💞 HB 24: Training 💞

61 12 4
                                    

"Sumi's POV"

"Tulungan ka na namin." Napatingin ako kay Alex at Kristoff. Ayan na naman ang dalawa. Psh!

"Wag na. Ako na lang." Seryosong sabi ko saka inagaw ang walis sa kanila. Pero mukhang malakas nga ata talaga ang mga lalaki dahil nang muli nilang kunin sakin ang walis ay hindi ko na ito muling nabawi pa.

Kanina pa nagsimula ang training at uwian na ngayon. Nagkalat ang mga basura at ako ngayon ang kailangan maglinis nito. Paano, yung apat na babaeng yun, nag unahan sa paglabas nang maannounce na kailangan linisin ang buong gym. Kaya heto at mag isa ko itong nililinis pero sadyang ayaw talagang magpaawat nang magpinsan.

Napailing iling na lang ako.

Habang naglilinis silang dalawa, ako heto at nakaupo lang. Ayaw nila akong palinisin. Babae daw kasi ako. Psh! E ano naman kung babae ako? Bawal nang maglinis? Ganun! Sus! Para paraan talaga ang mga lalaki, e no!

Habang abala sila sa paglilinis, ako naman ay abala sa pagscroll sa cellphone ko nang biglang may magpop na unregistered number.

"Hello?." Saglit akong lumayo sa dalawa para masagot ang tawag. Wala akong boses na narinig sa kabila dahilan para muling mag init ang ulo ko. Pinagtitripan lang ba ako nang caller na to? Dahil kung oo, pwes TANG*INA niya!

"HELLO?." Napapalakas na ang boses ko dahilan para lingunin ako nang dalawa. Tumalikod ako saka mas humakbang palayo sa kanila. "Kung mangtitrip ka lang, pwes iba na lang dahil wala ako sa mood patulan ka ngayon."

Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang humalakhak ang nasa kabilang linya.

["Easy, abo! Ako lang ito. Masyado naman atang mainit ang ulo mo? Nagkita na tayo kanina e. Hindi ba nun nabawasan ang pag iinit nang ulo? mo."]

"Ikaw to Julian? E, TANG*INA mo pala e! Paano mong nakuha ang number ko ha?."

["I have my own ways, abo. At wag mo na ring tanungin kung paano dahil akin na lang yun."]

"Wag ka nang tatawag!"

["Sorry, pero mukhang imposible ata yang pabor na hinihingi mo."]

"I'm not asking you a favor. Inuutusan kita."

["Mas lalong wala kang karapatan na utusan ako. Hindi mo ako utusan, Kasumi. Manliligaw pwede!"]

"Mandiri ka nga!"

["Haha. Nakakatawa. Parang dati lang naiihi ka pa sa kilig, pero ngayon."]

"TANG*INA MO LANG!"

["Hep! Tama na yang pagmumura, abo! Iba akong maningil, alam mo yan."]

"GAGO!" Saka ko na pinatay ang tawag.

"Sino yun?."

Napatalon ako nang biglang mangibabaw ang boses ni Kristoffer sa likuran ko.

"Ba't ka ba nanggugulat?." Inis na tanong ko dito.

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now