Chapter 13 FIRST TASK

5 0 0
                                    

kumakain na kami ng pananghlian kasama ko sina Scarlett at Eunice, bigla namang tumunog yung cellphone ni Eunice napatigil naman siya para tingnan yun.

" MY GODDDD...guys tingnan niyo daliiiiiiii"

Agad namang tiningnan yun ni Scarlett, naka loudspeak yun kaya dinig na dinig, napabulalas naman ako ng marinig ko yung music.

" Nakakakilig, kakainggit nila" si Scarlett naman yun.

" Oo nga ang ganda ng boses ng lalaki, nakakainlove" inggit na tugon ni Eunice.

" Bat ka may video niyan?" gulat kong tanong

Napakunot noo naman sila sa tanong ko, kami kasi ni Nathan yung nasa video, mabuti nga ay hindi masyadong clear, dahil malayo siguro yung nagvivideo saka medyo madilim kulay asul kasi yung refection ng ilaw kaya di masyado halata kung sino yun.

" I mean saan nanggaling yung video" pagpapaliwanag ko.

" Aaaa, galing to sa friend ko, sayang nga di ako nakapunta, medyo malayo kasi yung lugar nila"

buti nga Eunice dahil hindi ka pumunta.

" Sayang sana nakapag live pa tayo, sino kaya tong sweet couple na to?" curious naman tong si Scarlett.

" Tssss...pabayaan niyo na yan, halika ka na kayo baka malate naman tayo" pagaya ko sa kanila saka sumunod na rin sila.

Back to work na kami, nahagip naman ng paningin ko si Harris papalapit sa akin.

" Tawag ka ng, baby mo" mahinang tugon niya, sinabihan na siguro ni Nathan na secret muna yung relasyon namin.

speaking of relasyon,,, I mean fake relationship.

" Huh?"

" Na mimiss ka ata, puntahan mo na mamaya magtampo pa yun sige ka" nakangisi naman siya habang papaalis.

Nagtungo naman akong office niya.

" Sir, may kailangan po ba kayo"

" Yes,,,, tomorrow is the wedding day of Franchescka and,,, napabuntong hininga siya saka nagpatuloy sa pagsasalita...we are invited, get ready and I'll fetch you tomorrow morning" tugon niya habang naka dikwatro at naksasandal sa likod ng upuan.

" B-bukas?"

" Do I need to repeat?? nakataas yung isa niyang kilay sa akin, This is your first task so dont be failed"

" O-okay sir" napatango ako.

" You may leave" seryoso niyang tugon.

suplado, kung makapa alis kala niya sakin aso,,,haixxt sarap sapakin.

.................

Maaga pa akong nagising at inayos yung self ko, dinala ko na rin yung lahat na kakailanganin ko, syempre di muna ako make over, siya na kasi bahala dun.

BEEEP! BEEEP!

lumabas na agad ako, bawal kasi mag antay yun.

Mayamaya ay nakarating na kami sa isang parlor, saka pumasok na kami sa loob.

" Andito na silaaaaa!" galak na tugon ng bakleta. " Halika ka dito gurl,,, akong bahala sa makeover mo HAHAHA" saka dinala niya ako sa isang silid. Si Nathan naman ay pumasok na rin sa another room.

You're Still The ONEWhere stories live. Discover now