Chapter 61.1

10 0 0
                                    

third-person pov

'This number is unattended----"

ibinaba ni xavier ang tawag dahil halos magsawa na ito dahil sa paulit ulit nitong naririnig hinilamos nito ang kanyang kamay sa kanyang mukha pagkatapos ay bumuntong hininga halos frustrated na ito dahil sa mga nangyayari at wala ng pumapasok sa isipan nito na magandang plano kung paano nito makakausap si fiona para makapag paliwanag hindi nito alam kung saan hahagilapin si fiona at nagsisisi ito dahil iniwan pa niya ito ng ganon katagal at ngayon ay halos mabaliw ito dahil hindi nito malaman kung saan naroon si fiona at natatakot ito na baka sa mga oras na ito ay malaman na ni fiona ang tungkol sa annulment nilang dalawa at baka kung anong kasinungalingan ang sabihin ni devon kay fiona para lang pumayag itong ipag patuloy ang annulment nilang dalawa

bumuntong hininga si xavier at ininom ang alak na natitira sa baso nito mas lalo lang nadagdagan ang frustration na nararamdaman nito dahil sa kanyang naiisip

muli nitong tiningnan ang cellphone at halos lahat iyon ay puno ng number ni fiona na kanina pa nito tinatawagan ng paulit ulit

"fiona....i'm sorry"

mahinang sambit ni xavier habang nakatingin sa cellphone nito

halos ilang minuto rin siguro itong nakatulala habang nakatitig sa cellphone nito ng kalaunan ay marinig nito ang pagtunog ng doorbell sa labas ng bahay sa una ay binalewala lamang iyon ni xavier dahil wala ito sa sarili at wala rin itong ganang makipag usap sa ibang tao lalong lalo na kung ito ang kuya ni fiona ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng doorbell kaya naman ay wala ng nagawa si xavier kundi ang magtungo sa labas hindi na nito inisip  kung anong dapat nitong gawin dahil para bang naging blanko na ang isipan nito dahil sa mga nangyayari

nang tuluyan ng mabuksan ni xavier ang gate ay agad na bumungad sa kanyang harapan si stacy at bakas sa itsura nito ang pag aalala at ng makita ni stacy si xavier ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili at agad niya itong niyakap ng mahigpit samantalang hindi kumilos si xavier para yakapin si stacy pabalik kahit  nakabawi na ito mula sa pagkagulat ay hindi nito tinugon ang yakap ni stacy nanatili lang itong nakatayo at wala paring kahit na anong emosyon ang makikita sa itsura ni xavier 

humiwalay si stacy sa pagkakayakap kay xavier pagkatapos ay nagsalita

"what the hell is happening to you huh xavier? why have you gone for too long?you didn't say anything to me, you didn't find me when you come back! where have you been huh xavier? don't you know how much I've been worried about you?"

tuloy tuloy na sambit ni stacy at bakas sa boses at itsura nito ang labis na pag aalala hindi rin nito mapigilan na mapaluha habang pinagmamasdan si xavier habang sinasabi niya ang mga katagang yon 

ilang minuto na siguro ang lumipas ngunit hindi pa rin ang sasalita si xavier na ipinagtaka lalo ni stacy sinubukang hawakan ni stacy ang pisngi ni xavier para mapagmasdan ito ng mabuti lalo na ng mapansin nitong mukhang hindi maayos si xavier pati na rin ng mapansin nito ang pasa sa mukha ni xavier ngunit hindi pa man nito nahahawakan ang pisngi ni xavier ng agad na iiwas ni xavier ang kanyang mukha dahilan para matigilan si stacy at magtaka kay xavier dahil sa ginawa nito

"Xavier?....."

"what are you doing here?"malamig na sambit ni xavier habang walang emosyong nakatingin kay stacy nagulat si stacy dahil sa lamig ng boses ni xavier pakiramdam tuloy nito ay hindi ito ang tamang oras na puntahan si xavier dahil mukhang wala ito sa sarili ngunit hindi pa rin nito maiwasang mag alala

"cause I'm worried---"

"there's no need to worry about me just mind your own business and leave"natulala si stacy at hindi makapaniwalang napatitig kay xavier hindi nito magawang makapaniwala kung ito ba talaga ang xavier na kilala niya dahil ibang iba ito kumpara noon---kumpara sa xavier na kilala niya

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon