Chapter 37

16 0 0
                                    


Fiona pov

Kanina pa ako nahihilo kakahanap sa cellphone ko

kagahapon ko pa Hindi yun mahanap Hindi ko nga rin maalala kung nahulog ko ba yun sa sasakyan ni Dalton pero sa pag kakaalala ko ay nadala ko pa yun pauwi rito sa Bahay ehh

'huhuhu wag naman sanang nawala yun sa kung saan,Ang Dami pa namang stolen picture don ni Xavier huhuhu sayang din yun 。:゚(;'∩';)゚:。'

Matapos Ang ilang Oras na paghahanap ay bigo pa rin ako pakiramdam ko ay para akong aatakihin sa puso dahil sa bigat Ng pakiramdam ko

Kainis kase ehh Hindi ko talaga maalala kung saan ko nailagay yun sobrang importante pa naman nun sakin lalo na kapag namimiss ko si Xavier Makita ko lang Ang picture Niya ay Masaya na ako ehh huhuhu

Bigo akong lumabas Ng kuwarto bitbit Ang bag ko naabutan ko sa salas si Xavier na naka uniform at mukhang ready na sa pagpasok sa school

Nang maramdaman ni Xavier Ang presensya ko ay nabaling Ang tingin nito saakin ngunit kalaunan ay nangunot Ang noon nito

"What's with that face?"
Kunot noong tanong ni Xavier

"Pano kase Hindi ko Makita Yung cellphone ko kahapon ko pa kase Hindi yun mahanap kaya nag aalala na ako kung saan ko yun naiwan sobrang importante pa naman nun sakin Xavier, puwede bang tawagan mo Yung number ko para malaman ko kung saan ko nailagay yun?"

Pakiusap ko Kay Xavier

Napansin ko na bahagyang natigilan si Xavier at para bang nag iba rin Ang emosyon nito pero baka imagination ko lang yun dahil Ng masdan ko mabuti Ang ekspresyon ni Xavier ay normal lang naman ito....guwapo pa rin ito hehehehe

"No I haven't seen it"
Sambit ni Xavier sabay Iwas Ng tingin sakin

"Ehh Xavier Hindi ko naman tinatanong kung Nakita mo Yung phone ko Sabi ko tawagan mo Yung number ko para malaman ko kung saan ko yun nailagay"

Mabilis akong nilingon ni Xavier at Hindi ko alam kung bakit Ang sama Ng tingin nito saakin Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam Ng takot

"I fr*aking know, you don't need to correct me!just forget about it I will buy you a new phone"
Mariing sambit ni Xavier
Hindi ko na nakuha pang sumagot dahil baka lalo pang Magalit si Xavier at ito pa Ang maging simula Ng away Namin

'hindi ko naman kailangan Ng bagong cellphone ehh sapat na sakin Yung dati Kong cellphone lalo pa't naroon Yung mga pictures na inedit ko para Kay xavier'

Sumunod ako agad Kay Xavier Ng Makita ko itong lumabas Ng Bahay

"Don't come with me"
Malamig na sambit ni Xavier

"Huh?pero xavier----"

"Did you forget what I told you before?"iritang sambit ni Xavier

"Sorry Xavier pero....ano nga ulit Yung sinabi mo sakin dati?nalimutan ko na ehh hehehe"
Kamot ulong sambit ko
Pano ba naman kase bakit pa ipapaalala ni Xavier Yung sinabi Niya noon?makakalimutin pa naman ako

Narinig Kong marahas na bumuntong hininga si Xavier Hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil pakiramdam ko ay mas lalo ko lang naaasar si Xavier huhuhu sorry na Xavier

"Never mind just don't go with me"
Hindi pa man ako nakakapagsalita Ng tuluyan Ng pumasok si Xavier sa loob Ng sasakyan at paandarin ito syempre Wala na akong magawa kundi titigan Ang papalayong sasakyan ni Xavier
Mas lalo tuloy akong nanglulumo sa mga ipinapakitang kilos saakin ni Xavier Akala ko pa naman okay na kami matapos Namin mag kaayos nung nakaraang Gabi pero Hindi ko maintindihan kung bakit mas lalong naging cold sakin si Xavier

