Celandine's POV
"Why are you doing this?" Tanong nya. Ngumiti ako at kumubit balikat.
"Reminiscing the past?" Hindi sigurado kong tanong at tumingin sa kanya.
"Will you join me?" Muling tanong ko. Hindi ko mabasa ang nasa isipan nya pero alam kong nagbabago na ang isip nya.
Umiwas ako nang tingin at tumingin sa falls. Napangiti akong muli habang nakatalikod sa kanya. Tumingin ako sa repleksyon ko sa tubig, hindi sya nakaimik kaya bumuntong hininga ako.
"You told me you want me as your queen. You want to bring back the old ways?" Muling salita ko. At lumingon sa kanya.
"You can't bring it back, but you can make new memories arc" dagdag ko. At tinalikuran sya para maghubad ng damit. I was just wearing short shorts and swim suit, plano ko talagang maligo sa falls. Wala rin naman yung malisya sa kanya dahil kahit saan ka man pumunta, basta't nasa beach o nasa swimming pool makakakita ka talaga nang naka two piece o swimsuit. Yun nga lang hindi ako naka two piece, naka swimsuit lang.
"Don't worry, no one can see us here. No one even the most powerful gods can find us here" i assured him, saka ako sumulong sa tubig.
I found a new ability, my sister told me. An ability that only my father and i can do, or not because chaos can do this ability. The ability of time void, though i already use this, mas natutunan ko nang palawakin ang abilidad na ito sa tulong ng kapatid ko.
Inahon ko ang katawan sa tubig saka tumingin kung nasan si arc, hindi naman ako nangangamba kung nasaan sya dahil hindi naman sya makakalabas sa lugar na ito. Pero gusto kong makita kung anong gagawin nya.
Napangiti ako nang makita syang sumulong sa tubig. And there i got my answer.
*********
Penny's POV
Nagkakagulo na ang lahat. It's been what?--i don't know! Hindi ko na napansin ang pagdaan ng panahon dahil wala na kaming oras para tumingin pa.
"Pen, nandito na sya" bulong ni hero. Muli kaming magtago sa puno at hinanda ang sarili.
Today, we have to end Shana. Remember her? Ang right hand ni monarch. Kami lang ni hero ang naka-assign kay shana dahil sabay sabay naming aatakihin ang mga 2nd rank reapers. Ang nakaantabay naman sa 3rd rank ay ang omega, habang kami na ang bahala sa 2nd rank. Hindi kami maaaring magpakampante dahil baka may plano na sila, malamang ay alam na nila ang plano naming pagunti unti sa kanila, balita na sigurong marami nang nawala sa 3rd rank dahil naunang gumalaw ang omega.
"Now" senyas ko kay hero and he nod once. Mabilis syang nawala sa harapan ko at nakita ko na lamang syang pinapaikutan nang mabilis si shana, creating an air that could suffocate who's inside.
I made my way inside and then hold choke her but not really, i just need to hold her to freeze her blood and there she couldn't move anymore. Nanlalaki ang mga mata itong nakatingin lang sakin hanggang sa nawalan na ito ng buhay.
Tumigil na si hero at bumuntong hininga ako na binitawan si shana. Lumuhod si hero para pantayan ang walang buhay na katawan ni shana saka nya ito hinawakan sa kamay.
"May this body found it's way to Tartarus" he chanted and the body vanished into thin air. He is a demigod of messenger anyway, that is why he can make a body delivered to Tartarus or the soul to hades. Kailangan nyang gawin yun para hindi na makabalik ang katawan, to make sure that they can't resurrect shana, unless, the biggest enemy is Tartarus itself.
Napaatras ako at tumayo naman si hero nang lumitaw bigla ang nakapalibot samin na nakaitim na mga tao. May hawak silang sandata at sabay sabay na umatake.
Agad akong nagpalabas ng trident saka binagsak ito kaya nagkaroon ng Shockwave, napaatras sila at tumingin ako kay hero na tinanguan ako.
Humawak ako sa balikat nya bago pa kami tuluyang malapitan nang mga mercenaries, nawala agad kami sa lugar na yun nang ilang metro para huminga.
Nagtaka naman ako ng binuhat ako ni hero na ngumisi lang saka ko naramdaman ang malakas na ihip ng hangin at pagkawala namin sa pwesto namin kanina.
