A/N: STRICTLY WARNING: RATED SPG!
***************
"Kristoff's POV"
"Waiter." Kinumpas ko pa ang daliri ko.
Agad naman na lumapit ang isang waiter.
"Yes, Sir?."
"Give me another bottle of this." Sabay turo ko sa isang bote na ngayon ay wala nang laman.
"Baka malasing ho kayo, Sir? Nakakailang shot na po kasi kayo."
Umarko ang kilay ko sa sinabi niya.
"JUST GIVE ME ONE D*MN SHOT!"
"Y-yes, Sir!" Agad naman siyang tumalima.
Ilang minuto lang ang itinagal niya at dumating na din siya dala dala ang isa pang bote nang tequila.
Nag alinlangan naman siyang iwan ako pero sa isang senyas ay agad din siyang tumalima.
Binuksan ko ang bote saka mabilis na nilagok ito. Unti unti ko na ding nararamdaman ang epekto nang alak sa sistema ko. Unti unti na akong napapikit at kasabay nun ang pag alala kung bakit nga ba ako nasa bar ngayon at nagpapakalasing.
*Flashback*
Pauwi na ako sa condo ngayon nang mahahip nang mata ko ang motor ni Jellah. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya sa halip na sa condo ako dumeritsu, naisipan ko siyang sundan. Alam ko naman kung saan ang punta niya.
Tama nga ako. Wala naman kasi siyang ibang pupuntahan pa kundi ang condo lang nila. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo niya. Nakita ko nang bumaba siya at pumasok sa loob. Sa halip na pumasok ay naisipan ko munang manatili lang sa loob nang kotse ko.
Nasa loob na kaya si Sumi?
Ilang minuto pa akong nanatili sa loob nang mapansin na parang dumidilim na. Napagpasyahan ko na bumaba na lang pero nang akma ko nang papatayin ang engine nang kotse ko ay nahagip naman nang paningin ko ang mabilis na pagmamaneho nang isang motor. Tumigil ito sa harap nang kanilang condo.
Hindi ko naaninag ang mukha nang nagmamaneho pero kilala ko ang motor na iyon. Napatingin ako sa wrist watch ko.
6:30 pm?
Muling dumako sa babae ang paningin ko. Cool at kalmado lang niyang binubuksan ang pinto, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ay bumungad ang nakapamewang na si Jellah.
Bakit ginabi naman ata siya nang uwi? Baka naman nagbonding pa sila nang kuya niya?
'Wag ka ngang paranoid, Kristoff.'
Panenermon ko pa sa sarili ko.
Maingat kong pinatay ang engine nang kotse saka lumabas. Nagtago ako sa isang puno hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Dahil hindi pa naman sila pumapasok sa loob, maririnig ko ang mga pag uusapan nila.
"Ginabi ka ata? Nagbonding ba kayo ni kuya Xavier? Saan daw siya tutuloy ngayon?." Salubong na tanong ni Jellah pero muling napataas ang kilay niya nang sa halip na sumagot ay tumungo lang si Sumi.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
De TodoA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."