Fiona pov
Napalunok ako ng makita ko ang sasakyan ni xavier na nakaparada sa garahe mas dumudoble tuloy ang kabang nararamdaman ko sa tuwing naiisip kong nasa bahay na si xavier
huhuhu heart please kalma ka lang diyan okay?
Tumuloy na ako sa pag pasok ko sa loob at maingat na isinarado ang pintuan para hindi ito makalikha ng kahit na ano mang maliit na ingay
'Sana naman tulog na si xavier'
"Fiona..."
agad akong natigilan at naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon na nagmumula sa likuran ko
Naku ano ng gagawin ko?akala ko ba handa na akong harapin ulit si xavier?pero bakit ganon parang gusto ko ng tumakbo palayo at magtago para matakasan ko ito para hindi na namin mapag usapan pa ang nangyari
unti unti akong humarap at nadatnan ko si xavier na nakatingin sa akin
alanganin akong ngumiti kahit nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko
"Uhmm...hi?"
Okay sige ang awkward ng atmosphere dito sa bahay ngayon huhuhu hindi ko alam kung paano ko sisimulang makipag usap kay xavier gaya ng dati
"Kumain kana?"
"Sorry...."
Sabay kaming natigilan at naptitig sa mata ng isa't isa ng sabay kaming mag salita sabay rin kaming nagiwas ng tingin mas lalo tuloy naging awkward ang sitwasyon sa paligid
"Uhmm i-ikaw na muna ang mauna"sambit ko habang hindi makatingin ng diretso sakanya
"K-kumain kana ba....fiona?"
Nung una ay nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ng oo ang tanong ni xavier para naman makaiwas ako sakanya pero naalala ko nga palang hindi na dapat ako mag sayang ng oras sa kakaiwas sakanya.
"Uhmm hindi pa ehh hehhe...nag...luto kaba?"nahihiyang sambit ko samantalang ang kaninang kabado nitong mukha ay napalitan ng masiglang ngiti
"Yeah nagluto ako"
-
-
-
"here.let's eat together"sambit ni xavier ng mailapag ang pagkain sa harapan ko saka ito umupo sa upuang kaharap ko
nakatitig lamang ako sa pagkaing nasa harapan ko habang si xavier ay ramdam ko ang mga tingin nito sakin
"don't you like the food?i'll make another---"
"xavier,sa tingin mo..bakit hindi nagkatuluyan sila wendy at peterpan kahit mahal naman nila ang isa't isa?"
"huh?"
"magkaiba ang mundong pinanggalingan nila wendy at peter pan pero nagkaroon parin sila ng chance na pag tagpuin sila ng tadhana,pero sakanilang dalawa merong mas nasasaktan, si tinkerbell na palaging nasa tabi ni peter pan. bago pa man dumating si wendy,palagi itong nasa tabi ni peter pan matagal na itong may gusto sakanya kaya lang hindi niya masabi dahil natatakot itong layuan siya ni peter pan kaya dala ng takot na mangyari iyon ay itinago nalang niya sakanyang sarili ang nararamdaman at nanatili sa tabi ni peter pan bilang matalik nitong kaibigan.."
"simula ng dumating si wendy sa buhay ni peter pan ay palagi nalang third wheel si tinker bell nag seselos ito at nakakaramdam ng galit kay wendy dahil palagi nalang nasa kanya nakatuon ang atensyon ni peter pan pero mas pinili nitong manahimik dahil wala naman itong magagawa ehh,mahal nito si peter pan at ayaw niyang magalit ito sakanya kaya naman mas pinili na lamang nitong mahalin si peter pan ng palihim"
"fiona...why are you telling me this?"rinig kong tanong ni xavier kaya naman ay napatingin ako rito at pinilit na ngumiti
"para kaseng...ako si tinker bell ehh na palagi nalang nakatanaw sa malayo at minamahal ng palihim si peter pan...at ikaw at si stacy ay si wendy at si peterpan na kahit matagal na nagkahiwalay mahal na mahal parin nila ang isa't isa...pero hindi gaya ng nasa kuwento na hindi naging maganda ang ending nila wendy,sa tingin ko in real life magiging maganda ang ending ng story nilang dalawa"
"fiona...."
