7

786 33 3
                                    

Celandine's POV


Seryoso lang akong nagluluto ng adobo matapos kong magbake ng desert. Nasa mood lang kasi akong magluto at dahil marami kami, dapat damihan ko rin. It's still morning at para breakfast namin 'to. For 1 week of being with the alpha, nalaman kong si zep lang pala ang marunong magluto kaya sya ang laging cook tuwing kakain. Well, ngayong nandito na kami ni aileen, may kapalit na sya.

"Are you sure you don't need help?" Napatingin ako kay zep na inoobserbahan ang galaw ko. Nakaupo lang ito sa may counter at tila hinihintay na sumabog yung kusina. Ito kasi yung unang beses na nakita nila akong magluto, sino nga bang magaakala? Well, as for zep, she seems too cautious what will i do. Kinibit balikat ko nalang ito at hinayaan syang manood sakin.

"Yes. And i won't blow your kitchen chef" sarkastiko kong sagot at ngumisi na lamang sa kanya. Mukhang sa loob ng isang linggo ay nasanay na sila sa akin at sa mga malokong galaw ko. At hindi narin sila katulad nung unang araw namin ni aileen, they look soft and go with the flow now.

"Yeah you won't blow it but you're messing my kitchen" mahinang sagot nya. Napaangat ang tingin ko sa buong kitchen at napakamot na lamang sa ulo at malokong ngumiti. Kapag kasi ako ang nagluto, parang binagyo ang kusina, kung saan saan napupunta ang mga gamit.

"Okay lang yan. Pwede ko naman ibalik sa dati yan" sagot ko at balik sa composed ang mukha ko para makapagseryoso sa pagluluto.

"Hmmhh oo nga pala, it's too easy for you" sagot nya. Tumango tango lang ako at hinain na ang niluto kong adobo saka nagsnap at napangiti dahil parang walang nangyare sa kusina. Kasing linis na ito nung ginamit ko.

Hinayaan ko na syang tulungan akong dalhin ang mga pagkain sa dining room. Nang makapaghanda na kami ay umalis sya para tawagin ang grupo na nagkalat sa buong unit. Well, linggo ngayon at walang pasok kaya lahat nandito sa unit hindi gaya kahapon na labas pasok sila dahil siguro may pinapagawa ang professor.

Nang dumating na sila ay naupo na ako at tumabi naman sakin si aileen. Nakita kong malapad ang ngiti ni shawn,rea, jax at alex ng makita ang mga pagkaing nakalapag.

"Let's eat" pagkasabi ni zep nun ay hindi ko inasahan na nagunahan ang apat na kumuha ng pagkain even hero na tumatawa at natatakam pa sa pagkain.

Naiiling nalang ako at kumuha na ng pagkain.

"Cela, bisitahin natin ang beta?" Napatingin ako kay aileen ng magyaya siya. Tumango ako at tipid na ngumiti saka kumain na.

"They seemed happy when they saw us with them" kwento ko, nakita ko kasi ang beta nung isang araw, even greta and the group smiled at us, knowing that we were now alpha.

"They are proud I'm sure. Tayo rin naman kasi ang dahilan kung bakit sila napunta sa beta" sagot niya habang kumakain parin kami. Tumango ako.

"Nakakamiss asarin yung mga 'yun" sambit ko at napangisi nalang. Well, hindi naman halata pero close kami ng mga beta, i use to joke around on them. Make them get scared kaya mahirap rin siguro kay professor H ang paglipat namin.

"After lunch?" Tanong nya at nahimigan ko ang excitement sa boses nya.

"Yeah. I prefer stay my room today" sagot ko. Napalingon sya sakin at pinaningkitan ako ng mata.

"Your doing it?" Medyo malakas nyang tanong kaya napatingin ang iba samin. Napangiwi ako at tumango.

"Anong gagawin mo cela?" Napatingin ako kay pat ng magtanong sya na katabi lang ni aileen. Sumulyap ako kay cela saka sinalubong ang tingin nila.

Time Traveler✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon