Papauwi na ako sa boarding house, medyo mag gagabi na pero patay parin yung ilaw..kinapa ko yung switch na malapit lang sa pinto.
" Wahhhhhh!" Napatalon ako sa gulat, andun na pala si Lorraine, naka upo sa sofa na parang ewan.
"Lorraine tapos na yung halloween,,,ngayon mo lang naisipan manakot...anong nangyari sayo, bat mukha kang pulubi " tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako ng masama.
" Hoy, bruha nakakatakot ka pramis" nagtungo akong cabinet ko para magpalit .
" Saan ka ba kasi nagpunta??? Ito tuloy napala ko sayo" sabi niya na parang baby yung tone.
" Bat ka kasi pumuntang Montevarra" ako.
" Malamang e susurprise sana kita ,kaso eto napala ko, bwisit kasi yung lalaking yun"
Saka ekwenento niya sa akin yung lahat na pangyayari, as in full details with action pa at complete yung emotion.
"Kasalanan mo naman pala e" sabi ko.
" Talaga kinampihan mo pa yun, ako kaya yung bestfriend mo" inis na sabi niya.
" Alam mo bff talaga tayo, sabay tayong minamalas ngayon" sabi ko saka binagsak ang katawan ko sa malambot kung kama at napatitig sa kisame.
" Jake, again??" tanong niya saka tinabihan ako
" Hmmm... Its him agian..hayssss" sabi ko saka napabuntong hininga.
Ikwenento ko rin lahat ng pangyayari kanina.
" Sarap talaga sabunutan ng Sam na yun e" gigil na sabi niya.
" Baliw...sana sinama nalang kita" sabi ko kaya napatawa kami.
"Pero infairness ha , ang galing ng arte mo dun..hahahah,,napa selos mo ba si Jake sa tingin mo??"
" Malamang hindi, e nagliliyab yung damdamin nun kay Sam e."
Natawa naman siya.
" Nagliliyab talaga, ang lalim nun a" nakangisi pa rin.
" O ikaw... baka ayun na yung soul mate mo , yung sabi mong cute na anghel" pangaasar ko sa kanya.
" Tssskkk...cute na demonyo..sabihin mo" sabi niya.
" Edi inamin mo din na cute siya" nakangising sabi ko.
" Ewan ko sayo!! Basta puting kotse yun,, pag nagkita talaga kami sasakalin ko yun,,may kilala ka ba kung sinong may puting kotse dun??"
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...