After ng nakakalokang pagkikita namin ng parents ni Nathan, at hanggang ngayon ay nandito parin ako sa Old Mansions, di na ako pina uwi pa ng Mommy niya, nakakainis nga e,, bawal naman akong tumanggi, dahil ang pagkaka alam nila ay naglilive in na kami, at yung worst pa e, buntis pa ako, tssskkk.
duhhhhh,, I never imagined na magiging momma na ako ngayon at kay Nathan pa.....tiyak papatayin talaga ako ni Mama pagnagkataon.
Nasa Veranda ako ng Mansion at iniisip ang mga susunod na ganap ng buhay ko, nakakastress pala tong pinasok ko,,, buti nalang at maganda ang paligid ngayon, isama pa ang mga kumikislap sa butiun sa kalangitan, at ang lamig ng simoy ng hangin.
" Hija, kamusta naman ang pakiramdam mo"
Nagulat ako ng biglang magsalita ang Lola ni Nathan sa likuran ko.
" A...e..medyo okay na po" pautal ko.
"Mabuti naman kung ganun" nakangiti niyang sabi, saka hinawakan ang magkabilang balikat ko, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap kaya napayakap din ako sa kanya.
" Im so happy to the both of you" sabi niya saka tinapik tapik ang likuran ko.
Napakalas siya sa pagkayakap, at tinitigan niya akong nakangiti, yung ngiting nagnining ang mga mata.
Nabaling naman ang tingin niya sa paligid, habang nakangiti, saka muling nagsalita.
" Hindi naman sa minamadali namin si Nathan sa pagaasawa,,,,,ang gusto namin ay makita siyang masaya,,,at salamat dahil sayo niya nakita yun" nabaling naman siya ng tingin sa akin, na hindi maalis ang ngiti.
"Minsan kasi sa pag-ibig, nakakatagpo tayo ng tamang tao, ngunit sa maling pagkakataon" nabaling naman siya ng tingin sa paligid.
" Ngunit sa kabila ng lahat, makakatagpo parin tayo ng para sa atin, ang inilaan para sa atin"
Bigla namang sumagi sa isipan ko si Jake....ang taong tinagpo sa akin ngunit sa maling pagkakataon...nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko, hindi ko alam kung saan nanggaling yun...
Nasasaktan ba ulit ako????
" Hija mukhang kailangan mo nang magpahinga, at baka hinahanap ka na ni Nathan" napabalik naman ako sa realidad nang magsalita muli ang Lola ni Nathan.
" A..o...opo, kayo rin po" with matching smile smile sa kanya.
Napayakap muna siya sa akin, bago tuluyang umalis.
Naglakad na rin ako patungong kwarto ni Nathan, ngunit nahagip ng paningin ko ang isang lalaking sa bandang bintana na nasa malayo ang tingin at hawak nito ang bote ng alak.
Jake???? Bakit siya naglalasing???
" Gising ka pa"bigla siyang nagsalita.
Napagalaw naman ako sa kinatatayuan ko, para kasi akong estatwa ng makita si Jake.
" Napadaan lang" sabi ko.
Tumango tango naman siya, saka itinungga ang alak na nasa bote.
" Bat ka ba naglalasing" deretsong tanong ko, hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...