Chapter 65

10 0 0
                                    

Fiona pov

nakasandal ako sa may pinto habang pinakikinggan ko sa labas kung nandiyan pa ba si dalton narinig ko kase na may kausap ito at naisip ko na posibleng si kuya iyon kasabay non ang pagbukas at sara ng pintuan kaya posible sigurong lumabas si dalton para siguro hindi ko marinig ang kung ano mang pinag uusapan nila ni kuya paniguradong sasabihihin nanaman nito kay kuya kung anong mga pinaggagawa ko ngayong araw

*sigh

hindi rin naman ako makatakas dito dahil bantay sarado ako palagi ni kuya pati na rin ni dalton hindi rin naman ako makadaan sa bintana dahil sobrang taas nitong palapag na to wala rin naman akong cellphone para matawagan sila krystel at makahingi ng tulong

*sigh

kumusta na kaya sila?....kumusta na rin kaya si xavier?naiisip rin kaya niya ako?nag aalala rin kaya siya saakin at nagtataka kung bakit hindi pa rin ako umuuwi hanggang ngayon?

*sigh

sana naman makita ko na si xavier gusto ko rin siyang makausap at marinig ang paliwanag nito tungkol sa annulment na binigay nito kahit alam ko sa sarili ko na may balak si xavier na i annul ang marriage namin ay kailangan ko pa rin siyang makausap

nabalik ako sa sarili ng marinig ko ulit ang pagbukas at sara ng pinto kasabay non ay ang yabag papasok sa loob pinakiramdaman ko ito ng mabuti lalo na ng marinig ko ang yabag nito na papalapit sa kuwarto ko

'teka hindi pa ba umuuwi si dalton?whaa anong oras naman kaya niya balak umuwi huhuhuh kanina pa ako nagugutom ehh'

Tok Tok Tok

nagulat ako at agad na lumayo sa pinto ng marinig ko ang pagkatok nito mula sa labas hindi agad ako nagsalita sa halip ay nakatitig lang ako sa pinto habang ang puso ko ay kumakabog dala ng kaba lalo na ng maisip ko na baka si dalton ang nasa labas ng kuwarto ko hindi ko pa kase siya kayang harapin hanggang ngayon para kaseng sa tuwing nakikita at nakakaharap ko ito ay ang lamig ng aura nito at kahit nakangiti ito sa tuwing nagkikita kami ay hindi ko rin maiwasang kilabutan

"fiona,it's me your brother open this door please?"

kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni kuya sa labas ng kuwarto

huminga ako ng malalim at lumapit sa pinto at binuksan ito ng kaunti para silipin ang labas si kuya ang unang bumungad saakin at ng ilibot ko ang tingin ko sa paligid ay hindi ko na makita si dalton

'umuwi na kaya siya?'

"he already left"

nabalik muli ako sa sarili ng marinig ko ang boses ni kuya tumango na lang ako saka binuksan ng mabuti ang pinto pagkatapos ay lumabas ng kuwarto ramdam ko rin ang pagsunod ng tingin ni kuya saakin pero hindi ko ito pinansin sa halip ay itinuon ko ang atensyon ko sa pag hahanap ng pagkain huhuhu nagugutom na kase talaga ako ehh

"i heard from dalton that you lock yourself from your room the whole day you didn't even come outside to eat even he called you...is is true?"

natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni kuya pakiramdam ko tuloy ay bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina lang palagi kase akong pinapagalitan ni kuya sa tuwing nalalaman nito mula kay dalton ang mga pinaggagawa ko tuwing wala siya hindi ko tuloy maiwasang mainis lalo na sa kanilang dalawa dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatang gawin ang gusto ko maski ang lumabas para mag pahangin ay dapat kasama ko si dalton at kahit hindi sabihin ni kuya ang dahilan kung bakit ako nito pinaghihigpitan ay alam kong iniisip nito na babalakin kong tumakas kapag walang nag babantay saakin para puntahan si xavier at aaminin ko naman na totoo ang iniisip ni kuya masisisi niya ba ako kung isang araw ay tumakas ako para puntahan si xavier?

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon