Chapter 7

43 2 0
                                    

Fiona pov

nakayuko akong naglalakad pabalik sa classroom parang nawalan tuloy ako ng gana ngayong araw nakakainis kase sila ehh ayaw nila ako paniwalaan,pinagtawanan pa nila ako! T^T

"ohh there she is the one who's claiming to be xavier's fiance!"

natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa nagsalita at hindi na ako magugulat kung sino ang bruhang humarang sa daraanan ko

siya lang naman si sydney fuentes isa sa mga taga hanga at patay na patay kay xavier, kasama niya rin ang mga kaibigan niya na kung makatingin saakin ay para bang may nagawa akong kasalanan sakanila>-<

"Baket?totoo naman yung sinabi ko ahh hindi ako nag sisinungaling!"

"Oh come on bitch ang taas naman ng pangarap mo lahat nalang inaagaw mo saakin!"

"What?inaagaw?hoyy samantha wala kaya akong inaagaw sayo saka isa pa kung sino man saatin ang mataas ang pangarap pagdating sa pagpapantasya sa mga lalake ikaw yon!sinabi mo pa nga saakin na asawa ka ni sehun ehh tapos ex mo si chanyeol tapos idadamay mo pa si xavier sa pag papantasya mo!"protesta ko na ikinalaki ng mga mata nito

"Baket totoo naman ahh?magiging asawa ko si sehun----"

"Wow asa ka!ikaw?magiging asawa ni sehun?hah! Asa ka ehh baka nga lalapitan mo palang yon tinarayan ka na ehh pakasalan pa kaya tsk tsk!"

'Hayy para naman kaseng hindi nito kilala si sehun ehh napaka attitude rin nun!'

"And who do you think you are para sabihin saakin yan hah? Excuse me lang hah for your information fiona sa ganda kong to walang lalaking hindi mag kakagusto saakin and guess what?using my charm I will make sehun fall for me including xavier!"

Halos kumulo ang dugo ko sa pinagsasabi nitong babaeng feeling na to!

 whhaaa ang taas naman ng pangarap niya pati si xavier at ang walang kamuwang muwang at guwapong si sehun dinadamay ng babaeng to!

"Maganda nga malandi naman hmmmpp!"sambit ko nakita ko ang panlalaki ng mata nito na halos lumabas na 

handa na sana ako nitong sampalin kaya lang may nakita akong nakatayo di kalayuan saamin habang nakatingin saamin at halos lumiwanag ang paligid ng mapagtanto ko kung sino iyon

"Whhhaaa xavier!!"bulalas ko saka dali daling tumakbo at nagtago sa likuran niya 

"Xavier nakita mo ba yung ginagawa ng bruha na yan? sasampalin sana niya ako buti nalang dumating ka" 

Napansin kong napalunok si sydney at namutla rin ang mukha nito whahahha 

kilala kase si xavier bilang cold hearted campus king rito sa school pati mga prof namin ay walang magawa sa ugali ni xavier hehhehe mabuti nalang at dumating ang future hubby ko i'm safe now ^___^

"Uhmm i-it w-wasn't true---"

"I don't care about it"malamig na sambit ni xavier na ikinatigil sa pagsasalita ni sydney nalipat ang tingin saakin ni xavier

"Come with me fiona we need to talk"malamig na sambit nito at naunang maglakad napangiti ako saka sumaludo sakanya

"Aye aye captain!"sambit mo at dali daling sumunod sa kanya naiwan doon si sydney at ang mga kampon nito na nakatulala habang nakatingin saakin

 mwuahhahaha siguro naman naniwala na siya sa sinabi ko

gaya ng sinabi ni xavier ay sinundan ko ito hanggang sa mapagtanto kong nasa likod kami ng campus ito lang kase ang natatanging lugar na tahimik, kung gusto mo mag emote puwede ka magpunta rito dahil wala namang makakakita sayo naalala ko pa nga dito ako dati nagpupunta sa tuwing umiiyak si lovely dahil sa pagiging broken hearted ehh...hhehehhe kala niyo ako nohhh? 

tumigil si xavier kaya tumigil rin ako maya maya pa ay walang emosyon ako nitong hinarap

"fiona"

"hmm?"

"sinabi mo ba sa ibang mga students rito yung tungkol sa arrange marriage?"

bigla kong naalala yung nangyari kanina sa cafeteria ngumiti ako saka agad tumango

"oo xavier kanina sa cafeteria,kaya lang di sila naniwala saakin ehh...ba't mo nga pala  natanong---ahh sasamahan mo ba ako mag announce para maniwala sila?"tuwang tuwang sambit ko

whhaaa sasamahan ako ni crush i-announce ang kasal namin 

napansin kong napahilamos si xavier sa kanyang mukha at problemado akong tiningnan hindi ko tuloy maiwasang mag alala ara sakanya

"bakit xavier may problema ba?"alalang tanong ko 

 bumuntong hininga ito saka ako nilapitan hinwakan nito ang magkabila kong balikat at tinitigan ako ng mabuti sa mga mata

'whhaaa ang lapit ni crush hahalikan ba niya ako dahil natutuwa siyang ina-nounce ko ang wedding namin?whhaaa xavier naman ihhh'

"hindi mo dapat ginawa yun, fiona"

parang bigla tuloy nabasag yung pagpapantasya ko dahil sa sinabi niyang hindi ko inaasahan

"huh?p-pero bakit naman?"hindi makapaniwalang sambit ko 

hindi ba tama ang ginawa ko?dapat lang na i-announce ko ang wedding namin ni xavier 

muli nanamang bumuntong hininga si xavier

"i am popular fiona and you know that, right?"sambit nito na ikinatango ko

"i have many fangirls around here at ano sa tingin mo ang iisipin nila sayo kapag sinabi mo sakanila ang tungkol sa kasal natin?sa tingin mo ba maniniwala sila?"

napayuko ako bigla ng maalala ko yung nangyari kanina agad akong umiling bilang sagot

hindi ko tuloy maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay para akong maiiyak feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko

whaaa ayoko umiyak huhuhu

naramdaman kong hinawakan ni xavier ang magkabila kong pisngi kaya muli ko itong napagmasdan

"wag mo sanang isipin na ginagawa ko ito para sa sarili ko....ginagawa ko ito para sayo fiona dahil sa oras na malaman nila ang tungkol sa kasal natin paniguradong hindi ka nila titigilan at ayoko namang masaktan ka ng dahil saakin"






Author's note:

Wala naman talagang katotohanan yung sinabi ni xavier kay fiona na 'ginagawa lamang niya iyon para sa kapakanan ni fiona dahil ayaw niya itong masaktan sa oras na malaman ng mga xavier fangirls ang tungkol sa kasal...kaya lang naman talaga yun sinabi ni xavier dahil wala siyang choice and besides he doesn't want to marry fiona dahil umaasa parin ito na babalik ang ex girlfriend nito na si sydney soo sinabi lang talaga yon ni xavier para mapaniwala si fiona saka isa pa iniisip rin ni xavier na madali lang utuin si fiona which is true dahil kabisado na niya ang ugali ni fiona dahil nga kababata niya ito.

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon