5

825 41 2
                                    

Celandine's POV

Lumabas na ako ng kwarto matapos makapagbihis ng uniform at maisuot ang badge ng alpha. Tinungo ko ang kwarto ni aileen at kinatok ito. Magkaiba kasi kami ng kwarto at hindi ako sanay pero wala rin naman akong magagawa.

"Ang tagal naman ng babaeng 'to" bulong ko at sumandal na lamang sa pader na kaharap ng pinto.

My room was just next to Aileen though nasa pinakadulo ang kwarto ko habang sa right side ay ang pintuan ng kwarto ni Alastair, then kaharap ng pintuan ni aileen ay kay shawn. Tapos sumunod kay zep na kaharap kay jax.

Bumuntong hininga ako at inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa balikat ko. Tinanggal ko ang badge sa may dibdib ko at hinagis hagis sa ere at sinasalo ito. Pagkasalo ko ay pumikit ako.

"What are you doing?" Napakunot ang noo ko at dumilat na. Napasingkit ang mata ko nang sumalubong sakin ang mukha ni Alastair.

"Waiting for my friend, obvious ba?" Sarkastikong sagot ko at kinabit na ang badge sa bulsa ng coat ko na nasa may dibdib. Narinig kong tumikhim sya kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya na nakapamulsa lang.

"Is it your habit?" Naningkit ang mga mata ko sa tanong nya. At tinaasan sya ng kilay.

"The what?" Tanong ko.

"Looking at the future through time" sagot nya. Napatitig ako sa kanya ng matagal bago nagpoker face.

"How did you know?--anyways. Yes" agad kong binawi ang tanong ko at sinagot na lamang sya. Napatingin ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ni aileen at napatingin sya sakin at kay Alastair na nakatalikod sa kanya.

Tumayo na ako ng tipid at binalingan si Alastair.

"Breakfast is ready in 5 seconds. We'll go ahead" saad ko sa kanya saka tinalikuran sya at hinila na si aileen na nagtataka.

Nagteleport ako sa baba at naglakad na kami patungong kusina.

"What was that? Anong pinagusapan nyo ng gwapong yun?" Sunod sunod na tanong agad ni aileen ng malapit na kami sa bukana ng kusina.

"I never thought a son of Aphrodite would be so curious on me. Nagtanong lang sya if habit ko ba raw ang tumingin sa hinaharap. So i answered yes" sagot ko at napamake face naman sya.

"Hmmh, i see. Tara gutom na ako" sagot nya at hinila na ako sa loob ng kusina.

Nakita kong nakahanda na ang pagkain sa mahabang lamesa at nakaupo na ang buong grupo except sa amin at sa hindi pa nakakarating na anak ni Aphrodite.

Naupo na kami ni aileen at nagsimula naring kumain. Tahumik lang sila at tila nagpapakiramdaman lang bago dumating ang anak ni Aphrodite at naupo sa harap ko at kumain na rin.

Tahimik lang rin akong kumain kaya tanging kobyertos lang ang naririnig sa buong kusina. I guess, it's their habit? Sadyang pormal lang sila sa isa't isa at hindi nagkikibuan kung hindi nila gusto? But they seemed close to each other. Kinibit balikat ko nalang ito, wala naman akong dapat pakialam sa kanila since kabago bago pa lamang namin sa class na 'to.

Naunang tumayo ang anak ni Zeus at anak ni hades. Even the offspring of the big three didn't talk much.

"Nakakapanibago" napalingon ako kay aileen ng magsalita sya. Alam kong narinig iyun ng iba pero hindi sila nagabalang tumingin kay aileen except sa kapatid nitong si hero at si rea. About hero, actually he is one year older than aileen pero dahil anak sya ni hermes ay kinailangan nyang manatili sa alpha kahit mas senior na sya samin.

Time Traveler✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon