Chapter 7 THE GIRLFRIEND

15 1 1
                                    

Kasama ko ngayon si Manong Edgar, iniwan na namin yung masungit kung Boss gusto ata mapag isa,

" Ma'am, pagpasensyahan nio na si Sir Nathan"

" Naku, wala yun Manong Edgar, sanay na ako dun, wa epek sa akin yang pagsusungit niya" pagbibiro ko.

Napatawa naman si Manong Edgar, may katandaan narin ito, mahahalata sa kulay puti nitong buhok at medyo kulubot na balat.

" Matagal na po ba kayong nagtatrabaho sa kanila?" tanong ko para may pag usapan kami at di mabagot sa byahe.

" Abay Oo, bata pa lang yan si Sir ay ako ng taga hatid sundo niya sa paaralan"

" Talaga po! " natiis niya ung ugali ng bakulaw na yun..

" Oo, mabait naman kasi si Sir Nathan, dun din nagtatrabaho ang asawa ko dati, siya ang nag aalaga kay Sir nung bata pa ito, umalis na lamang siya nag kolehiyo na si Sir nagtungo kasi itong U.S para mag aral".

mabait??? saan banda dun.??

" Aaa..ganun po ba"

Napatawa siya ulit dahil sa nasabi ko.
Natahimik naman kami ng ilang minuto.

" Manong Edgar kilala niyo ba si Chescka?? biglang tanong ko.

Omoo,bat ko nga pala natanong yun..

" Si Francheska!Nagkita,kayo ni Ma'am Chescka?" gulat na tanong neto napadako ang tingin sa akin, "

Opo, inimbitahan pa nga niya si Sir Nathan sa kasal neto" nakangiti kung tugon...nagfocus ulit siya sa pagmamaneho at bakas sa mukha niya ang pag aalala.

Napabuntong hininga lamang ito at nagsalita.

"Matalik na kaibigan ni Sir si Ma'am Chescka simula pagkabata, akala ko nga ay magkakatuluyan na sila, gustong gusto pa naman sila ng kanilang mga magulang" malungkot na tugon ni Mang Edgar.

So,bat hindi sila nagkatuluyan??

" Bakit po? Hindi ba gusto ni Sir Nathan si Ma'am Chescka, maganda naman yun a, at mukha namang mabait"

Napatawa na lamang ito...

baka bakla si Sir Nathan, at ung William yung gusto niya...Ommmoo.. napangiti naman ako sa mga naiisip ko.
.........................

Tumigil naman ang sasakyan sa tapat ng tinitirhan ko.

" Salamat Manong Edgar, ingat kayo sa pag uwi"

" Walang anu man Ma'am"

" Tina na lang po "

" Sige Tina mauna na ako" nakangiti ito bago umalis.

Nagwave wave ako sa kanya, habang paalis yung sasakyan, nakangiti akong naglakad,

" HOY! babae tinatawagan kita bat di mo sinasagot, hindi ka raw pumasok, saan ka nag punta mag aalas tres na, hindi ka raw umuwi kagabi, kasama mo raw si Boss mo,Wow! ganun ka ka workaholic? " mabilis ang pananalita nito walang preno na akala mo parang nanay sumermon.

" Tsss.anu ba kakainis ka, teka bat ka andito?"

" Dito ako matutulog, na miss kasi kita" sabay yakap na parang batang naglalambing.

" Ewan ko sayo, wala ka bang bahay?" pagtataray ko

" Tsss... " napabitiw naman siya pagkakayakap, at napanguso na lamang ito.

You're Still The ONEWhere stories live. Discover now