Binitawan na nya ako nang nasa tapat na kami ng unit namin sa academy. Napaawang labi ko pero pinitik nya lang ang noo ko.
"Ba't ganyan reaksyon mo? Crush mo ko no?" Biro nya at pagak pang tumawa. Sumama ang timpla nang mukha ko at sinuntok sya sa braso.
"ASA ka! Mas gugustuhin ko pa si Jax na bugnutin kesa sayong feeling tagapagligtas at mahangin!" Mabilis kong sagot at ngumisi. Napanguso naman sya at pinitik na naman ang noo ko.
"Hoyy, wag ka dun! Taken na yun! Tyaka tagapagligtas naman talaga ako ah? Naalala mo ba yung---" sya naman ang nang-aasar at bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay tinakpan ko ang bibig nya saka binuksan ang unit namin saka sya mahinang sinipa doon.
Halos masubsob naman sya sa loob kaya ngumisi lang ako at tumingin kela pat na nagiintay na pala samin. Halos kompleto na kami pero wala pa si zep at ace na naka-assign kay winter--yung reaper na may type kay ace remember?
"Pasensya na dun. Pero mission complete" nakangiti kong pahayag. Tumayo namayo naman ng tuwid si hero at nawala sa gilid ko at nasa likod na ni Pat.
"Tulong pat! Sadista yang kaibigan mo!" Sumbong nya kay pat. Napailing iling nalang ako sa isip bata. Si pat naman ay sinamaan ng tingin si hero kaya para itong batang lumipat sa likuran ni alex pero umiwas ang lalake.
"Wag sakin bro. May LQ pa kami ni Pat ngayon" ang naging sagot ni alex kahit wala pang sinasabi si hero. Nataas ang kilay ko sa sinabi nitong LQ sila ni pat kahit si hero at ang iba ay nagtaka sa sinabi nito.
"LQ? May 'kayo' ba?" Tanong ni Gin na may mapang-asar na ngisi sa labi. Si alex naman ang napakamot sa ulo kaya humagalpak ng tawa si shawn, gin at hero at nag-apir pa ang tatlo habang ako ay naiiling narin pero napangiti narin saka tumabi kay pat na umupo sa couch para hintayin sina zep.
"LQ?" Tanong ko sa kaibigan ko. Nilingon nya ako at nakita kong bahagyang sumimangot ito. Kung hindi mo kilala talaga si Pat hindi mo mapapansin ang pabago bago nang ekspresyon nya na hindi halata sa mukha nyang kasing lamig ng yelo.
"Walang 'kami' penny, pero magkaaway kami ngayon" sagot nya. Bahagya akong ngumisi.
"Anyare?" Panguusisa ko sa kaibigan ko. Sila kasi ang naka-assign kay Harold--isa sa reapers, it has something to do with their mission I guess?
"He didn't make me move to finish the reaper. Sinabi pa nyang 'ako ang lalake, ako ang mas malakas kaya kayang-kaya ko syang patayin' then, 'Watch and learn, babe' tsk! Ano tingin nya sakin? Bata? Tyaka porket lalake sya, malakas na sya?" Mabilis nyang sagot.
Napatawa ako nang mahina dahil sa bilis nang pagsasabi nya at hindi nya termino ang magsalita ng mahaba kaya masasabi kong may epekto si alex sa kanya, dati pa naman eh pero habang tumatagal mas nakikita kong mas malapit sila kesa samin.
Kahit papano, kahit alam naming may kinakaharap kaming malaki, may oras parin kaming ngumiti at mag-asaran. At ayukong dumating ang panahon na.....mawala ang ngiti sa labi namin.
Hindi ko kayang makitang mapawi ang ngiti sa labi namin at mapalitan nang pighati. Ayukong dumating ang araw na yun, kaya gagawin ko ang lahat para hindi mangyari yun.
Gagawin namin ang lahat.
Prim_rose7
Arorhaheaze
BINABASA MO ANG
Time Traveler✓
Fantasy[COMPLETED] Highest rank: #1 in greeks, in Titans, in Olympians, in Demigods genre I am TIME itself.. No matter what.. Celandine is the daughter of Chronos, the minor god of Time. Celandine holds the biggest part in their world, she is TIME. Even th...