"Clorofeia Glay's POV"
"Nakakainis naman e. Bakit kailangan pa nating baguhin yung look natin? Huhu. Ang panget panget ko na bessss! Hindi bagay sakin ang maikling buhok. Okay sana kung hanggang balikat e, pero yung hanggang tenga lang? Mukha ba akong tomboy? Tsk!"
Napairap na lang ako sa kawalan dahil kanina pa nagrereklamo ang babaetang to.
"Hahahahaha. Ang ganda mo nga myloves e."
"Maganda? E hindi ka nga magkandaugaga kakatawa tapos sasabihan mo akong maganda?."
"Pfft. Haha." Kinalma muna ni Edward ang sarili niya dahil isang tawa pa niya nang pagkalakas lakas ay siguradong mababato na ni Jellah ang sapatos na hawak hawak niya sa kanya. Lumapit ito at nagsimulang suyuin ang matoyo niyang syota. "Myloves naman! Maganda ka kahit anong look mo, okay? Kahit magmukha ka pang lalaki, maganda ka pa rin sa paningin ko."
"Cheesy!"
"Wag ka ngang magpahalata na bitter ka bes! Move on move on din pag may time, okay?."
"Anong bitter? Hindi ako bitter no! Atsaka matagal na akong nakamove on, alam ninyong pareho yan."
"O siya sige sige! Sabi mo e."
Pero alam kong hindi siya naniniwala.
Bahala nga kayong dalawa diyan.
Iniwan ko muna sila saglit at nilapitan ang isang stall na nakaagaw nang atensyon ko.
"Good afternoon ma'am! How may I help you?." Agad na lumapit sakin ang isang babae na nakasuot nang uniporme na hula ko ay uniporme nila bilang isang sales lady.
Ngumiti lang ako at mas inaninag pa nang mabuti ang isang bagay na talagang kumislap sa paningin ko dahil talagang naagaw nito ang atensyon ko.
"How much is this?."
Ngumiti muna ang babae bago sumagot.
"This is cost for 494.46$, ma'am."
"I'll take this."
"Okay. Come, follow me, ma'am."
Iginiya niya ako sa cashier area. Matapos makabayad ay muli kong binalikan ang dalawa.
"Saan ka galing? Tara na! Pagabi na rin oh. Siguradong inaantay na ako nang inaanak ko." Jellah.
Bumalik kaming tatlo sa mansyon at naabutan ang nagkakasiyahan kong anak at kuya.
"Mommy!" Agad na tumakbo palapit at yumakap sakin si Nicolai. "Have you brought any pasalobong, Mom?."
Bago pa ako makapagsalita ay umeksena na si Jellah.
"Yes, inaanak! We brought you a pasalobong." Nanunuya ang tono ni Jellah pero sa halip na mainis ay natawa pa ang anak ko. Paano kasi, konti palang ang mga salitang tagalog ang nakakaya niyang sabihin at isa na nga doon ang pasalubong. Na sa halip na pasalubong ay naging pasalobong.
Nakangiting lumapit ang anak ko sa kanyang auntie Jellah sabay tingin sa dalawang plastic bag na bitbit nito. Laman nito ay mga pagkain at nang mapansin ito ay agad nagningning ang mata nang anak ko.
Hindi ito nag atubiling kunin ang iniaabot sa kanya saka tumakbo, ngunit bago pa siya makalampas sa pwesto ko ay napahinto na siya.
"Etiquette son, etiquette!"
"Sorry, Mom."
Ngumiti lang ako at sinenyasan siya kaya maayos siyang naglakad papuntang mesa kung saan nahuli ko ang nagpipigil sa tawang si kuya Xavier.
***
Naligo muna ako saka nag ayos at nang makatapos ay agad ko silang dinaluhan sa mesa.
"What time will be your flight for tomorrow?." Kuya Xavier.
"3 pm, kuya Xav!" Si Jellah na ang sumagot.
Tumango tango si kuya saka ibinaling ang tingin sa akin.
"Are you ready?."
"What?." Kalmado lang akong nagpatuloy sa pagkain at umaktong parang hindi naiintindihan kung ano ang tinutukoy niya. "Don't what what me, Fey! I know you clearly understand what I'm talking about."
Lumunok muna ako bago tumingin sa kanya, ngunit bago pa ako makatingin sa kanya ay agad nabaling sa dalawa ang atensyon ko, nagpipigil kasi ang mga itong tumawa. Naiintindihan ko naman kung bakit sila natatawa. May pa what what pa kasing nalalaman si kuya. Pft!
"What's funny, Jellah Marie? Edward?."
Agad nabulunan ang dalawa nang marinig ang parang nagagalit na tono ni kuya.
"W--wala po, kuya Xav!" Sabay at nauutal pa nilang sabi.
"Well, then..." muling napabaling ang tingin ni kuya sa akin. "Clorofeia Glay, are you ready? You're about to enter your college life again."
I just sighed.
'As if I have a choice.'
"More than ready, kuya." Tanging nasabi ko na lang.
I really have no choice pero sa tuwing naiisip ko ang anak ko, nabubuhay nun ang loob ko. Thinking of letting him to study in my old school, makes me happy and scared at the same time. Happy because he will be able to experience what it feels like to study in my old school, though I had many bad memories there. Scared because I know this one will be tough not just for me, but to the other groups that I am leading also.
Bukas, alas tres nang hapon ang takda naming pagbabalik sa Pilipinas at sa pagkakataong ito ay kasama ko na ang anak ko. Maayos na ang papeles namin, ako at ng mga kasamahan ko na magiging kasama ko sa pag eenroll sa La Llera University. Maging ang identity namin ay nakaayos na din. Napalitan na lahat lahat. Mula sa magiging ayos namin hanggang sa pangalan at iba pang mga bagong impormasyon.
Talagang nakahanda na ang lahat at hihintayin na lang ang pagdating namin bukas. Commander Asame and the other alliance had made everything possible for our plans. This has to be successful, lalo't maraming buhay ang nakataya sa operasyong ito.
*****
A/N:
Short update ba? Pasensya na. Babawi ako sa next update, papahabain kona talaga. Sorry din kung ngayon lang ako ulit nakapag update sa istoryang ito. But guess what? Ginaganahan na ako sa mga susunod pang mangyayari kaya hopefully, makakapag update ulit ako sa linggong ito. I'll go for this story muna. I'll pause the others for a while para mas mafocusan ang istoryang ito. Habaan ninyo pa ang pasensya ninyo slayers. Marami pang mangyayari at mahaba haba pa ang mga kabanatang darating. 😊
- Slay ❤
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
AléatoireA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."