CHAPTER 15 Practical Pranks

7 0 0
                                        

"Tina di ka pa uuwi"  tanong sakin ni Scarlett.

" Mauna nalang kayo tatapusin ko na lang to" sagot ko.

" Sige bye, ingat ka ha"

" Mauna na kami Tina girl.

Pagpapa alam ng mga friends ko, malapit na kasing matapos tong ginagawa ko kaya tinapos ko na lang,

" Done" I click enter para e save yun.

Nakaramdam naman ako ng biglang pagka antok mag hapon rin kasi akong tutok sa screen ng computer, dagdagan pa ng ilang oras kong tulog kagabi, mag uumaga na kasi kaming natulog ni Loraine dami kasi naming pinagkuwentuhan. Naisipan ko munang umidlip ng sandali masyado pa namang maaga para umuwi ako, at wala rin naman akong gagawin pag uwi.

Then I take a nap, few minutes ay may naramdaman akong lumapit sa table ko, marahan kong minulat yung mata ko, na catch yung attention ko sa coffee na nasa table ko, may nakita akong sticky notes dun, kinuha ko yun, may naka drawing dun na HAPPY FACE, napangiti tuloy ako, nilibot ng mata ko yung paligid, at nakita ko yung likuran ni Nathan, na papasok sa office niya.
.
.
.

Naglalakad na ako palabas sa entrance ng office

BEEP BEEEP.

Napahinto naman ako, sa sasakyang bahagyang napahinto, ibinaba niya yung bintana ng kotse.

" Ms. Ramos, sabay ka na pauwi na rin ako"  Si Nathan naman yun.

" Okay lang Sir, maglalakad na lang ako" pagtatanggi ko.

" Its not safe for you, lalo' t mag-gagabi na"

mapilit rin to ano???nahiya na rin akong tumanggi..

Pumasok na ako sa kotse niya, first time niya akong niyaya, e dati dinadaanan lang ako sa daan.

concerned ba to?
Napangiti naman ako sa naiisip ko, nabwisit tuloy ako kung bakit ako nagkakaganyan, ewan ko nga basta na lang ako kinilig, para tuloy akong ewan.

" Actually gusto sana kitang kausapin kanina, about sa next task mo, but your seems busy kanina".

" Hmmm" tugon ko saka tumango tango.

" Next day pupunta tayo sa farewell party nina Trev ang Kendra, uuwi na kasi silang Europe sa susunod na mga araw"

" Amm sige" sagot ko.

Napahinto naman yung sasakyan sa tapat ng tinutuluyan ko.

" Thanks for free ride Sir" nakangiting tugon ko.

" Welcome" saka nilingon niya ako while smiling.

lintiiikkk, na mga ngiti to,

Napatulala naman ako saglit.

" Amm, may kailangan ka pa" tanong nito sakin.

" A, w-wala, wala na " napa utal pa ako.

" So, hindi ka pa bababa?"

Oo nga pala kanina pa pala ako dun,

" Ayyy Oo nga pala, sige sige baba na ako"

Pababa na ako ng biglang,,, BOOOGGGSSS, PLAKKKK.

" arayyyyy" nahulog kasi ako, ewan ko nga kung anong katangahan yun.

You're Still The ONEWhere stories live. Discover now