Kakauwi ko lang galing work hindi na muna ako umuwi sa tinutuluyan ko, alam ko kasing paaalisin na ako ni Aleng Elena dahil wala pa akong pambayad ng renta, makikitulog muna ako kay Loraine.
" Loraine, may extra money ka ba diyan pautang naman"
" Kailan mo ba gagamitin, next week pa kasi sweldo ko, naibili ko na kasi neto,,tadaaaaa!" tsaka inilabas niya yung bag habang nakangisi.
" Wow! ang ganda naman, magkano to?"
" 14 k, ang ganda no?"
" as in 14,000! grabi ka!"
" Ang sabi mo kasi hindi mo na uutangin yun, kaya binili ko nalang, sayang kasi nagsale pa naman"
" Tsss. sale pa talaga yan?"
Tssss...binili niya talaga yung bag na gustong gusto niya, yun yung nakita namin sa mall, noong namasyal kami,yan kasi si Loraine pag may gusto siyang bagay na bilhin ay pagiipunan niya talaga yan kahit gaano ka mahal.
Nakahiga na kami, inilabas ko ulit yung papel tinitigan ko lamang yun at nababuntong hininga.
" ano yan!" gising pa pala tung baliw na to, nagulat naman ako kaya iniwas ko sa kanya yung papel.
" wala, matulog ka na nga"
" Tsss. anu kasi yun" pangungulit niya.
" wala nga, sige matutulog na kami ni Loraine, good night"
Agad naman siyang bumangon tsaka inagaw yung papel,
" Hoy! ibalik mo sa akin yan Loraine" sinubukan kung kunin yun ng ilang beses and yet Im failed.
" CONTRACT! ano to? tgbdhdhdhdhdrhhddhdhhddndjjfjjfjjfjjdjdjfjjfjfjfjfjfjjewu" binasa niya yun ng madalian ewan ko nga kung may naintindahan yun.
" Tsssskk..Happy?" pagtataray ko.
" Wow! pa apply naman sa Boss mo, mukhang yayaman ako neto"
" Baliw" kinuha ko naman yung papel sa pagkakahawak niya.
" O bat di mo na pirmahan yan, sayang naman"
" Seryoso ka? Baka mamaya ano pang gawin sakin non"
" Tsss..mukha namang mabait yang Nathan na yan masungit ngalang, o isipin mo di mo kailangan mag kayod kalabaw, matutulungan mo pa si tita,tito, tania, andrea, lolos,lolas, ninongs, ninangs--------------- hindi na niya naituloy nang hinampas ko siya umaandar naman kasi pagka abnormal neto." Aray naman, true naman diba, My God Tina" napa OA naman yung tono niya. " Ayaw mo pa nun may instant boyfie kana,,haleerr"
" Tumigil ka na nga, mas lalo mo pang pinapasakit yung ulo ko"
" Well, kung ako sayo I will grab that opportunity, ika nga diba opportunity knock the doors once only and I thank you" tsaka nag wavewave na feeling Ms. Universe.
" Hay naku! I mean kasi panu kung hingin niya yung kiss ko diba magpapanggap kami as his girlfriend, naisip mo ba yun" ewan ko nga bat ganun pumasok sa utak ko.
" Wow kiss agad, maka arte ka ha, remember siya first kiss mo diba,okay lang yun second kiss, third kiss, fourth k-------------hinampas ko siya ulit.
" Abnormal"
" Pero seryoso ha, kung ako sayo tatanggapin ko nalang yan three months lang naman hinihingi niya, pagkatapos nun wala na,,,malay mo magkatuluyan pa kayo ayyiiee,,,HAHAHA."
YOU ARE READING
You're Still The ONE
Roman d'amourIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...