Bumuntong hininga ako Saka walang magawa kundi Ang pumasok na lang Ng mag Isa sa school sana naman Hindi ko na Makita si Xavier kasama Yung ex Niya Hindi ko nga alam kung Anong gagawin ko mapaglayo ko lang Silang dalawa

'huhuhu mukhang ako tuloy Yung kontrabida sa love story nilang dalawa dahil sa pina-plano Kong Gawin T^T'

lovely pov

"oh my gosh nakakaloka naman itong si fiona anong time na girl gora pa ba ang baklang yon?baka naman busy ang bruhang yon kaka stalk sa crush niya samantalang kanina pa nakatunganga ang beauty ko ditey kakahintay sa pagsulpot ng baklang yon kaloka hah!"

rinig kong angal ng baklang katabi ko

napairap ako at napailing iling

well almost 30 minutes na kase kaming naghihintay sa pagdating ni fiona but until now ay wala pa rin siya hindi tuloy namin alam kung sasabay pa ba siya samin para kumain o hindi na lalo pa't alam naman namin na palaging hinahanap ni fiona yung crush niya para sabay silang kumain

"hintayin lang muna natin siya for another minute"

sambit ko na ikinairap ni francisco

'aba ang taray ng baklang to sabunutan ko to ehh!'

"kaloka bakla i'm about to die because of starvation at never kong pinangarap ng mag diet noh!"

angal nito

"magreklamo ka pa at sasabunutan na kita"

banta ko

umismid lang ito saka nag iwas ng tingin mabuti na lang at hindi na ito umangal pa dahil sasabunutan ko talaga ang bruhang bakla na to

"i should go and check where fiona is---"

"korek ka diyan mamshie! you should gora na para hindi tayo magwait ditey forever sa pag sulpot ni princess fiona"

agad na sambit ni francis pinaglakihan ko ito ng mata ngunit nagkibit balikat lang ang baklang to

hindi na nagsalita pa si krystel at naglakad na paalis bitbit ang gamit nito para hanapin si fiona

Fiona pov

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nag babakasakaling Makita ko si Xavier kanina ko pa kase siya hinahanap nadaanan ko na rin ito sa classroom Niya pero Wala din siya dun Sabi Ng classmate Niya umalis daw siya Ng classroom nung mag break time na Ang buong Akala ko ay may kasama si Xavier nung umalis siya Ng classroom pero Sabi naman Ng classmate Niya ay Wala daw siyang kasama nun.

"Hayy nasan na kaya yun si Xavier?"

Kamot ulong sambit ko sa Sarili ko

Kanina pa ako nahihilo kakahanap Kay Xavier huhuhu nagugutom na rin ako

Magpapatuloy na sana ako sa paglakad para hanapin si Xavier pero natigilan ako Ng Makita ko si Dalton na kalalabas lang Ng classroom

"Dalton!"

Tawag ko Ang buong Akala ko ay Hindi ako maririnig ni Dalton pero Hindi dahil pansin Kong natigilan ito at napalingon saakin

Ngumiti ako Saka ito kinawayan pagkatapos ay tumakbo ako palapit sa kanya

"If you're going to ask me where Xavier is,well I don't know"
Malamig na sambit ni Dalton kaya natigilan ako at nangunot Ang noo

"Hindi ko naman itatanong sayo kung nasaan si Xavier ehh"kamot ulong sambit ko
Masyado bang halata na si Xavier Ang hinahanap ko?

"Whatever"sambit ni Dalton Saka ako nito nilagpasan

Nagtataka Kong sinundan Ng tingin si Dalton Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay parang may kakaiba sa kanya ngayon parang Ang cold rin nito gaya ni Xavier huhuhu ano bang nangyayari sakanila?

Hindi pa naman ako sanay sa cold personality ni Dalton mas sanay ako sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti pero ngayon natatakot na rin ako sa kanya

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon