"Sumi's POV"
Nasa classroom na kami ngayon at naghihintay na lang na pumasok si Miss Diah. Ilang minuto din kami naghintay at nang may pumasok na professor ay taka kaming napatingin sa kanya.
"Good morning, class. I'm sure you are all quite confused because you didn't expect to see me this early." - Miss Mia. "We had a meeting yesterday and there will be a changes of schedule during friday. Every friday, you won't be meeting your two other professors, you'll be meeting me instead." Nanatili siyang nagpapaliwanag habang kami naman ay patuloy na pinoproseso ang mga sinasabi ni Miss. Nanatiling tutok ang bawat atensyon namin sa kanya.
"Every friday, you will only have a half day of class." At dahil doon ay naghiyawan ang mga kaklase ko, pati na rin kami. "There will be an announcement later after my class. The Dean will have some important announcement later and that includes the event that will occur this coming August." Nagsipag ingay ang mga kaklase ko, samantalang nagkatinginan naman kami nang makahulugan ni Bethany. Nginitian lang niya ako. Marami pang sinabi si Miss Mia hanggang sa mapunta sa performance namin ang topic niya. "I hope you're all prepared to perform today. As I have told you last time, you will be performing by pair and I'll be the one to pair you." Nagkatinginan kami ni Jellah at alam kong pareho naming hinihiling na sana kami ang magkapareha.
"First pair, Julie Axon and Kier Dicel. Second pair, Gwen Devas and Axel Mion. Third pair, Bethany Agoncillo and Alexander Santiago. Fourth pair, Jellah Augustus and...." Mention my name please! Please! "Arthur Cuevas." Sh!t! Sana naman makapalagayan nang loob ko lang ang magiging kapares ko. Inisa isa ni Miss ang lahat nang magkakaparehas at habang tumatagal ay lalo lang akong kinakabahan. Tatlong pares na lang ang natitira hanggang sa mabanggit na yung apat at gusto kong magmura dahil dalawa na lang kami ang hindi pa nababanggit. "And the last pair will be Kasumi Perez and Kristoffer Santiago." No way! Nagkatinginan kami ni Jellah at Bethany. Binigyan ko sila nang tingin na para bang humihingi nang tulong pero pareho lang silang umiling, senyales na wala na silang magagawa. Biglang bumagsak ang balikat ko.
"I will give you five minutes to prepare and to talk about your presentation." Umalis saglit si Miss at nagsimula nang magsipagtayuan ang mga kaklase ko para puntahan ang mga kapares nila.
Wala akong nagawa kundi ang lingunin ang taong nasa likuran ko ngayon. Nilingon ko din si Alex.
"Baka naman pwedeng palit na lang kami ni Bethany?." Umaasang tanong ko sa kanya.
"As much as we want to, five minutes lang ang binigay satin ni Miss para maghanda. We don't have so much time. I'm sorry, Sumi." Mas lalong napalaylay ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Bigla niyang nilingon ang pinsan niya. "I know you don't like each other. Pero pwede bang pass na lang muna ang away ninyo ngayon? Grades are more important than any of your pride." Wala man lang sinabi si Kristoff. Tinignan lang niya ang pinsan niya saka ako nilingon. He heaved out a deep sigh. "Fine! As if I have a choice." Pagsuko niya. Napangiti naman kami bigla. "I hope you do know the song entitled "You make me smile" by: Justine Vasquez." He said that make me smile wide. "Yeah! I do know that." Tumango lang naman siya.
Nag usap pa kami kung paano yung performance na gagawin namin at nakita ko nang bumalik na si Jellah mula sa pakikipagkausap niya kay Arthur. Pansin ko din na tapos nang mag usap sina Alex at Bethany.
Ilang minuto lang ay bumalik na si Miss at agad din namang nagsimula sa pagperform sina Julie at Kier. Makalipas lang ang ilang minuto ay nagsimula na ding magperform sina Gwen at Axel. It's now Bethany and Alex turn. Biglang nilahad ni Alex ang kamay niya at nakangiti namang tinanggap ito ni Bethany dahilan para mangibabaw ang nakakabinging tili nang mga kaklase ko. May nanunukso na at sinisigaw ang pangalan nila pero pareho lang silang tumawa.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
NezařaditelnéA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."