Today is monday kaya it's working day, maaga pa akong umalis, monday kasi ngayon, at tulad ng inaasahan kahit early pa ay dami nang pasahero, kaya ayun standing ovation ako, hanggang sa makarating sa office, feel ko tuloy low bat na yung energy ko.
Sumakay na akong elevator patungo sa area ko, nasa loob na ako nang bigla nagbukas ulit yun, si Nathan.
" Good morning Sir" nakangiti ko siyang binati.
tumango lang siya.
Tahimik lang kami, nang biglang magdilim ang paligid, at napahinto yung elevator.
" Hala" gulat kong sabi.
na stuck kami.
" Are you alright? " tanong niya.
" A-a, Oo naman" sagot ko.
Tinawagan niya rin yung technician, pero medyo natagalan yun, binuksan niya yung flashlight ng phone niya,
napalingon naman ako sa gawi niya.." HUHH!" gulat kong reaksyon, napatutok kasi yun sa ilalim ng baba niya, natawa tuloy siya sa reaksyon ko.
" ang simple mo lang pala takutin" masayang tugon niya, malamang nagulat niya ako.
" malamang kakatakot kaya yang itsura mo" sagot ko.
" Tsss...talaga ba,,,baka nagwagwapuhan ka lang" mapang asar niyang sabi.
wow, yabang neto.
" Lakas ng hangin ngayon, may bagyo ba?, ang hangin kasi" naiinis kung sagot sa kanya.
" Wala naman, kaka check ko lang ng weather update, mahangin ba? parang hindi naman a" palihis niyang sagot.
" Ang hangin kaya, sobraaa, anytime nga pwedi na akong liparin" then I rolled my eyes.
" Naku delikado yan, baka inlove kana, mag iingat ka baka liparin ka sa maling tao" nakangisi naman siya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nang magkailaw at bumukas yung elevator. Nakangiti pa siyang lumabas ng elevator. Naiinis tuloy ako, feelingero talaga nun.
Pagdating ko sa area ko ay, binigay ko sa mga office mate ko yung leche flan na galing kay mama.
Nagtungo rin akong office ni Nathan para ibigay yun, I knocked three times bago ako pumasok, nagalakad ako patungong table niya, nakasandal siya sa upuan nasa harap ng table niya at tinitigan niya ako ng "what do you need" look, habang papalapit sa kanya.
" Pinapabigay ni mama" wala sa mood kung pagkakasabi, saka ipinatong sa table niya, tinitigan niya yun saka binuksan yung laman ng paper bag, ngumiti naman siya at binalik yung tingin sa akin.
" May kailangan ka pa? " tanong niya.
Oo, nga pala bat dun pa ako, pwedi naman akong umalis,,, haiiixxtt.
" wala, alis na ako" wala parin sa mood kung sagot, at naglakad paalis.
" Di mo manlang ba aantayin yung pa thank you ko?" nang aasar na naman.
" Welcome" sagot ko, habang naglalakad palabas na hindi siya nililingon.
Paglabas ko nang office, nakasalubong ko naman si Harris, isa pa to... nakangisi pa kasi sa akin.
"Yieeeee, special delivery?, pang aasar niya nung nilagpasan niya ako.hashtag inlove pumapag-ibig napakanta naman yung ugok habang papasok sa office ni Nathan.
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...