Celandine's POV
Nagteleport agad ako sa labas ng building. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at nakita ang pigura nila zeph sa mag border ng eskuwelahan kaya agad akong magteleport doon. Nawala ang pagaalala ko nang makita sila pat,rea, hero at aileen na paparating at nakasunod si tita Aireen sa likuran.
Mabilis kong tinungo ang pwesto ni aileen at niyakap sya. Nagulat pa sya ng makita ako pero agad ring yumakap pabalik.
"Hindi halatang na-miss mo ko cela" natatawang salita nya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at mabilis syang tinulak sa likuran at hininto ang oras nang makita ko ang papalapit na espada. Huminto ito sa ere at sinipa ko ito pabalik. Nawala rin agad si tita aireen sa harapan ko at nagawang dumipensa narin ng ibalik ko ang oras.
"Get inside! Now!" Sigaw ko at hinarang ang sarili sa harapan ng malaking gate ng border. Nakita ko ang unti unting paglitaw ni monarch sa harapan ko at walang kahirap hirap na sinalo ang handle ng espada nya.
Damn it! He tried to kill aileen! Nababaliw na sya!
Nagteleport ako sa labas ng border at nilagyan ng barrier ang buong border ng eskwelahan.
"It's between you and me, monarch" salita ko at agad na lumitaw ang mahabang espada sa kanan kong kamay. Kuminang ang ancient letters sa blade ng espada. A sword from my father that i used to slay a monsters. An ancestral swords perhaps. This is about 100 years old and could kill a god. Ito ang ginagamit ko kapag may pinapagawa ang ama ko, kapag may inuutos si Zeus na patayin bilang parusa-- death sentence. Wala pang mintis ang espada na ito.
"I see, talagang gagamitin mo yan sakin" komento ni monarch habang nakatingin sa espada. Ngumisi ako.
"You tried to kill her. Our friend. Talagang sinakop ka na nang kasakiman mo" sagot ko at agad na umatake sa kanya pero hindi lang pala sya nagiisa. Maraming nakacloak na itim ang lumabas sa mga puno at may hawak ring espada kaya napakibutan agad nila ako.
Lumitaw ang mga kutsilyo sa likuran ko at pinatama sa mga naka cloak habang patuloy akong nakikipagtagisan kay monarch.
Napaatras ako nang magawa nya akong sipain sa tyan. Dapadaing ako lalo na nag maramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa tyan. Muli akong umatake sa kanya at hindi pinansin ang pakiramdam na unti unting nababasa ang damit ko sa bandang kaliwa ng tagiliran.
Muli akong napaatras ng masugatan ako ng espada ni monarch sa braso. Ngumisi ako at pinagaling ito saka ako umatake ulit kasabay ng patuloy na pagpapalipad ng kutsilyo sa mga nakacloak.
Napadaing ako ng sabay kaming tumalipon matapos sipain ang isa't isa. Napahawak ako sa sugat ko at nakitang dumudugo ito. Damn it. I can't heal it, dahil galing ang sugat na ito sa dungeon. I can't make it back to normal hanggang hindi ako magpapahinga ng isang Linggo.
Nakita ko ang paa nya na nasa harapan ko. Nakalapit na ito sakin at akmang hahawakan ang buhok ko ng biglang may tumusok na salamin sa braso nya at napaatras sya.
Naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa likod ko at pinatayo ako. Nang tingnan ko ito ay si Alastair pala at dumating narin ang iba para makipaglaban.
"Your bleeding" sambit nya habang nakatingin sa hawak hawak kong sugat. Nagtiim ang bagang ko at bumitaw sa sugat ko at humarap kay monarch na ang sama ng tingin kay Alastair.
"I'm fine. Bumalik na kayo sa loob" sagot ko at muling nagtagpo ang tingin namin ni monarch.
"No. Tutulong kami" matigas nyang sagot. Nakita ko si aileen na tumatakbo sa gawi namin at mabilis na nakalapit.
Humarap ako kay monarch at mabilis na lumapit sa kanya pero pumagitna si aileen.
"Wait! Magpapatayan ba talaga tayo?" Naguguluhang salita ni aileen. Napakurap ako at hindi makasagot, pero teka, hindi ba't muntik na syang patayin ni monarch? Bakit nya pa tinatanong yan?
"Guys. Parang wala naman tayong pinagsamahan nyan. Arc, ano? Tatalikuran mo na ba talaga kami?" Dagdag ni aileen at binalingan si monarch, she even called him arc. I felt a pang of pain in my chest nang makita ko ang malambot na ekspresyon ni aileen, she's hoping, she's hoping that our friendship will be back.
