Chapter 71

3 0 0
                                    

Fiona pov

2 days later....

'The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later'

Bumuntong hininga ako saka pinatay ang tawag ng Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni kuya ang tawag ko alam ko naman na nagtatampo si kuya dahil sa nangyari pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay kaya ni kuya na hindi pa rin ako kausapin

*Sigh

kelan naman kaya ako balak na kausapin ni kuya?

"Is he still not answering?"
naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kasabay non ay narinig ko ang boses ni xavier nag angat ako ng tingin at nagtama ang mga tingin namin ni xavier at pansin ko sa mga mata ni xavier na nag aalala ito

Ngumiti ako saka nagsalita

"Hindi pa rin ehh pero okay lang alam ko naman na mag kakabati rin kami ni kuya"

Umupo si xavier sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay nagsalita ito

"I know because of me---"

"Xavier sabi ko naman sayo wag mo ng sisihin ang sarili mo diba?ginawa ko talaga ang bagay na yon para satin"pagputol ko sa sasabihin ni Xavier dahil sisisihin nanaman niya ang sarili nito palagi na lang niya itong ginagawa sa tuwing nakikita niya akong malungkot dahil kay kuya kaya nga minsan ay nag tatago ako sa kanya sa tuwing babalakin kong kausapin si kuya

Ngumiti ng marahan si xavier saka pinisil ang kamay ko

"Alright, I'm sorry i won't do it again"

Ngumiti ako saka tumango

"Let's go to school?"

"Sige"sambit ko

sabay kaming lumabas ni xavier ng kuwarto habang hawak pa rin nito ang kamay ko

ngayon pa lang kami papasok ni xavier sa school pagkatapos naming maayos ang problema namin kaya panigurado ay medyo maninibago ako ngayon at sa wakas ay makikita ko na rin sila krystel huhuhu namimiss ko na kase sila ng sobra kakabili lang din saakin ni xavier ng cellphone kahapon kaya lang hindi ko naman kabisado phone number nila

kalaunan ay nakarating na rin kami ni xavier sa school pababa pa lang ako ng sasakyan ng bumungad agad saakin si xavier nag angat ako ng tingin at nasalubong ko itong nakangiti

"i should open the door for my wife"

0///0

habang tumatagal ay mas lalong nagiging sweet saakin si xavier pero habang tumatagal rin ay nasasanay na rin ako sa kanya mas lalo pa nga akong kinikilig sa tuwing nagiging sweet siya saakin >////<

ngumiti ako saka inabot ang kamay niya na nakalahad kahit gusto kong ngumiti ng malawak kala lang pinigilan ko pa rin syempre nahihiya pa rin ako kay xavier saka dapat hindi halatang kinikilig ako dahil baka mamaya ay asarin nanaman ako nito

magkahawak kamay kami ni xavier na naglalakad pero ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala nakatingin yung mga estudyante saamin ni xavier at ang mas ipinagtataka ko ay kung bakit kakaiba sila makatingin saamin ngayon lalong lalo na saakin kung hindi ko lang siguro kasama si xavier ngayon ay malamang kanina pa nila ako nilapa ng buhay pero dahil kasama ko ngayon si xavier ay tanging bulong bulungan na lang ang kanilang magagawa habang nakatingin pa rin saakin

"grabe ang lakas ng loob niyang pumasok matapos ng nangyari"

"oo nga girl siguro kung ako yan nako baka na grounded na ako ni mommy dahil sa ginawa ko"

"akala mo naman kung sinong mahinhin eh may kalandian rin naman palang tinatago"

"kaya nga pagsabay sabayin ba naman sila habang  in a relationship pa siya kay xavier"

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon