"Sumi's POV"1. Eye Liner ✔️
2. Lips stick ✔️
3. Blush on ✔️
4. Powder ✔️
5. Papable? Hmm! Wala pa...
O____o
"Hoy Jellah! Tigilan mo na nga yan. Ano na naman ba yan?." Irita kong sita sa kanya.
"Ano ba Sumi? Lunes na lunes, highblood ka."
"E paano, hindi naman akto sa pupuntahan natin yang pinaglalagay mo sa bag mo. At ano raw? Papable, wala pa? May balak ka bang mamingwit nang lalaki sa Archer Academy at ilagay diyan sa bag mo?."
"Ang sungit sungit! Buti nga sasamahan pa kita dun e. At ang lagay ano? Ikaw lang mag isa ang pupunta at makakakita nang gwapo dun? Hindi ako makakapayag."
Inilingan ko na lang siya.
Lunes na ngayon at mamaya na magsisimula ang pagtetrain namin sa mga Llera's. Wala na ding klase dahil training na lang daw ang gagawin sa buong linggo kaya heto kami at nakacivilian ngayon.
Grabe palang magpahalaga nang mga ganyang event ang professor nang La Llera University. Akalain mong ipapatigil talaga ang klase para lang mas mapagtuonan nang pansin ang event? Psh!
Sa LLU dapat ang deritsu namin ngayon pero heto at binabaybay namin ngayon ang Archer Academy. Inatasan kasi akong kunin ang files at records nang Archer Academy at bilangin na rin daw ang bawat estudyante doon dahil kabilang sila sa mga academies na sasali sa Sports Game Entry.
Buti nga at napapayag ko itong si Jellah na samahan ako, yun nga lang may ibang agenda din pala ang babaeng to.
"Malaki din pala ang Archer Academy ah? Pero mas malaki nga lang talaga ang LLU. Hehe." Napailing na lang ako sa kanya.
Pumasok kami sa isang malaking building na may nakalagay na "WELCOME TO ARCHER ACADEMY." Nakasulat ito sa font na Arial Black.
Agad kaming lumapit sa guard.
"Maayung buntag, kuyang guard." Panimulang bati ko dito. Oo nga pala! Lahat nang mga mag aaral dito ay purong cebuano. Nagtataka nga ako kung bakit ako ang pinadala dito e. Wala tuloy akong choice kundi ang aralin ito. Mabilisang pag aaral lang ang ginawa ko. Buti naman at may konti na akong natututunan tungkol sa lenggwaheng ito.
"Maayung buntag usab ma'am." Balik bati niya. Taka namang napatingin si Jellah sakin.
"Anong lenggwahe yan? Pang alien ba yan?." Bulong niya. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay muli kong binalingan nang tingin ang guwardiya.
"Gusto namo mosulod. Ang dean sa among eskuylahan naghatag kanamo parehas nga buluhaton. Mahimo ba namo nga mosulod?."
"Oo ma'am."
Nakangiti naman akong tumango sa kanya saka nanguna sa pagpasok na sinundan naman ni Jellah.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
De TodoA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."