Chapter 1

90 4 0
                                    

Fiona pov

Mag isa akong naglalakad sa hallway patungong classroom bitbit ang libro ko 

nagmumuni-muni ako sa paligid, marami pa ring mga estudyante ang nag kalat sa hallway, yung iba papasok ng classroom yung iba naman palabas bitbit ang mga gamit nila Paniguradong mag cu-cutting class nanaman sila hindi pa nga start ang first period nag uuwian na yung iba.

Mag papatuloy na sana ako sa paglalakad ngunit natigilan ako ng may matanaw akong pamilyar na pigurang nakatayo di kalayuan saakin ng mapagtanto ko kung sino yon ay parang bigla na lang kumabog ang puso ko, para ring tumigil ang pag ikot ng mundo ko at tumahimik ang paligid

Agad kong iniwas ang paningin ko ng tumingin siya sa direksyon ko, mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng yabag palapit saakin hanggang sa may makita akong pares ng sapatos sa harap ko at ng mag angat ako mg tingin ay halos mahigit ko ang hininga ko ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko

"Good morning,fiona"
Nakangiting sambit nito na halos ikatulala ko dahil hindi ko inaasahan na babatiin ako nito.

Sa loob ng tatlong taon na may gusto ako sa kanya, ngayon lang niya ako binati ng ganito kadalasan kase pag nasasalubong ko ito ay palaging walang emosyong mukha ang isinasalubong nito saakin at malamig na tingin kaya ngayong binati niya ako habang nakangiti ay hindi ko tuloy magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko.

"X-xavier"

Napalunok ako ng mautal ako ngunit ngumiti lamang si xavier na halos ikatunaw ko

"Let's go to the church?" Sambit nito na ipinagtaka ko kase lunes ngayon at may pasok pa kami saka... May Misa ba ngayon?

"Huh? B-bakit? May misa ba ngayon?" Kamot ulong sambit ko ngumiti si xavier ng matamis na halos ikatulala ko nanaman pagkatapos, marahan nitong hinaplos ang pisngi ko

"Today is our wedding ceremony,fiona"

Bulong nito na halos ikatulala ko at tumingin sa kanya ng hindi makapaniwala samantalang mataman ako nitong tiningnan at sinapo ang mukha ko saka ko na lang namalayan na unti unting lumalapit ang mukha nito sa mukha ko samantalang ako naman ay parang nakalimutang huminga habang nakatitig lang kay xavier ngunit parang may sariling buhay ang mga mata ko ng kusa rin itong pumikit




"Fiona?!"

"Fiona!"

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na paulit ulit nag e-echo sa pandinig ko ng tawagin nito ang pangalan ko

"Fiona wake up!"

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may tumatapik saakin, sa una ay Malabo ang paligid ngunit kalaunan ay unti unti itong nagiging malinaw hanggang sa may matanaw akong bulto ng lalaki na nakakunot ang noo habang nakatingin saakin

"Kuya devon?"

"Finally, the sleeping beauty is awake" malamig na bungad nito napanguso tuloy ako saka bumangon

"Wala man lang good morning diyan kuya?"

"Tss" sambit nito hindi ko tuloy maiwasang ismiran ito

"Ang sweet mo kuya"

"Yeah i know" sambit nito saka tuluyang lumabas ng kuwarto ko

Napailing na lamang ako dahil sa kasungitan ni kuya minsan nga naiisip ko na baka ganon lang yon dahil wala pa siyang girlfriend

Paano naman kase ay bukod sa napaka sungit ay masyado ring sensitive si kuya hindi nga rin siya marunong manuyo ng babae at halos walang tumatagal na relasyon pagdating sa kanya!

Guwapo lang ang kuya ko pero yung ugali---- nevermind

Sana naman may dumating ng nararapat na babae para kay kuya sana hindi tumandang binata si kuya huhuhu gusto ko pa namang magkaroon ng pamangkin

Nang matapos na ako sa dapat kong gawin kalaunan bumaba na rin ako at nagtungo sa dinning area, naabutan ko roon si yaya na inilalagay sa lunchbox ang niluto ko kanina ... Well nag effort talaga akong magluto kahit hindi ako marunong syempre pag naging mag asawa na kami ni xavier, wala siyang masasabi dahil sa galing kong mag luto <( ̄︶ ̄)>

"Good morning yaya" bati ko kay yaya ng makalapit na ako sa kanya

"Good morning rin iha" nakangiting bati nito pabalik

"Siya nga pala, napakarami nitong niluto mo mauubos mo ba ito?" Kunot noong tanong ni yaya

"Naku yaya, hindi lang naman po ito para saakin ehh"nakangiting sambit ko na nag pakunot lalo sa noo ni yaya

"Kung ganon ay para kanino pa?"tanong nito na mas lalong nag pangiti saakin hindi ko tuloy maiwasang kiligin ng maisip ko si xavier

"Para po ito sa future husband ko" kinikilig ma sambit ko na mas lalong nagpakunot sa noo ni yaya dahil sa pagtataka

Mag sasalita pa sana ulit si yaya ngunit dumating ang ubod ng bait (sungit) kong si kuya devon

"Himala nag luto ka ng agahan" walang emosyong sambit nito

Ngumiti na lamang ako saka dumampot ng sandwich na ginawa ko at ibinigay sa kanya

"Oh kuya dahil mahal kita, ikaw ang unang unang makakatikim ng sandwich na ako mismo ang may gawa" pagmamalaki ko

Tumaas ang kilay ni kuya at halata sa mukha nito ang pag aalinlangan bago tanggapin ang sandwich saka dahan dahang kinagatan nginuya niya ito habang nakatingin pa rin saakin pero kalaunan, natigilan rin ito sa pag nguya at para ring hindi na maipinta ang mukha nito

Napangiti ako ng malawak

"Ohh ano kuya masarap ano? Sa sobrang sarap na speechless ka na hahhaha sabi na nga ba ehh!" masayang sambit ko

" By the way kailangan ko ng umalis bye bye!" Masayang paalam ko habang bitbit ang paper bag na may lamang lunchbox

"Damn it! Are you going to kill me fiona?!" Rinig kong sigaw ni kuya habang palabas ako ngunit natawa lang ako

"I love you too kuya! Don't worry I'll make more sandwiches for you later!"
Sigaw ko pabalik

Hayy excited na akong ibigay ang mga niluto ko para kay xavier Paniguradong mafa-fall na siya saakin pag natikman niya to! May halo pa naman tong gayuma--- este pagmamahal

Hihihihi fighting fiona you can do this! ୧(^ 〰 ^)୨

dear diary:

mission accomplish tayo for today diary well naibigay ko na yung mga niluto ko kay crush kanina sakto kase at nakasalubong ko siya sa may gate hihih pero nahihiya ako diary nung binigay ko sakanya yun, pagkabigay ko kase sakanya nun tumakbo kaagad ako nasayang lang yung pag pa-practice ko ng mga sasabihin ko para kay crush dahil ang ending na speechless ako kanina nung nakaharap ko siya...

hayy bahala na basta paniguradong pupuntahan ako o hahanapin ako ni crush para manligaw---este para magpasalamat saakin dahil pinagluto ko siya ng breakfast ^_^

hanggang dito na muna diary dahil may klase pa ako bye bye mwuahh>_^

#future girlfriend ni xavier

fiona villafuerte

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon