Maaga pa ako pumasok sa trabaho,pero hindi muna ako nag tungo sa area ko, hihintayin ko si Sir Nathan, mayamaya pa ay nag park na yung kotse niya, nagbukas naman ang pinto ng kotse niya.
Ommmoo!! ang pogi niya.
Napatulala ako sa suot niya na bumabagay sa kagwapuhan niya, lalo pa nung nagtanggal siya ng shade,nakaramdam ako ng malakas na ihip ng hangin, ung para kang lutang.
dug! dug! dug! dug!..kabog ng dibdib ko.... lakas maka korean, puteekss ang gwapo talaga.
Napabaling naman ako ng tingin, nung napatitig siya sa gawi ko, at naglakad.
Tina, umayos ka nga..
Para kasi akong na frefreeze,nginitian ko na lamang siya,tsaka binati.
" Good morning Sir!" habang nakangisi.
Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad, at hindi na lamng ako pinansin.
hmmff..aga aga ang sungit.
"Sir Nathan, Thank you nga po pala" habang sinusundan ko siya sa paglalakad.
"Thank you for what?" patuloy parin siya sa paglalakad.
" Sa pagtulong sa operasyon ng kapatid ko. Thank you, Thank you ng marami"
Agad naman siyang napahinto, at ganun na rin ako. Tinitigan niya lamang ako, na parang may sasabihin.
" Utang ko po sa inyo ang buhay ng kapatid ko, kaya gagawin ko ng maayos ang trabaho ko, lahat ng ipapagawa niyo, kahit ano".
" Kahit ano?" napatitig siya sa akin.
Mukhang kinabahan ako sa sinabi niya.
" Pero wag lang to!" napayakap ako sa sarili ko.
" Tsss.." napailing naman ito tsaka nag tungo sa office niya.
Tumungo na rin ako papuntang table ko at napaupo, agad tumunog naman yung cellphone ko. Si mama nag text.
MAMA: Anak bukas na yung schedule
ng operasyon ng kapatid mo,hindi na ako makakatawag ubos na kasi unli ko. ingat anak love you..Napangiti naman ako sa nabasa kong mensahe, ang bait talaga ni Lord hindi niya kami pinabayaan.
" Oy iba ngiti natin ngayon aa, kamusta na lagay ng kapatid mo" si Eunice naman yun.
" Bukas na schedule ng operasyon niya, buti nga ay may tumulong sa aming Charity kaya maooperahan na siya" nakangiti kong tugon.
" Buti naman kung ganun,hayaan mo dadalaw kami sa day off namin" si Scarlett habang nakangiti.
ngumiti na rin lamang ako..............................
Papauwi na ako, nasa tapat na ako ng tinutuluyan ko.
tsssskk.. ayan naman sa Aleng Elena.kakainis.
" Hoy! Tina kailan mo ba ako babayaran ?, puro ka nalang pangako!" nakapamaywang eto
hindi ko nga rin alam ee, walang wala talaga ako ngayon.
" Aleng Elena pwedi----------- nagulat naman ako ng napasigaw siya.
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomantiekIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...