AUTHOR'S POV
" I need space" malungkot na tugon ng dalaga sa kanyang kasintahan.
" WHAT! tsskkk." padabog na lumabas ng silid ang binata.
Napabuntong hininga naman ang dalaga saka napaupo sa couch. Muling nagbukas ang pinto ng silid.
" Hija? okay ka lang" alalang tugon nito, saka naupo sa tabi ng dalaga.
" Sorry po tita, may hindi pagkakaunawaan lang po kami" mahinang tugon niya.
" Natural lang naman yan sa isang relasyon, hinawakan niya ang magkabilang kamay ng dalaga, and I know maayos niyo rin yun" nakangiting tugon ng babae.
" Sana po tita, at sana po ay maunawaan niya rin ako" nagsimula ng pumatak ang mga luha niya.
" Kayo lang ang makaka-ayos nun hija, hayaan mo at kakausapin ko siya mamaya" niyakap niya ang dalaga.
" Thank you po tita" tipid na ngumiti ang dalaga.
" Walang ano man yun hija, anything for you and my son" hinagod niya ang likuran ng dalaga.
.
.
.
.
.
." Love, next day na yung flight natin pauwi sa Pilipinas, naayos mo na ba ang mga kakailanganin mo?" nakangiting tugon ng binata sa kasintahan.
" Yes love" tanging tugon ng dalaga saka tipid na ngumiti.
" Sorry love, about last week, alam mo hindi ko kakayaning mawala ka, thank you for giving me another chance, love, I LOVE YOU SO MUCH " hinalikan niya sa noo ng kasintahan at niyakap ito ng mahigpit.
Ngumiti na lamang ang dalaga, at napakalas na pagkakayakap.
" Sandali lang love, maghahanda lang ako ng snacks"tipid siyang ngumiti sa binata at nagtungong kusina.
Ramdam na ng binata ang panlalamig ng relasyon nilang magkasintahan, ngunit ipinaglalaban parin niya ang kanyang pagmamahal sa dalaga, at nagbabakasakaling maibalik pa ang dati nilang pagsasama.
RINGGGGG..RINGGGGG
Kinuha niya yung phone para sagutin yun.
" Yes Kuya, next day na yung flight namin, see you soon, as well as your girlfriend.... nakangiting tugon niya sa kabilang linya.
Susunod na lang si Mom, may aasikasuhin pa kasi siya, excited na talaga yung umuwi....
of course Kuya, kasama ko siya sa pag uwi, okay na kami, thanks for your great advice.. napangisi naman siya sa kausap niya sa kabilang linya.
Okay, sige take care always, bye brother...tuluyan na niyang binaba yung phone...
..................END OF AUTHORS POV......
ATHENA RAMOS
Today is friday kaya ang saya ko, last day na lang bukas at day off ko na, syempre uuwi ako sa bahay na miss ko rin sina mama lalo na yung mga kapatid ko namiss ko sila asarin.
Nagtitimpla ako ngayon ng kape, may mini kitchen kasi tong office nila kung saan pwedi kang magprepare ng meryenda. Dahil sa masaya ako ay napakanta tuloy ako habang nagtitimpla with matching pasayaw sayaw ha....
Dahil sayo akoy matapang
Dahil sayo akoy lalaban
Para sayo ang pagmamahal na walang katapusan.Binuhos ko na yung 3 in 1 coffe sa mug ko, saka nilagyan ng hot water., habang pasayaw sayaw..
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...