HB 6: The Accidental Kiss

86 21 0
                                    

Thursday.

*Yawn*

⊙﹏⊙

"AHHHHHHHHHHH!"

"HAHAHAHAHA."

<(`^´)>

"Ano bang ginagawa mo?." Naiinis kong tanong. Ang walangya kong kaibigan. Kung may sakit lang ako sa puso, malamang inatake na ako. Ikaw ba naman pagdilat mo ng mga mata mo, mata niyang purong puti ang makikita mo hindi ka ba matatakot? Naalala ko tuloy yung movieng pinanood namin nung isang araw.

"Bumangon ka na diyan, mahal na prinsesa. Malalate na tayo."

⊙﹏⊙

"Ano? Bakit ngayon mo lang ako ginising? Anong oras na ba?."

"6:30 na! Kanina pa kaya kita ginigising, masyado lang atang mahimbing ang tulog mo. May pasigaw sigaw ka pang nalalaman. Niyuyugyog na nga kita e! Pero walang epek! Baka naman napanaginipan mo na naman yun?"

"Huh?." Kinabahan ako. "A-ano yung sinisigaw sigaw ko?."

"Kung bakit mo ako iniwan?." Parang hindi pa siya sigurado. Bigla akong napaseryoso.

"Hintayin mo na lang ako sa baba." I said coldly, then went inside the shower room.

"Ang weird mo!" Dinig ko pang sabi niya bago ko narinig ang pagsara nang pinto senyales na lumabas na siya.

I just heaved a sigh.

Madali kong tinapos ang pagligo. Ayoko namang malate no!

"Tara na!" Yaya ko nang makababa ako.

"Hindi ka na kakain?." Takang tanong niya nang makitang nakahanda na talaga akong umalis.

"Hindi na! Ayokong malate."

"Huh? Pero ok-------."

"Tara na!" Seryoso ko talagang sabi.

"Oo na nga! Mainit agad yung ulo mo e."

Hindi ko na siya pinansin at dumeritsu na sa motor ko na si Bunny.

Agad din naman siyang sumakay sa motor niya. Buti na lang ayaw na ayaw nitong pinagpapabukas ang magagawa ngayon. Kaya nung nasira yung motor niya, agad niyang pinaayos.

Isang mabilis na park ang ginawa ko saka bumaba at pumasok sa loob.

"Hoy teka! Hintay naman!" Hinintay ko nga siya.

Pero sadyang malas ko nga ata talaga ngayon.

"Oh! Hi there, fellas! Kumusta naman ang nagfefeeling strong dito?."

"Pwede ba, Lera? Wag ngayon. Wala kami sa mood pumatol sa'yo." - Jellah.

"E pano ba yan? Nasa mood ako mang asar ngayon e. Right girls?." Hinarap niya ang dalawa pang bwiseta. Those bitches! Arghhh! Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Heleyra! Hell!

"Right!" Sabay pa ang dalawa. Psh! Sino pa ba? Edi sina Trisha at Angela.

Akmang lalayasan ko na sana sila nang pigilan ako ni Lera.

"Hindi pa tayo tapos, bitch!" Padarag kong binawi ang kamay ko dahilan para muntik na siyang maout balance. "How dare you?." Akmang sasampalin niya sana ako nang hawakan ko ang kamay niya. "How... Dare.. You?." May diin at galit kong sabi. Napaatras naman agad siya pero hindi tuluyang nakaatras dahil hawak ko pa rin ang kamay niya. "Sinabi na ni Jellah diba? Wala kami sa mood pumatol sa mga kagaya ninyo ngayon."

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now