2

1.1K 44 1
                                    

Celandine's POV

"How nice. Ikaw agad ang nakita ko" lumingon ako sa likuran ko at nakita ang isang babae, basi sa kulay ng battle suit nya at badge na suot rin nya ay halatang taga Epsilon sya. Pero tingin ko myembro lang sya.

"Then be pleasured" sagot ko at ngumisi. Inis syang tumakbo sakin exposing her weapon, a long sword. I raised my hand and she stop mid air. Nagtataka nya akong tinignan.

"You must be thankful, woman. Cause you won't last long" salita ko at lumitaw sa harap nya at sinaksak sya gamit ang sandata nya. Nanlaki ang mga mata nya at nawala na. Bumuntong hininga ako at naglakad na muli.

I saw a member of Beta at bago pa nya ako makita ay sinugatan ko na sya, i saw one again at paulit ulit lang ang ginawa ko for almost three hours, bago ako umakyat ng puno at doon namalagi muna. Napatingin ako sa itaas, sa kalangitan at nakitang may chart pala doon. Nandoon ang name ng captain ng bawat team. And i was number one. Napataas ang kilay ko when i saw my name lined up with number 9, habang sa baba ang pangalang Alistair, ang captain ng alpha he has 8 number. So may rank rin pala sa bilang kung ilan ang na eliminate ng team. 3rd place was Aileen who has 4, from alpha name Zephyr was next to aileen who has 3. So it means, grupo ko at grupo ng alpha ang naiwan, at meron pang apat na naiwan.

"Kung siniswerte ka nga naman" napatingin ako sa baba ng puno. I thought i was the one who got caught. But not. Ang captain ng beta ang nakatingin sa captain ng alpha. Yes, si Alistair ng alpha. I was stunned for a minute, he is really drop dead gorgeous. How can i not recognize his deity if it's too obvious?

"Cyndi" turan ng captain ng alpha. Even how he spoke words, it's too beautiful and enchanting. How can you resist a presence of a child of Aphrodite?

Without words ay naglaban ang dalawa. I can see that cyndi is another child of circe huh, the goddess of magic. And i can see that she's powerful, at mautak sya sa paggamit ng mga kakayahan nya.

Pinanuod ko lang sila hanggang makita kong may palaso na bumubulusok papunta sa likod ng lalake at abala sya sa pakikipaglaban kay cyndi. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang isang babae na taga beta na nasa malayo. Napailing ako at pinahinto ang oras. That means, huminto sila sa paggalaw and one second nasa baba na ako but i was amaze when i saw the captain of alpha na nakakagalaw na. Sinugatan nya si Cyndi before turning around me and pointing his sword. Tumalikod ako sa kanya at hinawakan ang arrow na nakalutang at iniba ang landas ang ruta nito papunta pabalik sa kung saan ito galing. Pagbalik ko ng oras ay ang mabilis na pagbalik ang arrow sa babae at doon ito tinamaan at nawala.

Humarap ulit ako sa captain ng alpha ng akma nya akong sasaksakin.

"Tsk tsk tsk. Chill captain. Let's meet on the last day of this game" sambit ko at nawala na sa harap nya. I teleported myself to Aileen's location. Well, i just skip my time para makita sya.

"Waahh cela! You did great! Tignan mo number one ka parin" bati nya at tinuro ang chart sa kalangitan. Tumingin ako rito and saw that i got 10 and next was 9 and aileen got 4 and next was 4.

"Let's find the others before dawn" salita ko at bumaling sa kanya. Ngumiti sya at tumango.

Naglakad na kami para mahanap na ang mga kasama namin.

"Captain!" Napalingon agad kami ni aileen ng tumawag sakin ang pamilyar na boses. Nakita kong tumatakbo sina greta at damaris mula sa kanan, akay akay ni greta si damaris na mukhang napilayan. Buti at sugat lang ang makakapageliminate at hindi ang pilay.

Time Traveler✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon