Nakasandal ako sa headboard nang kama ko, hindi kasi ako makatulog , naalala ko kasi kanina pagkatapos nang graduation habang nag pipicture taking...
Napatungo ako sa kinalalagyan ng lalaking yun, gusto ko sanang alokin siyang magpapicture...kahit yun lng ay may maalala ako sa kanya
papalapit palang ako nang tumambad sa aking harapan...magkayakap sila at masayang nag papicture...
SHUCKSSS I cant handle this emotion parang nanghina bigla ang katawan ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng balikat ko kasabay sa pagtulo ng luha ko...
Agad kung iniwas ang paningin ko at nagkunwaring walang nakita sabay alis baka kasi mahalata pa ako at magmukha naman akong ewan...
Nakatitig lng ako sa kisame at ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko... kalimutan mo na siya please matulog kana...shit binuksan ko ulit ang mga mata ko at kinapa ko ung phone ko sa table malapit sa higaan ko... time check 11:25 P.M. Nagulat ako nang biglang may nagbukas ng pinto nang kwarto ko si Mama...
"Matulog kana anung oras na...gabi na nag cecelphone ka pa matulog kana kung ayaw mong basagin ko yan sa ulo mo"... awwwtttss oh no!!!saad ni mama sabay isinara ung pinto..
Tuloy napagalitan pa ako...Tsssk kasalanan talaga to nang mokong na yun... actually ganun talaga so mama medyo strikto at masungit pero mabait yun...inilapag ko ung phone ko sa mesa at nag simulang matulog... matulog kana gurl wa epek sa kanya yang pagpupuyat mo di ka importante sa layp niya kaya... ERASE ..ERASE..
Nagising ako kinaumagahan nang may kumatok sa pinto ng room ko...
"Ate! gising na daw sabi ni mama mag aalmusal na tayo"...
"sige. susunod ako".
tumugon agad ako baka kasi masermonan ako ng wala sa oras. Si mama kasi nakaka ubos yan mahigit 27,000 words araw araw at walang palya pwera nalang pag may bisita kami sa bahay...agad na kung bumaba at nagtungo sa kusina... naabutan kung nag vivideo call sila mama at ang pogi kung tatay ang kausap nila...
"Anak! Congratulations! sayang di naka uwi si papa, with honor pa naman, sana ako pang naka pagsabit nang medal mo"... tugon ni papa na sa kabilang linya...
"Okay lang po yun pa...atleast natanggap ko ung regalo mo... Thank you po! Love you miss na miss na miss ka na namin"..tugon ko habang naka ngiti.
"Pasensya na matatagalan pa ako dito, pero ako din miss ko na rin kayo.Sige mahal magpapaalam na ko kailangan ko ang pumasok baka malate ako alagaan mong sarili mo pati na mga bata.. I love you mahal".. sabay halik sa screen nang phone at ganun din ang ginawa ni mama...
"Love you too mahal".
"Bye! pa love you to mag-iingat ka diyan lagi...mwaahhh"
"Pa wag kalimutang kumain lagi"..
samut sari naming tugon at biglang nag..tooot....VIDEO CHAT ENDED.By the way Im Athena Ramos, panganay akong anak ni Athuro at Rosalinda Ramos. Tatlo kaming magkakapatid si Tania ang sunod sa akin at ang bunso naman si Andrea. OFW ang tatay namin sa Saudi at si mama naman ay may maliit na Karenderia sa bayan...kung saan andito kami ngayon.... bakasyon kasi kaya kapag walng pasok ay tumutulong kami kay mama..
nag aayos ako ng mga upuan nang biglang may pumasok.
"Oy.. Tina kamusta"? tugon nya habang nakangiti...
YOU ARE READING
You're Still The ONE
RomanceIsa ka rin ba sa mga nagmahal? at patuloy na nagmamahal, nasaktan? at paulit ulit na nasaksaktan, umaasa? at hanggang ngayon ay patuloy na umaasa. Umaasa sa kanyang pagbalik ay, patuloy kang nagaabang. Nahanap mo na ba ang iyong THE ONE? o patuloy...