Angeles Residence.
Kasama naming nagdidinner ang pamilya nila Sam, malapit na rin kasing bumalik Sila tita Natalie at yung Lola niya sa US, for short vacation nila sa dito sa Pinas.
Masaya silang kumakain may tawanan at biruan pa, 🙄nakakaumay na topic, ngiti ngiti lang ako kahit hindi naman nakatawa,,,,argggg gusto ko na talagang umuwi, ma take out nga tong lechon, charoott.
" Excited na ako sa wedding ng Unica Hija ko, lalong lalo na at si Jake ang lalaking pakakasalan niya" ngiting sabi ng Daddy ni Jake na nagpasaya lalo ng paligid.
" Sammy hon, hindi bat masyado pa silang mga bata, hayaan muna natin silang mag enjoy" sabi ng mom ni Sam.
" Eto naman si Balae Abegail,,, mahal naman nila ang isat isat kaya wala tayong dapat ikabahala dun ..diba mga anak??" nakngiting tanong ni Tita Natalie kay jake at sam.
" Pagpasensyahan niyo itong misis ko Balae, masyado kasing binibaby si Sam" Daddy ni Sam.
" Pasensya na kayo, mukha kasing mamimiss ko ang aking prinsesa kapag may sarili na silang pamilya ni Jake" mommy ni Sam.
" Naku..ang isipin mo na lang ang ating magiging apo..hahahah abay bilis bilisan ninyo, malapit na akong mag expire sa mundo" pagbibiro ng lola ni Nathan, kaya mas lalong nag ingay.
Haixxxxttt hindi rin sila ganun ka excited a no.
.............
Pagkatapos ng dinner, may part 2 kwentuhan pa, they happily talking to each other, ako naman at the same time ganun parin yung role ko ngiti ngiti lang.
" Excuse me po, magpapahangin lang ako sa labas" pagpapa alam ko.
Nakangiti naman nila akong pinayagan, except kay Sam.
Nag insist pa si Tita Natalie na samahan ako ni Nathan, kaya lang may ka transaction siya over the phone, kaya I go by myself nalang.
naglibot libot muna ako sa paligid, infairness ang yaman ng mga Angeles, rest house lang nila to, at mala high land looks, preskong hangin, malapad na farm, at tahimik na paligid.
Nahagip ng paningin ko ang isang alitaptap, hinabol ko yun ngunit hindi ko namalayan na may hagdan pala pababa dun, kaya na out balance ako, pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa lupa.
Naramdaman ko ang makisig na braso para saluin ako sa pagkakatumba, napakapit naman ako sa bandang leeg niya.
Isang pamilyar na amoy...
" Be careful masyadong madilim dito" sabi niya .
Hindi ko inaasahan na sa pagkakataong to ay makakasama ko siya sa, isang tahimik na gabi.
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...