"xavier....alam kong nahihirapan kang kalimutan si stacy at naiintindihan ko iyon dahil mahal na mahal mo siya kaya nga......hindi mo na kailangan pang pilitin ang sarili mo na mahalin rin ako pabalik dahil.....simula ngayon pinapayagan na kitang gawin kung ano man ang gusto mo"
naramdaman ko ang kirot sa puso ko ng sabihn ko ang huling katagang binanggit ko pero mas pinili kong ngumiti para itago ang sakit na nararamdaman ko,nakita ko ang gulat sa mga mata ni xavier habang nakatingin ng dirtso sa mga mata ko
"pero hindi naman ibig sabihin non na makikipaghiwalay na ako sayo meron pa tayong natitirang 1 year and 11 months sa kontrata ng kasal natin at sa loob ng natitirang panahon natin ay piilitin ko paring baguhin ang nararamdaman mo para sakin pero sa pagtapos ng kontrata natin at hindi ko parin nagawang baguhin ang nararamdaman mo kahit na konti....."mapait akong ngumiti at hindi ko narin napigilan ang pagpatak ng luha ko "kailangan ng magparaya ni tinker bell"
"but....Fiona...you don't have to do this"
"sorry xavier pero...narinig ko ang usapan ninyo ni kuya lucas noong gabing matapos ang nangyari sa mall"pag amin ko na ikinatigil ni xavier
"kaya nga kita iniwasan ng ilang araw dahil natatakot ako na sabihin mo nalang bigla saakin na....makikipaghiwalay kana pero matapos kong makapag isip-isip narealize ko nalang na nag aaksaya lang ako ng oras sa kakaiwas sayo kaya napag desisyunan ko na harapin ka para maayos ulit natin ang relasyon nating dalawa,alam ko naman na hindi na nito maibabalik yung dati matapos ng nangyari pero...gagawin ko ang lahat ng makakaya ko xavier para kahit na naghiwalay na tayo magiging close parin naman tayo as a friends just like tinkerbell and peterpan right?"
sambit ko at pinilit na ngumiti at pasiglahin ang boses ko matagal na natigilan si xavier habang nakatitig parin saakin maya maya pa ay sumagot narin ito
"are you really okay with this?"
tanong nito na mabilis kong ikinatango
"yep!"
" *sigh fine then do what you like"
sambit nito kaya naman ay ngumiti ako
'is he really okay without me in his life?
tumayo na ako saka nagsimulang magpaalam kay xavier
"sige mauuna na akong matulog maaga pa kase ang pasok natin bukas ehh goodnight...shrek ^^"
"w-what?shrek?!the fheck do i look like an ogre?!"
halos mapatalon ako dahil sa biglaang pagsigaw ni xavier
"grabe ka naman xavier ogre agad?kung nanonood ka ng shrek mapapanood mo yung eisode na naging tao si shrek ang guwapo kaya niya"
nakangiting sambit ko and this time this is a real smile maybe i will start over from teasing him
napahilot sa sintido si xavier
"just to make it clear Fiona even if Shrek turns into a human I am more than handsome than Shrek we are not alike got it?"
mariing sambit nito na ikinatawa ko tumango na lamang ako saka muling sumagot
"okay"
"good"
"sige goodnight......shrek"
"wait what---hey fiona!"
sigaw nito saka hinabol ako ng makita ako nitong tumakbo patungo sa kuwarto ngunit mabuti na lang ay hindi ako nito naabutan dahil mabilis akong nakarating sa kuwarto at isinarado ang pinto,hindi ko tuloy maigilang matawa habang naiimagine ko ang pikon na mukha ni xavier dahil sa pagtawag ko sakanya ng shrek
BINABASA MO ANG
Got Married To My Longtime Crush
RomansaFiona Villafuerte was a 20 years old college student who has special feelings towards her childhood friend and high school classmate Xavier Acosta. she has been hiding her feelings from Xavier for a long time because she doesn't know how to tell her...