HB SEVENTEEN

62 18 5
                                    

"Kristoff's POV"

"Thank you, love. Pumasok ka muna." Tumango lang ako saka siya inalalayan papasok nang kanilang bahay.

"Ipagtitimpla muna kita nang Juice." Aniya saka pumunta sa sala nila at nagtimpla ng juice.

"Heto o!" Aniya at inabot sakin nang matapos niya iyong matimpla. "Thank you." Tanging nasabi ko na lang. Hindi ko muna ininom ang binigay niya. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon.

"Hindi mo ba muna iinumin yan? Pinagtimpla kita e." Nagtatampong aniya.

"May sasabihin ka pa ba? May pupuntahan pa kasi ako e." Nasabi ko na lang. Wala talaga ako sa mood ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Sorry na. Alam kong nagkasagutan tayo pero please. Nagselos lang naman ako e. Panay kasi ang tingin mo sa kanya at parang nakalimutan mo na na girlfriend mo ako." Sa kabila nang pagpapaliwanag niya ay hindi ko man lang nakitaan nang interest ang paliwanag niya.

Naiinis na ako! Siya ba talaga ang may problema o ako? Baka ako na nga! Tsk!

Tumayo ako at nilapag sa mesa ang baso na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiinuman.

"Love, aalis ka na?." Para siyang naaatat. Dali dali niyang kinuha ang baso na may lamang juice.

"Inumin mo na lang muna to." Aniya saka tangkang ipaiinom sakin nang iiwas ko ang bibig ko.

"Wag na! Wala ako sa mood e."

"Love, sorry na please!"

"Pwede bang, wag na muna tayo mag usap ngayon? Wala kasi ako sa mood e. Baka mas lalo lang tayong magtalo." Sagot ko na lang saka lumabas at hinayaan siya. Nang makita kong lumabas siya ay dali dali kong pinaandar ang kotse ko. Hindi ko alam kung bakit takot ang naramdaman ko.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam.

Mas lalo lang niya akong binibigyan nang dahilan para pagdudahan siya. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni ate nung nakaraan.

*FLASHBACK*

"Ate, alam mo na ba kung bakit hindi ko maalala si Sumi?." Tanong ko sa ngayon ay nakahigang si ate sa kama ko habang nagbubuklat nang libro. Dito niya naisip matulog ngayon sa condo ko.

"Hindi, pero may naresearch ako."

Napukaw nun ang interest ko. "Ano yun ate?."

Umupo naman siya agad saka sinara ang nakabuklat na libro.

"Ayun sa infong nakuha ko, kadalasan daw na nakakaranas nang pagkalimot sa isang tao ay ginayuma raw."

"Ginayuma?." Takang tanong ko at tumango lang siya.

"Oo at pwedeng ganun ang nangyari sa'yo. Maaaring may kinalaman din yun sa mga pagkain o inumin na binibigay sa'yo dahilan para manatili kang nasa ilalim nang kanyang gayuma at manatiling tago sa alaala mo ang taong kasalukuyan mong nakakalimutan."

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now