19

662 25 0
                                    

Zeph's POV

"DO WE REALLY NEED TO DO THIS?!" Masama kong tinignan si rea na kasama ko sa iisang kwarto.

Nandito na kami sa Greece, literally sa crete at nasa isang inn kami kung saan iisa ang kwarto naming nga babae at iisa naman ang mga lalake sa kabila.

"Kailangan rea, we have to wear this disgusting disguise" sagot ni penny sa kanya. Bumuntong hininga ako at inayos ang uniform sa harapan ng salamin. Hinila hila ko pa ang palda dahil sa iksi nito.

Of course, kailangan naming mag pretend na bagong estudyante sa paaralan na pinagaaralan ni diana, just for one day of course. Dahil ang mga suspect ay kaklase ni diana, kaya kailangan naming silang obserbahan muna. Then we will go to the crime scene. Paniguradong mapapadali ang trabaho namin dahil kasama namin ang anak ni Aphrodite na kayang tignan ang nakaraan ng isang tao and we also have jax to confirm everything.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na kaming malate.

"Let's go, late na tayo" utos ko at naunang lumabas ng kwarto dala dala ang shoulder bag na may lamang notebooks.

Nakahanda narin ang pekeng papeles namin at naipasa na sa paaralan, ganun kabilis trumabaho ang epsilon na syang nakaassign para iassist ang buong academy sa mga mision nila.

Sakto naman sa paglabas ko ay lumabas narin sina ace at tinanguan nya lang ako at naglakad na ako paalis ng inn habang nakasunod lang sila sakin.

Pumara ako ng taxi at tumingin ako kina rea,jax,shawn at pat na syang sasama sakin sa eskwelahan at sumakay na sa loob, sumunod naman sila sakin at pumasok narin.

"Sa st.agustin po" salita ko sa driver. Tumango sya at pinaandar na ang sasakyan.

Napag-aralan na namin ang case ni diana, we only have to see the suspect,the crime scene and the body.

Napagusapan narin namin kung sino sino ang susundan namin at pag-aaralan. Habang sina ace,aileen, penny, at hero ay pupunta sa memorial kung nasaan ang katawan ni diana.

Nang dumating kami sa school ay bumaba na kami at agad naglakad papasok rito.

Syempre nagsuot kami ng contact lenses para hindi makita ang kakaibang kulay ng mga mata namin.

Malaki ang st.agustin, mukhang pangmayaman ang eskwelahan na 'to, panigurado namang hindi papayag si Dionysus na pagaaralin ang anak nya sa isang pipitsuging paaralan. Nakakapagtaka lang at wala ito sa academy pinagaral lalo na at nasa tamang edad narin naman ito.

Tumungo muna kami sa principals office at agad na binuksan ito ng walang pagkatok, actually na-memorize na namin ang buong sulok ng academy na 'to dahil napag-aralan na namin kagabi.

Nakita ko naman ang nakaupong matandang principal sa mesa nya. Inangat nito ang tingin samin at bahagyang ngumiti.

"Welcome sa academy ko, ladies" bati nya. Lumapit ako sa kanya.

"Pwede na po ba naming makuha ang schedule namin?" Tanong ko. Tumango naman ito at may kinuhang mga papel sa mesa saka nilapag. Kinuha ko agad ito at tumalikod na sa kanya.

"Thank you po" rinig kong paalam ni jax bago sumunod sakin.

"You should have just add some smile zep, nagmumukha ka tuloy walang respeto" rinig kong pahayag ni jax na sa side ko. Bahagya akong tumingin sa kany bago binigay ang schedule at naglakad na.

"Shut up and keep that" sagot ko.

******

"I'm booorrreed" bulong ni rea sa tabi ko. Bumuntong hininga ako, ilang beses na ba? Ilang beses na ba akong napapabuntong hininga sa mga reklamo ni rea? Habang si pat ay nakatingin sa harap at pinagmamasdan parin ang taong naka-assign sa kanya. At si jax naman na nasa kabilang row kasama si shawn ay tila natutulog pa sa arm rest ng upuan.

Hindi ko rin naman sila masisisi, sino bang hindi mababagot sa topic ng guro rito? Bukod sa mahina syang magsalita at naaaapaka bagal nya pa ay tungkol rin sa history ng mga tao ang topic. Like, kabayanihan ni jose Rizal. Aysstt memories na namin yan! Kahit naman kakaiba ang mundo namin ay tinuturuan parin naman kami ng mga kultura ng mga mortal o mga history nila.

Kahit mukhang hindi nakikinig ang mga kasama ko ay alam kong binabantayan parin nila ang mga taong naka-assign sa kanila.

"MR.DOMINGUEZ!" Napakurap ako at lahat ay napaayos sa upuan ng marinig ang malakas na pagsigaw ng matandang guro. Lumingon ako kay jax at nakitang nakatingin sya sa nag-aalburoto na guro sa harapan at masama ang tingin sa kanya.

"Since you are not listening to my class given that you are just a new student. Would you recite to all of us the Nole Mi tangere?" Nakataas kilay na salita ng guro. Napaangat ang kilay ko, did she just challenge jax?

Napaangat ang labi ko ng bored na tumayo si jax at naghikab pa. Now the son of athena is showing his other side.

"Seryoso? Si jax talaga?" Bulong na tanong ni rea at mukhang hindi na bored. Napailing nalang ako.

********

Nagigting ang panga ko ng mawala si Timothy sa paningin ko. Kanina lang ay sinusundan ko sya ng matapos na ang klase namin, ang kaso ay mukhang nawala ko sya dahil sa bilis nito. Si Timothy Lacson isa sa suspect at kaibigan ni diana, naiinis parin ako dahil sa galing nitong magtago at hindi ko malaman kung anong kuneksyon talaga nila ni diana.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunan na tumungo nalang sa park kung saan namin na pagusapang magkita kita dahil sinusundan rin nila ang ibang suspek.

Pagdating ko sa park ay nakita ko agad sila na naguusap na. Huminto muna sila ng makita ako.

"I lost him but I'm sure he isn't the killer" salita ko ng makalapit na ako sa kanila. Napagisipan ko na kanina ang lahat lalo na ang mga nakalap kong impormasyon mula sa mga kaklase nila.

"Yanna wasn't the one too" salita naman ni shawn.

"Because she's jut her cousin na wala ring alam na demigod sya at lalong malabong sya dahil masyadong malayo sya sa krimen. And besides she doesn't have any motives" dagdag nya pa. Tumingin naman ako kay rea at pat.

"Hindi si gia ang pumatay, she's just a mere brat" simpling sagot ni pat.

"Mine wasn't. Anak sya ng maid ng mama ni diana at wala silang masyadong encounter ni diana" salita naman ni jax. Tumango ako at tumingin kay rea.

"It was him, who were close to the victim and crime scene. He was the killer" sagot ni rea. Lahat nang atensyon namin napunta sa kanya.

"Nakakolekta narin ako ng info nya at may tracking device ako sa lahat ng gamit nya. We can always find him kapag nakabalik na sina Ace" dagdag nya. Tumango ako at tumingin sa relo ko.

"Ang tagal naman ata nila" komento ni shawn na napansin rin ang oras.

"Guys" tumingin ako kay rea na nakatutok ang tingin sa cellphone nya. Ah yeah, the mortal device use for communication.

"I received ace's text, sa inn na raw tayo maghintay sa kanila" pahayag ni rea. Tumalikod na ako at nagtungo sa waiting shed at naramdaman ko naman silang sumusunod sakin.

Prim_rose7

Time Traveler✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon