to Championship 💞

40 11 1
                                    

"Sumi's POV"

Wednesday afternoon.

"Ano kayang masarap lutuin mamaya?." Biglang tanong ni Justine. Siya nga pala ang nakatuka sa pagluluto mamayang gabi.

Kasalukuyan kaming nasa isang cottage ngayon. Umukopa pa kami nang isang cottage para dito na raw kami tumambay tuwing freedom namin. Wala namang naging problema sa bayarin dahil ang mga lalaki na mismo ang mga nagbayad. Nagpapalakas e. Lalo na sina Phyrus at Clyton.

Asus! Yung mga lalaki na yun talaga. Ayaw pa kasing umamin, e halata namang may namumuo nang pagtingin sa mga kaibigan ko. Bukod na lang kay Bethany na halatang siya ang may gusto.

"Sinigang na isda." Biglang sabat ni Lera.

"Adobong manok." Jellah.

"Pancit." Alex.

"Mechado." Kristoff.

"Pochero." Ako.

"Caldereta." Cris.

"Chicken Afritada." William.

"Tinola." Clyton.

"Tocino." Emhir.

"Kare kare." Lera.

"Chop suey." Jellah.

"Menudo." Clyton.

"Bulalo." Emhir.

Biglang tumaas nang kamay si Alex.

"Since, hindi pa tayo kumakain nang dessert magmula nang dumating tayo dito, ba't di na lang dessert ang gawin mo?." Suhestiyon niya na agad namang sinang ayunan nang lahat dahilan para.....

"Sige! Sige! Anong dessert?." Kumikislap ang mga matang tanong ni Justine.

"Apple Pie." Lera.

"Buko Pie." Cris.

"Maja Blanca." William.

"Ice Cream." Jellah.

Kahit kailan ang takaw talaga nang babaeng to pagdating sa ice cream. Psh!

"Almond Malai." Kristoff.

"Lemon Tart." Alex.

"Phistacio." Clyton.

"Coconut Kheer." Jellah.

"Peanuts." Lera.

Dumapo ang paningin namin sa dalawa na hanggang ngayon ay wala pa ring boses.

"K-kayo na lang ang bahala." Sabay na sagot nang dalawa. Nakita ko nang mapairap sina Jellah at Lera. Psh! Mga babaeng to talaga!

"Ikaw?."

"A-ako?." Napaturo ako sa sarili ko saka takang napatingin sa kanila.

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now