Chapter 25

6 1 1
                                    

Sunday ngayon at off ko, at ngayon yung dinner namin ni Nathan with his Fam.

Beeeepppp....Beeppppp.

" Hoy,, boyfriend mo andyan na"   nakangising sabi ni Lorraine.

" Alam ko"  pagtataray ko.

" Aba aba....o eto"  binigay niya sa akin yung disposable na tupperware.

" Para saan yan?"  Takang tanong ko,, anu ba nama kasing gagawin ko sa tupperware na yun.

" Para sa take out"   sagot niya.

" Hoy nakakahiya ka,,baliw to"  hahampasin ko na sana siya ng tupperware na yun pero ang bilis niyang makailag, nakangisi parin siya.

" Umalis ka na,, kanina pa nag aantay yung boyfriend mo..hahahahh"  pang aasar pa niya.

Binigyan ko muna siya ng nakakamatay na tingin bago umalis.

.
..
.

Pagdating ko labas ay nandun na ang itim na kotse ni Nathan.

" Let's go"  sabi niya.

Ngumiti nalang ako bilang ganti.

Habang nasa byahe ay ang dami kung iniisip.

Instead sa parents niya, ay naiisip ko nanaman, ang pagkikita namin ni Jake at Sam,, alam ko okay na ako, pero hindi ko mapigilang mailang, kapag kasi nakikita ko sila, na fefeel ko yung awa sa sarili ko.

" Ms. Ramos"  nagulat ako ng biglang magsalita si Nathan.

" We're here"  sabi niya.

Nandito na pala kami?? hindi ko siguro namalayan dahil ang dami kung iniisip kanina.

" Okay ka lang? "  Tanong niya.

Ngumiti lang ako ng tipid dahil, I dont know kung anong dapat kung sabihin.

" Wag kang kabahan, remember nandito lang ako"  nakangiting sabi niya.

I can't explain pero parang may something na kuryente akong naramdaman sa sinabi niya.

" Nagaantay na sila sa loob,,, let's go"   sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

Omaayyyy,,,mas lalo akong nakurkuryente sa pagkakataong yun,, hindi ko alam kung bakit pero,parang ang weird ko ata para maramdaman yun.

At infairness ang laki,,super laki ng bahay ng Boss ko, para siyang hinango sa Spanish design,  malapad na garden, fountains, at super liwanag ng buong paligid, makaluma na yung design ng bahay parang late 80s pa pero still maganda pa rin at alagang alaga..

" Wow, ang astig pala ng bahay niyo no"  sabi ko habang ginagala ang tingin sa paligid.

" Hindi namin bahay to,, kay Grandma to,, Old Mansion ang tawag namin, late 80s pa kasi to, pagmamay ari pa ng Lola ng lola ko"   siya.

" Ganun ba,, so may iisa pa kayong bahay?"  Tanong ko.

Ngumiti naman siya.

" Grabe,,ang yaman niyo talaga, baka mayroon pa kayo share niyo naman, bahay kasi namin luma na e"  sabi ko, kaya natawa naman siya.

You're Still The ONEWhere stories live. Discover now