Malakas ang ulan ngayon, madilim ang paligid at tanging ang malakas na pagbuhos ng ulan ang maririnig kasama ng malakas na kulog, nagising ako sa malakas na kidlat,napayakap ako sa aking sarili, bigla akong kinabahan sa nakita ko isang lalaking nakatayo sa pinto ng aking silid, itim ang kanyang suot at basang basa ito, matalim ang mga titig niya sa akin, sa kabilang kamay na ay may hawak na patalim, naggigiit siya sa galit na parang aatakihin niya ako at gustong patayin.
Sino yan? takot kung tugon.
Papatayin kita! mas lalo akong kinabahan sa boses ng lalaki, nakakatakot yun parang hindi pang karaniwang boses, yung parang tinig ng masamang espirito,Papatayin kita! nag simula na siyang atakihin ako, kinuha ko yung lamp shade, saka ibinato yun sa kanya, tinamaan siya pero parang wala lang yun sa kanya, tumakbo ako palabas ng silid MAAAAA, TULONG TULUNGAN NIYO KO. kinatok ko ang pinto ng bawat silid ngunit walang nakakarinig sa akin, papalapit na sakin yung lalaki, pinagbabato ko siya ng kahit ano mang kasangkapang hawak ko pero hindi siya tinatablan..MAAAAAAA,,,, PAPA TULONGGGGGG..wala paring nakakarinig, tumakbo ako ng mabilis,nang bigla akong madapa, sinubukan kung tumayo ngunit hindi ko maigalaw ang kabilang binti ko namimilipit ako sa sakit, pinilit kong makatakas ngunit huli na ang lahat PAPATAYIN KITA.. pinag sasaksak niya ako ng kutsilyong hawak niya, Tulonggggg.. naghihinang tugon ko, tinitigan ako ng lalaki saka humalakhak na parang halimaw, inilabas niya ang baril na nasa tagiliran niya tinutok niya yun sa akin MAMATAY KA NA! sigaw niya..
.
.
.
.
.
.
" HINDIIIIII" sigaw ko nang bigla akong magising, panaginip ,panaginip lang, nanginginig ako sa takot at nanlalamig ang buong katawan ko habang umiiyak.
" Okay ka lang" alalang tanong ni Nathan, na kakapasok lang sa silid ko, napailing naman ako habang umiiyak.
" Natatakot ako" patuloy parin ako sa pag iyak.
" Panaginip lang yun, wag kanang matakot, okay". saka niya ako niyakap.
Naramdamn ko ang mainit na bisig ni Nathan hindi alam pero gumaan ang pakiramdam ko, yung feeling na safe na safe ka sa mga yakap niya, na ayaw mong nang kumawala.Inabot niya sa akin yung glass of water, ininom ko rin yun.
" Magpahinga ka na, dito lang ako babantayan kita"
Bumalik ako sa pagkahiga at pinikit ng mariin ang mga mata ko, hindi ko mapigilan ang pagdaloy mga luha ko, nagpapasalamat talaga ako dahil isa lang yong masamang panaginip.Dahil siguro yun sa pinanood kung horror kanina.
Naramdaman ko ang mainit na mga kamay sa aking pisngi, pinahid niya ang mga luha ko.
" Dont worry, hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo" nakangiting tugon ni Nathan.
Napatango na lamang ako, at bumalik sa pagtulog
.
.
.
.
.
.
Pagkagising ko kinaumagahan, nakarinig ako ng ingay sa kusina,pumunta akong kitchen. Si Nathan nagluluto. Ang cool niyang tingnan, napangiti na lamang ako.
" Sorry Sir, na late ako ng gising tulungan ko nalang kayo" nahiya rin kasi ako, magdamag niya akong binantayan, tapos ngayon siya pa nagluto.
" Kamusta pakiramdam mo, okay ka na ?" bakas ang pag aalala sa mukha niya.
Napatango naman ako, tinulungan ko na rin siyang mag prepare ng breakfast, kasalukuyan na kaming kumakain ngayon.
" Wow, may talent ka talaga sa pagluluto, ang sarap" sumubo ulit ako.
infairness ang sarap niya talaga magluto, sayang di niyo natikman.
" Syempre naman, ikaw lang naman yung hindi, ang panget ng timpla mo" pagyayabang niya, habang nakatitig sa pinggan niya.
yabang....
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...
