Chapter 29

15 1 0
                                    

Fiona pov

"Huyy fiona anong ginagawa mo rito magsisimula na ang klase ahh ano wala kang balak pumasok?!"

Nilingon ko si lovely ng marinig ko ang sinabi nito naupo ito sa upuan sa tabi ko

"Ganon ba?ang bilis naman ng oras"sambit ko saka ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko hindi ko narinig na nagsalita pa si lovely ngunit nararamdaman ko ang tinging ipinupukol nito saakin

"Three days kana naming napapansing matamlay pero hindi ka namin tinatanong kung bakit dahil alam naming hindi ka mag kukwento but three days is enough fiona tama na ang taguan at tama na ang pananahimik tell me what is your problem"

Hindi ako sumagot bagkus ay nakatutok lang ang mga mata ko sa libro ni hindi nga ako nagbabasa nakatingin lang ako sa libro pinilit kong pakalmahin nag sarili ko dahil pakiramdam ko ay para nanaman akong maiiyak

Nabigla ako ng may humablot sa librong binabasa ko at sapilitan akong iniharap rito tinitigan ni lovely ang mga mata ko ngunit agad rin akong nag iwas dahil hindi ko kaya ang mga tingin nito

"Why are you crying?"rinig kong sambit nito ngunit hindi ako sumagot napagtanto ko nalang na umiiyak na pala ako dahil sa sinabi ni lovely narinig kong bumuntong hininga ito

"I know you need space but...fiona I'm your friend you can tell me everything para gumaan ang pakiramdam mo walang mangyayari kung kikimkimin mo lang yan sa sarili mo"

"Pero...hindi pa ba sapat ang lahat ng iniyak ko buong gabi para lang gumaan ang pakiramdam ko at klmakalimutan ang nangyari?"

Ayan nanaman naramdam ko nanamang pinipiga ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari naiiyak nanaman tuloy ako

"Oo fiona hindi pa yun sapat kung talagang ang nanakit sayo ay yung taong minahal mo ng sobra"kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi naramdaman ko nanaman ang pag agos ng luha ko kaya mas lalo ko pang diniinan ang pagkagat sa labi ko para pigilan ang paghikbi ko

Naramdaman kong may humagod sa likuran ko at yakapin ako ng mahigpit

"After this you need to tell me everything got it?"bulong nito na ikinatango ko na lamang

Nang mahimasmasan ako ay ikinuwento ko ang lahat ng nangyari kay lovely at halos maski ito ay hindi makapaniwala sa narinig at ano pa nga ba ang aasahan ko mula rito?syempre sinermunan ako nito at pinangaralan ng kung ano ano kesyo 

"bakit ko raw ba pinili si xavier,bakit ko ba pinapipilitan ang sarili ko sa lalaking hindi naman nakikita ang pag papahalaga at pagmamahal ko rito at kung bakit hindi ko parin ito magawang kalimutan at iwan matapos ng nangyari dahil sabi ni lovely na once na ginawa ng isang tao ang bagay na hindi tama ay gagawin at gagawin parin niya ito ng paulit ulit."

Ilang beses akong sinabihan ni lovely na kalimutan ko na si xavier at marami pa naman akong lalaking makikilala diyan na deserve ang atensyon at pagmamahal ko na gaya ng ibinibigay ko kay xavier saka wala naman kaming relasyon ni xavier kaya walang masama kung kakalimutan ko na ito pero hindi alam ni lovely kung anong meron saamin ni xavier ngayon at aaminin kong kahit na sobrang sakit ng nangyari ay hindi ko parin ito kayang iwan oo galit ako pero hindi ibig sabihin non na kaya ko na itong kalimutan.

nami-miss ko na si xavier at gusto ko na itong kausapin pero natatakot ako na hindi na namin maaayos ang relasyon naming dalawa magmula ng nangyari nung nakaraan at isa pa ay mas pinili kong iwasan si xavier dahil natatakot ako na sa oras na mag kaharap kami ay baka sabihin nito saakin ang magiging desisyon niya.

narinig ko kase nung gabing iyon nung gabing umuwi ako matapos ng pangyayari at ng mahimasmasan ako napagdesisyunan kong kausapin si xavier ngunit hindi iyon natuloy dahil nasa labas palang ako ng pintuan ng marinig ko ang pinaguusapan nila xavier at ng mga kaibigan niya.