"Matagal na nya tayong tinalikuran aileen" ako ang sumagot sa kanya at nilapitan sya at humawak sa balikat nya.
"Arc...you know we're still friends. Do we?" Malumanay na salita ni aileen habang nakatingin kay monarch. Tumingin ako kay monarch and i know something change in his eyes the moment aileen spoke.
"You are not like this, arc. I know, inside you, you miss us. Yung mga alaala natin. Wala nalang ba talaga yun sayo?" Muling sambit ni aileen. I don't know how to say this but it feels like it's only the three of us left in this ground.
"You don't know me" napatingin ako kay monarch, only to find him, puzzled.
"We know you, you're still the arc we know! The one who buys us ice cream and the man who loves cela!" Mabilis na sagot ni aileen. Napayuko ako as memories keep on flashing in my head.
"Ice cream?" His smiling face while offering us an ice cream. Hanging out in the forest or whenever we go for swimming. Or whenever one of us is upset. Or whenever we walk on hallway. The man who likes ice cream and the reason why we like and hate ice cream.
"Ayukong tayo rin ang magpapatayan" bulong ni Aileen at nakayuko na ngayon. Nabalik ako sa katinuan. Kami rin ang magpapatayan gaya ng nakaraan. The past is repeating itself. Ang dating grupo nang magkakaibigan na natapos sa patayan.
"I already killed the two of you" salita ni monarch. Napasinghap si aileen. Pinulot ko ang espadang malapit sakin, hindi ko na mahagilap ang espada ko.
Napatingin ako kay aileen para sana paalisin na ito pero mabilis ko nalang syang sinipa para makaiwas sa espadang paparating sa kanya at ako ang natamaan sa tyan pero hindi ako huminto at mabilis na nagteleport sa harapan ni monarch at hiniwa sya sabay diin sa punong nasa likuran nya.
Bumakas ang gulat sa mukha nya at ako rin ng hugutin nya ang espada nya sa tyan ko at niyakap ako kaya mas dumiin ang espada ko sa kanya. Napasuka ako ng dugo ng saksakin nya ako ulit sa likuran at tumagos sa kanya.
"Cela!! Arc!!" Rinig kong sumigaw si aileen. Mapait akong napangiti at lumitaw sa isang kamay ko ang kutsilyo at sinaksak rin sya.
Napasuka ako ng dugo ng may humila sakin papalayo kay monarch at mabilis na tinanggal ang espada sa likuran ko.
"Alex!" Napatingin ako kay Alastair na syang kumuha sakin at akay ako. Tinawag nya rin si alex na mabilis na lumapit at agad akong dinaluhan.
Tumingin ako sa pwesto ni monarch at nakitang hawak sya ni aileen pero agad ring naglaho.
Pumikit ako at ginamot ang sarili pero patuloy na nagdurugo ang sugat ko sa kanang tagiliran.
"I can't heal it. Let's bring her inside" sambit ni alex habang umiilaw ang kamay na nakadapo sa tagiliran ko. I can't even move an inch dahil sa pagod. It feels like my energy is drained.
Lumapit si aileen samin at hinawakan sa balikat saka kami nakarating sa kwarto ko.
"I'm fine. I want to be alone" salita ko at pumikit. Naramdaman kong tumayo si Alastair at alex saka narinig ang yabag nilang umalis at sumara ang pintuan.
Binuksan ko ang mata ko at nakita si aileen na kumuha ng first aid kit saka lumapit sakin.
"Just take a rest. Just let me put an aid before i leave you" salita nya. Tumango ako at pumikit nalang ulit.
He made his choice. Ilang beses ko bang dapat isipin yun? Na hindi na sya si arc. Na hindi na sya ang taong minahal ko. Na balang araw, kami rin ang magpapatayan. Pinili nyang saktan ako, kami, kabaligtaran ng pinangako nyang poprotektahan nya kami ni aileen. Kabaligtaran nang ginagawa nyang pagprotekta samin noon kapag may gustong manakit samin.
Damn it! I can't stop the feeling, how i miss him.
Prim_rose7
BINABASA MO ANG
Time Traveler✓
Fantasy[COMPLETED] Highest rank: #1 in greeks, in Titans, in Olympians, in Demigods genre I am TIME itself.. No matter what.. Celandine is the daughter of Chronos, the minor god of Time. Celandine holds the biggest part in their world, she is TIME. Even th...