"Third Person's POV"
Napadako sa itaas nang malaking building ang paningin nang isang babae na kakababa lang mula sa sinasakyan niyang motor.
Kasunod niya ay ang apat pang motor. Isa isang bumaba sa kanya kanyang mga motor ang apat na babae saka sabay sabay na lumapit sa babaeng nauna pa sa kanila nang dating.
Kung titignan mo ang ayos nang babae, maging nang kanyang mga kasamahan ay masasabi mong para silang nakahanda sa isang gyera na paparating.
Mga nakasuot nang itim na damit, maging ang pang ibaba ay itim din. Sa madaling salita, nakaitim silang lahat ay parehong handang handa.
"Demolisse." Sabay sabay nilang pagbati at tumango lang naman ang tinawag nilang Demolisse saka muling sinuyod nang tingin ang buong building.
"Get ready!" Yun lang ang sinabi ni Demolisse pero sabay sabay na nanindig ang balahibo nilang apat. Ramdam na ramdam kasi doon ang sobrang lamig nang kanyang boses, maging ang nakakahindik at malamig nitong tono.
Sabay sabay silang napalunok saka tinanaw si Demolisse na ngayon ay nangunguna na sa pagpasok sa loob. Wala sa sarili silang napasunod nang makatanggap nang matalim na tingin mula dito nang lingunin sila at hindi pa rin tumatalima.
"No one dares to hurt my son!" Muling sambit nito sa malamig na tono. Nagkatinginan ang apat saka napabuntong hininga na lang. Hindi alam ang reaksyong dapat ipakita at maramdaman pagkat nasa mata nang babae na desidido itong makuha ang kinidnap na anak.
Dahil malaki ang building na kasalukuyang tinutuluyan nang mga kidnapper, hindi agad makapasok pasok ang limang kababaihan. Kinailangan pa nilang akyatin ang matusok tusok na bahagi nang gate para tuluyang makapasok.
"Santera!" Banggit ni Demolisse sa isang babae na may kulay dilaw na buhok. Tumango lang naman ito at mukhang nakuha ang ibig ipahiwatig nang kanilang pinuno sa kanya.
Dahil sa angking bilis at talino ni Santera, hindi siya nahirapang akyatin ang isa pang gate na halatang mas mahirap kesa sa nauna. Kung ang unang gate na inakyat nila ay may mga matutusok na bahagi, higit na ang pangalawa pero sa talino at bilis ni Santera ay walang kahirap hirap niya itong naakyat.
Napangisi si Demolisse nang bumaba sa kabilang bahagi si Santera saka sila pinagbuksan at tuluyan na nga silang nakapasok.
May dalawang armado ang nakabisto nang plano nila. Akma na sana ang mga itong magpapaputok nang sa isang senyas ni Demolisse ay napatahimik sila.
"Good job, Quintana and Ariessa!"
Nag apir lang naman ang dalawa saka sabay na inihipan ang kanilang baril na parehong may silencer. Yun ang ginamit nila para patahimikin ang dalawang armado kanina.
"Athena, alam mo na ang gagawin mo." Tumango lang si Athena saka nanguna sa paglapit sa isa pang pinto habang ang dalawa naman ay parehong kinaladkad sa madilim na bahagi ang dalawang lalaki para malamang ay hindi matunugan nang iba pa na may nakapasok na mga hindi inaasahang bisita.
Dahan dahang binuksan ni Athena ang malaking pintuan habang nakatutok naman sina Quintana at Ariessa sa harapan, nagmamatyag at nakikiramdaman. Habang si Demolisse naman ay nananatiling nasa likuran, nakangisi ngunit ang kamay ay hindi maipirmi. Atat na atat na itong makagulpi at makapanakit. Nag iisip na ito nang mga bagay na maaaring gawin sa mga taong kumidnap sa nag iisa niyang anak. Kailangan muna niyang mailigtas ang anak niya bago isagawa ang parusang naiisip.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
RandomA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."