Chapter 12 THE SONG

8 0 0
                                    

Tahimik lang kami sa byahe, kulang nalang mag lagay siya ng karatola sa sasakyan niya ng OBSERVE SILENCE.
Napadaan kami sa may plaza, at sa tabi ay may mga stall na nagbebenta ng mga street foods.

" Oy fishball!"

Nagtaka naman ako ng bigla siyang mag park.

" Bumili ka na kung gusto mo" seryosong tugon niya.

" E, kayo Sir?"

Hindi niya lamang ako kinibo,kinuha niya yung phone niya at agad bumaba sa sasakyan, may tatawagn ata. Umalis na lang ako saka nagtungo sa stall na nagtitinda ng fishball.

Abala naman akong kumakain, nang mapalingon ako sa kanya at sakto ring napaharap siya sa gawi ko,kakatapos lang siguro niyang mag phone call, nginitian ko na lamang ang seryosong mukha niya.

" Girl, did you see what I see?" tanong ng isang babae sa kasama niya.

" Oh My mama mia, poging papabells, nakatitig siya sa akin"
kinikilig na tugon naman ng kasama niya.

" Hi pogi" malandi nilang tugon habang nag wawave at yung isa ay nagpa beautiful eyes pa.

Tumango naman si Nathan sa kanila, kaya napatili naman yung dalawa.

kilig kayo girls??

" Tsssss" napa irap nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Lakas makatili, eto ring ungas na to ang feeler.

Tinitigan ko naman si Nathan, tinaasan niya lamang ako ng kilay, binuksan yung punto ng sasakyan saka tinuro yun.... tssss.. pinapabalik na ako.

Bahala siya.

Nagkunwari akong hindi ko na gets yung senyas niya,ibinaling ko yung atensiyon ko sa loob ng plaza.

" Perya"

Hindi ko alam kung bat napadako ako sa loob, malikot kasi tong mga paa ko, napatungo naman ako sa mga rides..FAIRIES WHEEL

Naalala ko tuloy si JAKE, akala ko kasi dati makakasakay na ako dun na kasama siya pero kasama niya pala si SAMANTHA kaya hindi na natuloy yun, naiinis ako ng sobra nun.

" Balang araw, sasakay din ako diyan, kasama ko rin yung special someone ko...MARK MY WORD" mataray kung tinitigan yung fairies wheel sabay napa cross ng arms.

" Ms. Ramos"

Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita sa likuran ko.

" Sir Nathan! kanina pa kayo diyan?"

" Kanina? ,,,kanina pa kita hinahanap, alam mo ba kung anong oras na" nagsusungit naman siya, habang papalapit sa akin.

ommmooo...mag aalas singko na pala, hindi ko kasi namalayan yun.

" Ma'am sasakay po ba kayo?" biglaang tanong ng operator ng fairies wheel.

" Ay, hindi po, praning kasi tong kasama ko, hirap na baka himatayin" nakangiting tugon ko sa operator.

" HAHAHA...ganun ba?" napatawa naman siya.

"Uwi na tayo" aya ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng bigla niya hawakan yung braso ko, nagulat naman ako at napatitig sa kanya.

" Sasakay kami" seryosong tugon niya sa lalaki.

You're Still The ONEWhere stories live. Discover now