Nang marinig ko iyon ay umalis ulit ako at sobrang takot na takot ako inabot ako ng madaling araw bago ako makauwi sa bahay dahil alam kong hinihintay ako ni xavier kaya matapos ng pangyayari nung nakaraang araw ay hindi pa kami nag kakausap ni xavier alam kong hinahanap ako nito dahil nakikita ko ang pagsilip nito sa classroom at nababanggit rin saakin ng mga classmates ko na hinahanap ako ni xavier syempre umiiwas ako at ayokong mag pakita sakanya...ayoko kahit gustuhin ko at miss na miss ko na siya kailangan kong tiisin dahil ayokong mangyari ang pinagusapan nila ni kuya lucas

"Pag isipan mo ng mabuti ang sinabi ko fiona hindi ko sinabi saiyo yon dahil lang sa gusto ko at dahil lang sa against na ako sa trato sayo ni xavier,ginagawa ko lang kung ano sa tingin ko ay tama at makabubuti sayo so I hope you understand"bilin saakin ni lovely na ikinatango ko bago sumagot

"Alam ko naman yon lovely saka pakisabi kila krystel na wag nila ako alalahanin dahil okay lang ako"sambit ko saka ngumiti ng tipid matagal akong tinitigan ni lovely pagkatapos ay narinig ko ang malalim na buntong hininga nito

"I know you're not okay and you're just hiding that pain inside you but...go on ipagpatuloy mo yan basta wag kang magpapakita saakin ng mugto ang mata at umiiyak dahil kung hindi mag susumbong ako sa kuya mo understand?!"banta nito na siyang ikinatakot ko

Hindi ko pa nasasabi ang nangyari kay kuya at ayokong nalaman niya ang nangyari dahil sa oras na malaman niya ay paniguradong tototohanin nito ang sinabi niya bago kami ikasal ni xavier

"Please lovely wag mong sabihin kay kuya"pagmamakaawa ko rito ngunit napailing lang ito

"Wala akong sasabihin sa kuya mo...sa ngayon.pero sa oras na sobra na yang xavier na yan....I can't promise that this will be a secret between us I don't care if you will gonna be mad at me as long as ito lang ang nakikita kong nakabubuti sayo gagawin ko parin"

Hindi na ako nakatutol pa sa sinabi ni lovely dahil naglakad na ito paalis ng hindi man lang nasasagot ang mga sinabi nito.napabuntong hininga na lamang ako saka naglakad patungo sa classroom ko pero nakakailang hakbang palang ako ng matigilan ako ng may mapansing may pigura sa harapan ko,nag angat ako ng tingin para malaman kung sino ito ngunit ganon nalang ang gulat na naramdaman ko ng makilala ko kung sino iyon

"X-xav..ier"

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng makita ko ang taong iniiwasan ko hindi ko magawang makapagsalita o kumilos para bang naparalisa ako na maski pag hinga ko ay nagawa kong mapigilan naramdaman ko rin kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko dahil narin sa kabang nararamdaman ko.

Napalunok ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko kinakabahan rin ako ng sobra at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung puwede lang sana akong magteleport pauwi o kahit saang lupalop ng maundo basta makaiwas ako kay xavier ay gagawin ko agad agad huhuhuh

"Hindi ko alam na dito kita makikita alam mo bang ilang araw na kitang gustong makausap pero hindi manlang kita maabutan?"seryosong sambit nito bumuntong hininga ito saka humakbang palapit saakin pero hindi ko alam kung bakit kusa nalang kumilos ang sarili kong mga paa ng bigla itong humakbang paatras natigilan ako sa nangyari maski narin si xavier ay natigilan at napatingin rin saakin

"I see...you're still mad at me"
mahinang sambit nito saka yumuko nagiwas ako ng tingin at hindi makapag salita pakiramdam ko kase ay parang pinipiga ang puso ko dahil ng makita ko ito ay biglang bumalik sa ala-ala ko yung pang yayari sa mall

pakiramdam ko rin ay nagu-guilty ako sa ginagawa kong pag iwas kay xavier kahit na gusto ko itong yakapin at kausapin pero hindi ko kaya 

huhuhuh namimiss ko na si xavier gusto ko na ulit siya asarin gaya ng dati

"Gusto kong magpaliwanag sayo fiona at marami akong gustong sabihin---"

"N-naku late nako pasensya kana hah kailangan ko ng mauna sige hah bye"

"Huh?"

Hindi ko na ito pinasin at agad akong naglakad paalis umiba ako ng daan para hindi ako makalapit sakanya saka mabilis ang mga lakad kong humakbang palayo sakanya

"Wait...Fiona!"

Sigaw nito at narinig ko ang nagmamadaling yabag nito palapit saakin ngunit hindi ko ito pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad hanggang sa namalayan kong tumatakbo na pala ako palayo sa kanya

'sorry xavier pero....wala pa akong lakas ng loob para harapin ka'

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon