Zeph's POV
Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa babaeng kasama ni ace na tumatawa kahit sya lang naman ang tumatawa.
"Selos ka?" Marahas akong napatingin sa lalakeng biglang sumulpot sa gilid ko.
"Stop talking nonsense" sita ko saka tumingin kina penny at pat na parang walang pakialam.
Hinanap ng mga mata ko sina rea, alex, shawn at gin, nakita ko naman sila sa may couch at nagkukwentuhan rin habang sa may hagdan sina ace at aileen. Habang kaming apat ay nandito sa may open area ng kusina kung saan kitang kita ang living room.
Hahanapin ko na sana si hero ng sumulpot sya sa kabila ko at naupo narin kaya napagitnaan nila ako ni jax.
"Hayyyy miss ko na si cela" narinig kong bulong ni hero at yumukod sa mesa.
"Miss? Bakit close kayo?" Pambabara ni penny sa kanya. Bumuntong hininga ako, magsisimula na naman ang dalawa.
"Hindi pero wag nyo rin i-deny na nakakapanibago rin pag wala ang presenya ni cela" sagot ni hero. Inirapan lang sya ni penny bago kumain ng ice cream.
"How did they become that close?" Tumingin ako kay pat na nasa harapan ko lang ng magtanong ito.
"May usapan na nangyari sa kanila kaninang umaga" hindi ako tumingin kay jax nang sya ang sumagot at nanatili lang akong nakikinig.
"Usapan?" Tanong ni penny na kaharap si hero na nakabusangot parin. Even if i want to ask, lagi rin naman nila akong nauunahan, so i will stay silent until they are done.
"I don't know. Basta, maaga silang nagising kaninang umaga at mukhang nakapagusap sila ng masinsinan kaya ganyan na sila ka-close ngayon" sagot ni jax. Taimtim lang akong nakinig, hindi naman kasi gawain ni jax ang makiusisa ng buhay ng may buhay kahit kaya nya namang pasukin ang utak ng ibang nilalang. So basically, nagbibigay sya ng privacy. And that's because i asked him before, when we first met.
"That's weird" tumingin naman sila kay hero na ngayon ay nakatingin sa dalawa at nakapatong lang sa mesa ang nguso nya.
"What's weird?" Tanong ni pat.
"Kanina kasi, nilapitan ko si aileen at ginulo ang buhok nya" sagot nya. We waited for him to continue, lumingon na ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"The weird part is, she never let me touch her hair even an inch. Ayaw nyang nagugulo ang buhok nya pero kanina, she just laugh and punch my shoulder lightly" dagdag nya. Napatingin naman agad ako kay aileen.
"Baka nagbago lang" sagot ni penny at kumibit balikat.
Napatingin naman ako kay jax ng tumayo sya.
"Professor violet summoned us" salita nya kaya nagsitayuan kami at nauna akong lumabas ng kusina. Lumapit ako sa sala.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni rea ng makita ako.
"We need to go to professor" sagot ko. At tumalikod na para maunang maglakad palabas, sinundan naman ako nila penny at pat.
"May kailangan na naman ba si prof?" Rinig kong tanong ni rea na nasa likuran lang namin.
"May nangyari na naman siguro" sagot ni gin using his soft voice. Gin- sya ang anak ni Hestia ang headmistress ng academy na 'to, he really resembles her a lot. He's to fragile one among us, well it is his domain of course, his mother is the goddess of heart, family and domestic life. So given na ang pagiging maalagain, mabait, at softness pero hindi naman sya bakla, dahil tingin ko nga ay may namamagitan sa kanila ni rea.
BINABASA MO ANG
Time Traveler✓
Fantasy[COMPLETED] Highest rank: #1 in greeks, in Titans, in Olympians, in Demigods genre I am TIME itself.. No matter what.. Celandine is the daughter of Chronos, the minor god of Time. Celandine holds the biggest part in their world, she is TIME. Even th...