Chapter 10

39 2 0
                                    

Fiona Pov

Sumapit ang hapon sa wakas uwian narin namin, nauna akong umuwi kila krystel para hindi nila mapansing sabay kami ni xavier umuwi dahil siguradong magtatanong ang mga yon saakin

lumipas ang ilang oras ng paghihintay ko pero hindi ko parin makita si xavier halos lahat na yata ng edtudyanteng narito sa school ay nag uwian na tinatawagan ko naman si xavier pero hindi siya sumasagot ng tanungin ko si dalton kanina ng puntahan ko si xavier sa classroom nito ang sabi ni dalton  nakauwi na raw si xavier,nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil hindi man lang siya nag paalam saakin hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili ko kung may nagawa ba akong hindi maganda kung bakit palaging cold saakin si xavier...hayyy nami-miss ko na ang dating xavier na nakilala ko at sana ay bumalik na ang dating siya.

Nag taxi nalang ako pauwi sa bahay pero nasa tapat palang ako ng gate ng mapansin kong wala  ang sasakyan ni xavier

"Xavier?"tawag ko pagkapasok ko ng bahay ngunit walang sumasagot ang tahimik ng paligid nilibot ko ang buong bahay habang tinatawag ang pangalan niya hanggang sa makarating ako sa kuwarto niya ay wala parin akong xavier na nakita maski nga sa cabinet at ilalim ng kama  chineck ko narin dahil baka nakikipalaro ng tagu taguan saakin si xavier pero wala ehh...napakamot nalang ako sa ulo ko at naupo sa kama nito

"Hayy nasaan naman kaya siya nagpunta?sabi ni dalton umuwi na si xavier pero wala naman siya rito sa bahay"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at muling dinial ang number ni xavier

'The number you're calling is out of----'

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi nung babae dahil paulit ulit nalang halos makabisado ko na nga ehh hmmmp

"Baka naman na traffic lang siguro yon kaya wala pa siya...pero wala namang traffic ahh?" Ipinilig ko na lamang ang ulo ko dahil sa mga pinag iisip ko lumabas na lamang ako at napagdesisyunang mag luto para sa hapunan namin ni xavier mamaya.

-

-

-

-

Time check:11:59 pm

Kanina pa ako nakatulala habang nakatingin sa orasan

 kanina pa ako pasilip silip sa labas para icheck kung nariyan na ba si xavier at sa tuwing may naririnig akong dumadaang sasakyan ay agad akong tumatakbo palabas nagbabakasakaling si xavier na iyon ngunit hindi pala...hindi ko maiwasang mag aalala para kay xavier dahil anong oras na ay wala pa ito paulit ulit ko na itong tinatawagan pero hindi parin ito sumasagot

'Kkkkrruruu kruuu~~'

Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig kong tumutunog yon hindi pa ako kumakain kakahintay kay xavier at sa totoo niyan nagugutom na ako T^T

kahit gustuhin kong kumain ay hindi ko magawa dahil gusto ko talagang hintayin si xavier para sabay kaming kumain...ganoon naman talaga pag mag asawa na kayo diba?dapat sabay kayong kakain

'Kkkkrrrruuu kkkkrrrruuuu~~~'

'Whhaaa gutom na talaga akooo T0T'

"Sorry xavier pero hindi na kita mahihintay huhuhu gutom na gutom na talaga ako ehh"

Agad akong nag sandok ng kanin at ulam mas lalong kumulo ang tiyan ko at mas lalo akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang mabangong ulam na niluto ko

"Whhhaa okay lang kahit hindi to masarap ang importante ay makakain ako"Dali dali akong naglagay ng kanin sa kutsara at iaambang isusubo ito ngunit----

'Cringcring cring'

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon