Chapter 61

8 0 0
                                    

Fiona pov

Tok Tok Tok

Nagising ako ng makarinig ako ng sunod sunod na katok mula sa pinto ng kuwarto ko napatingin ako sa orasan ng mapansin kong medyo madilim na sa labas at doon ko lang napagtanto na alasais na pala ng gabi

'huh?ganon ba kahaba yung tulog ko?'

Tok Tok Tok

napukaw ang atensyon ko ng marinig ko ulit ang pagkatok sa pinto pero sa halip na kumilos para buksan iyon ay nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa pinto lalo na ng maisip ko na si dalton nanaman iyon ayoko pa siyang makausap sa ngayon

bumuntong hininga ako saka humiga na lang pabalik at nag talukbong ng kumot maya maya pa ay wala na akong narinig na katok kaya nakahinga ako ng maluwag ng maisip ko na baka umalis na si dalton ngunit kalaunan ay narinig ko bigla ang dahan dahang pagbukas ng pinto at ang yabag papasok sa kuwarto 

hindi agad ako gumalaw sa halip ay pinakiramdaman ko muna ang buong paligid kahit halos sumabog na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito dala ng kaba naramdaman ko ang presensya nito na tumigil sa may likuran ko kaya halos pigilin ko ang paghinga ko habang naghihintay sa gagawin nito

"are you still asleep?"

0_0

'teka...ang boses na yon'

mabilis akong bumangon saka agad na nilingon ang pinanggagalingan ng boses na iyon lalo na ng mapagtanto ko kung sino ito

"kuya?!"bulalas ko pagkatapos ay tiningnan ko ang likuran nito pati na rin ang pintuang nakasarado dahil ang buong akala ko ay may kasama si kuya o di kaya ay nakasunod sa kanya si dalton ngunit ng mapagtanto kong mag isa lang si kuya ay halos makahinga ako ng maluwag

"what's wrong?you look pale are you not feeling well?"

alalang sambit ni kuya pagkatapos ay marahang hinipo ang noo ko umiling ako pagkatapos ay saka ako nag salita

"kuya....ano bang nangyayari?bakit palaging nandito si dalton?saka bakit....hindi ako puwedeng pumasok sa school?"

sandaling natigilan si kuya at napatitig saakin ayoko sanang itanong ang bagay na ito pero mas lalo lang akong naguguluhan sa oras na kinikimkim ko lang sa sarili ko ang mga bagay na gusto kong masagot

narinig kong huminga ng malalim si kuya saka nag iwas ng tingin dumapo ang tingin ko sa folder na hawak ni kuya pero nag dadalawang isip ako kung tatanungin ko si kuya kung tungkol saan ang bagay na yon lalo pa't napakaraming mga bagay na gusto kong itanong kay kuya at hindi ko alam kung anong uunahin ko

"kuya..."

"it's not like you're not allowed to go to school fiona....there is....there is just something that i have to do and after I'm done you can go to school"

sambit ni kuya mas lalo nanaman tuloy nadagdagan ng mga katanungan ang isipan ko at hindi ko mapigilang macurious dahil sa sinabi ni kuya

"pero kuya----"

natigilan ako ng hawakan ni kuya ang kamay ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko

"fiona....do you still trust me?"

hindi agad ako nakapagsalita o magawang tumango man lang dahil sa sinabi ni kuya hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya ngayon lalo na sa mga ikinikilos ni kuya kahit ang tahimik nito at masungit at halos walang pakealam sa mundo ay nasanay na ako rito pero ngayon ay hindi ko maiwasang magtanong sa isipan ko at paghinalaan na parang may itinatago saakin si kuya at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang iniisip ko pero masama naman na magduda lalo na kung wala naman akong sapat na ebedensya diba?

bumuntong hininga si kuya pagkatapos ay inilagay nito sa kamay ko ang folder na hawak nito kanina napatingin ako rito pero hindi ko magawang makapagsalita habang naghihintay sa susunod na sasabihin ni kuya

"i...i saw you husband earlier"

mabilis na nabalik ang tingin ko kay kuya ng marinig ko ang sinabi nito kasabay non ay naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maisip ko si xavier

"he told me to gave this to you"

sambit ni kuya nabalik muli ang tingin ko sa folder na hawak ko at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot na buksan ang nilalaman ng folder at kung ano ano na lang ang pumapasok sa isipan ko na pilit kong iwinawaglit dahil alam ko na hindi naman gagawin ni xavier ang bagay na yon at alam ko rin sa sarili ko na kahit gaano kasungit si xavier at halos wala itong pakealam saakin ay alam ko na kahit papaano ay hindi ito magdedesisyon na sarili lang nito ang kanyang iniisip na hindi man lang siya magsasabi saakin bago ito magdesisyon 

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon