"Sumi's POV"
Mabilis na lumipas ang araw at bukas na ang aming exam. Panay ang review namin, ngunit panay din ang pangungulit sa akin nang magpinsang Santiago. Naging malapit na kami ni Kristoffer sa isa't isa at panay na din ang pagbanat niya. Kung paano siyang bumanat ay ganun naman ang pagkapikon ko.
Sino ba naman ang hindi mapipikon, kung wala siyang pinipiling lugar. Kahit saan ay banat nang banat. Magpapatalo ba naman ang pinsan niya?
Psh! Naaalala ko pa nga nung isang beses na kumakain ako sa canteen, bigla nilang pinag aagawanan ang uupuan ko at kung ano anong endearment pa ang tinatawag nila sakin.
"Sumiang, dito ka na." - Alex.
Uupo na sana ako nang......
"Baby, dito ka na." - Kristoff.
Taka lang akong napapatingin sa kanila. Maging ang mga kaibigan ko at mga naging kaibigan ko na rin na grupo ni Kristoff ay papalit palit lang ang paningin sa kanila.
"Dito uupo ang Sumiang ko."
"Hindi! Dito siya sakin uupo."
"Anong diyan? Hindi mo ba narinig? Sumiang ko yan e."
"Wala akong pakialam sa Sumiang mo. Basta baby ko yan. Baby, dito ka na."
Nakanganga lang akong nakikinig sa pagtatalo nang dalawa. Dahil gutom na ako ay dun ako umupo sa gitna nina Cris at Emhir.
Wala silang nagawa kundi ang umupo na lang din pero masama pa rin ang tingin sa isa't isa.
Hindi lang dun nagtatapos. Marami pa silang pinagtalunang dalawa pero ang hindi ko makakalimutan ay yung pagagamitin nila ako nang boys cr.
Ihing ihi na ako nun at tatakbo na sana sa ladies room nang pigilan ako nang dalawa at hatakin. Nang mapagtanto kung saan nila ako dadalhin ay gusto kong pag uumpugin ang mga ulo nila.
Akalain mo bang pag agawan kung saan ako mag ccr? Kaya ang mga kaibigan nila sa halip na umawat, ay tatawa tawa lang na pinanood ang pagtatalo nang dalawa.
Ani Cris, 'nothing's serious' naman daw. Kay buting kaibigan. Psh!
Marami na din akong naririnig na kung ano ano sa kanila pero matapos kung pagpapatulan, ayun nawala na parang bola ang mga bitches.
Bukod siguro sa madalas ko nang kasama ang grupo nina Kristoff ay natakot din marahil sakin dahil alam naman nilang hindi ko sila hahayaan na lang na api apihin ako.
Nakatikim silang lahat sakin, lalo na nung lunes at martes.
[Monday Encounter]
Naglalakad ako ngayon mag isa sa hallway. Patungong bathroom sana nang biglang may humarang sa daraanan ko.
"Totoo nga ang balita, iba nga talagang sumugod ang linta. Akalain mong patalikod?."
Inis akong napatingin kay Lera dahil sa mga pinagsasabi niya. Kasama na naman niya ang dalawang buntot niya na sina Trisha at Angela.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
De TodoA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."