Third person pov
Mabilis na hinabol ni xavier si fiona ng mapansin nito ang pagtakbo nito palayo sakanya ramdam nito na iniiwasan siya ni fiona nitong mga nakaraang araw at alam ni xavier ang dahilan ng pag iwas sa kanya ni Fiona
alam nitong siya ang may pagkakamali dahil agad itong bumigay sa tukso ngunit gaya ng sinabi ng kaibigan nitong si lucas ay kailangan nitong mag desisyon at iyon ang gagawin niya kaya naman gusto nitong makausap si fiona para maging maayos na ang lahat---o iniisip lamang nito na magiging maayos rin ang lahat kahit malabong mangyari iyon lalo pa't alam nito ang nararamdaman sakanya ni fiona at nangako ito sakanyang sarili na itutuon niya ang buong atensyon at susubukang suklian ang pagmamahal na ipinaparamdam sakanya ni fiona at kakalimutan na nito si stacy na naging dahilan para masaktan ito at makulong sa nakaraan ngunit hindi pala nito kaya dahil hanggang ngayon ay wala parin itong maramdaman na kahit konting espesyal na pagtingin para kay fiona.
"Fio---d*mn!"
Hindi nito mapigilang mapamura ng may humarang sakanyang daraanan dahilan para matigilan ito at hindi mahabol si fiona
ng makaalis ang dumaan sakanyang harapan ay nagmadali itong habulin si fiona ngunit hindi na niya ito makita pa
Tumatakbo palayo si fiona dahil ramdam parin nito ang pagsunod sakanya ni xavier napansin nitong may papadaan sakanyang harapan at kapag hindi niya iyon nalampasan ay paniguradong maabutan siya ni xavier ngunit mabuti na lamang ay nagawa niya itong lampasan saka mas lalong binilisan ang pagtakbo pero nakaramdam narin ito ng pagkapagod at pagkahingal pero hindi nito magawang makahinto dahil ayaw nitong maabutan siya ni xavier hanggang sa magulat nalang ito ng biglang may humablot sakanya papasok sa isang silid at akmang sisigaw na sana ito ngunit agad na may tumakip sakanyang bibig kasabay non ay ang mahinang pag bulong sakanyang tenga
"Shh it's alright Fiona, it's me"
Bulong ng pamilyar na boses parang nabunutan ng tinik sa dibdib si fiona ng malaman nito kung sino ang kasama niya unti unting lumuwag ang pagkakatakip ng kamay nito sakanyang bibig pagkatapos ay sumilip ito sa bintana para tiyakin kung nasundan ba siya ni xavier pero laking gulat nito ng matanaw sa labas si xavier at waring hinahanap siya
Mabilis itong yumuko ng biglang tumingin sakanyang gawi si xavier nagkatinginan sila ni dalton at pigil hiningang pinakiramdaman ang paligid kung patungo ba sakanilang kinalalagyan si xavier ngunit ilang minuto na ang nakalipas ng walang nangyari
"Sisilipin ko lang kung nandyan pa siya"bulong ni dalton na ikinantango lamang ni fiona at gaya ng sinabi nito ay sinilip nito sa binatana si xavier at para rin itong nakahinga ng maluwag ng makitang wala na roon si xavier
Naupo ito sa tabi ni fiona saka tinapik ang kanyang balikat
"Don't worry he's gone"sambit nito dahilan para mas lalong makahinga ng maluwag si fiona
Fiona pov
"Salamat dahil nandiyan ka dalton kung hindi dahil sayo baka naabutan na ako ni xavier"
Nandito parin kami ni dalton sa bakanteng classroom kung saan niya ako dinala kanina
"Why are you avoiding him?"
"Uhmm hindi pa kase ako handang harapin si xavier matapos nung nangyari sa mall nung nakaraan"
matagal itong hindi nagsalita habang nakatitig parin saakin kalaunan ay narinig ko naring nagsalita ito
"Really?yun lang ba talaga ang dahilan?"makahulugang sambit nito hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko ay parang may alam ito mag sasalita na sana ako pero naunahan ako nito
"You know what fiona?hindi ko alam kung yun ba talaga ang totoo mong rason kung bakit mo iniiwasan si xavier pero isa lang ang masasabi ko...kahit ganon ang ginawa ni xavier alam kong hindi mo siya iiwasan ng ganon katagal I know you need space pero hindi ganon katagal dahil kilala kita fiona...hindi mo kayang magalit ng matagal kay xavier at kung may mas malalim pang dahilan kaya mo siya iniiwasan,ngayon palang itigil mo na fiona...ano ng mangyayari sa plano mo?akala ko ba gagawin mo ang lahat para mahalin ka niya pero ba't ngayon ay parang sumusuko kana at iniiwasan mo nalang si xavier?...mag papatalo ka nalang ba sa stacy na yon?"
Natahimik ako sa mga sinabi ni dalton,sa mga sinabi nito ay sapul na sapul saakin.
Oo nga pala nangako ako na sa mapag tatagumpayan ko na ang plano ko pero ngayon ay para bang itinatapon ko na ang lahat ng sinabi ko dahil sa nakita ko sa mall at hinayaan ang puso ko na magpalamon sa lungkot na nararamdaman ko
Mabilis akong umiling para tutulan ang kanyang mga sinabi
"Tama ka nga dalton,hindi ko dapat sayangin yung pagkakataong meron ako para lang iwasan ko si xavier.salamat dalton dahil nandiyan ka at pinaalala mo saakin na hindi dapat ako sumuko pasensya kana rin kung naabala pa kita ahh? Hindi ko na kase alam kung anong gagawin ko masyado akong nasaktan dahil sa nakita ko hindi ko kase inaasahan na mangyayari ang ganong bagay at sa mismong date pa namin"
"Hey don't think about it anymore.I'm not good at advising but fiona you need to move on and forget what happened so that your mind was clear while thinking your plan"
Tumango ako sa mga sinabi ni dalton hindi ko alam kung paano ako mag sisimula at kung may lakas paba ako ng loob para gawin ang mga bagay na nasa isip ko nung una palang pero simula ng makita ko yung ginawa ni xavier ay parang nawalan ako ng lakas ng loob dahil pakiramdam ko ay ako ang masama at hadlang sakanilang dalawa nung ex niya pero gaya nga ng sinabi ni dalton,kailangan ko ng mag move on at hindi ko na dapat sayangin ang oras ko para lang balikan ang masakit na nangyari
![](https://img.wattpad.com/cover/221536534-288-k41040.jpg)
BINABASA MO ANG
Got Married To My Longtime Crush
RomanceFiona Villafuerte was a 20 years old college student who has special feelings towards her childhood friend and high school classmate Xavier Acosta. she has been hiding her feelings from Xavier for a long time because she doesn't know how to tell her...