Chapter 2

56 5 0
                                    

Fiona pov

matapos ang mahaba habang klase sa wakas ay dumating narin ang oras na pinaka hihintay ko aaanngg----recessss yeheyyy!!

narito na ako sa canteen kasama ang mga kaibigan ko binigyan ko rin sila ng mga niluto ko kanina

"what is this frenny?"kunot noong tanong ni francisco habang nakatingin sa pagkaing nasa harapan niya napatingin rin ako roon saka siya sinagot

"it's a bacon and fried rice"matamis na ngiting sambit ko

ngumiwi si francisco habang sinusuri ng mabuti ang pagkain

"really?i thought it's a kanin babo---ouch!"daing nito ng bigla siyang sikuhin ni lovely taka ko itong tiningnan

"ohh bakit mo siya siniko?"takang tanong ko rito ngumiti lamang ito saka sumagot

"well i'm hungry na kase and you know naman fiona na hindi ako makakain kapag maingay ang ka table natin right?"nakangiting sambit nito kaya napatango tuloy ako ng maaalala ko nga palang hindi ito sanay kumain na may maingay saamin dahil nawawalan ito ng gana

"hehheh oo nga pala"sambit ko na lamang at binuksan na ang lunchbox ko na naglalaman ng pagkaing niluto ko kanina ginawa rin naman ito nila lovely samantlang si krystel ay parang nag dadalawang isip na kainin yung pagkaing binigay ko sa kanya, ngunit ng dumako ang tingin nito saakin ay ngumiti ito na parang ninenerbyos saka dumakot ng kanin gamit ang kutsara nito ngunit hindi pa man nito nangunguya ang pagkain ng mapansin kong namutla ang muka nito na parang ewan

"okay ka lang ba krystel?"nag aalalang tanong ni lovely nagulat na lang ako ng biglang mabilaukan si fransisco at dahil sa pag papanic namin dahil mukhang hindi na makahinga si francisco ay inabutan ko agad ito ng tubig na agad naman nitong tinanggap at ininom

"*cough *cough"pag ubo nito habang sapo sapo ang kanyang dibdib samantalang si lovely ay hinahagod lamang ang likod nito

"Are you alright fra---"

"oh my gosh sister itatanong mo pa talaga saakin yan eh halata naman sa itsura kong hindi ako okay!"

"ano bang problema---"

"sis you know that i love you right?pero may balak ka bang lasunin kami?"sambit ni francisco na ikinakunot ng noo ko mag sasalita na sana ako ngunit nagsalita si krystel na tahimik lang kanina

"to be frank hindi masarap ang luto mo"bored na sambit ni krystel na siyang ikinagulat ko napatingin ako kay lovely na hindi manlang nagsasalita habang nakatingin saakin pero ang mga tingin niyang yon ay may nais sabihin dali dali kong tinikman ang fried rice na niluto ko para malaman kong totoo nga ba ang sinabi nila pero hindi ko paman ito nangunguya ay halos maisuka ko ito dahil sa sama ng lasa dali dali kong inabot ang tubig at agad na nilagok iyon 

taka akong napatingin kila lovely

"bakit ganon ang lasa?"takang tanong ko sa mga ito

"sis kelan pa ba yung kanin na sinangag mo kaninang umaga?"tanong ni francisco

"uh, hindi ko alam ehh nakita ko lang yun sa ref namin"mahinang sambit ko napanganga tuloy sila krystel at lovely dahil sa sinabi ko

"then how about those ingredients of sandwiches?"tanong ni lovely

"uhmm yung bread nung nakaraang buwan pa yun and then yung ketchup hmmm last year pa? tapos yung lettuce and tomattoes nung nakaraang linggo pa, nakita ko lang yang stock roon sa kusina kaya yan nalang ang ginamit ko and then yung ham naman nung isang araw lang yan kaya lang hindi na ilagay sa reff ehh hhehe"kamot ulong paliwanag ko sa kanila samantalang hindi sila makapaniwalang nakatingin saakin habang si krystel naman ay napailing na lamang

"gosh girl expired na yung mga ginamit mong ingredients and yung iba hindi na puwedeng gamitin sa pag gawa ng sandwich like these tomatoes and lettuce saka itong ham na hindi nailagay sa reff sira na to fiona"hindi makapaniwalang sambit ni lovely

"diba sabi mo binigyan mo rin nito yung crush mo?"sambit ni francisco na siyang ikinatango ko ngunit agad rin akong natigilan ng mag sink in saakin ang lahat kaya agad akong napatayo at tumakbo palabas ng canteen saka hinanap si xavier hanggang sa mapadpad ako sa malawak na soccer field

 hinihingal ako na napahinto sa pagtakbo, kanina ko pa hinahanap si xavier pero hindi ko ito matagpuan 

'nasaan naman kaya siya?sana naman hindi pa niya kinakain yung binigay ko sa kanya huhuhu ayoko namang isipin niya na lalasunin ko siya dahil hinding hindi ko gagawin yun.'

mag sisimula na sana ulit ako sa pag hahanap kay xavier ng matanaw ko itong naglalakad mag isa pakiramdam ko tuloy ay biglang lumukso ang puso ko ng makita kong muli ito

'bakit kaya ganon?pag nasisilayan ko siya kahit nasa malayo pakiramdam ko ay punong puno ako ng energy'

napansin kong papalayo na ito kaya bago pa ito tuluyan makalayo saakin ay agad ko itong hinabol hinarang ko ang aking sarili sakanyang daraanan natigilan ito at walang emosyong napatingin saakin,napalunok ako bigla ng maramdaman ko ang mabilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay parang nanlalambot ang tuhod ko...bakit kaya ganon?ganoon ba talaga ang epekto sayo ng isang tao kapag alam mo sa sarili mo na gusto mo ang taong yon?

"what?"walang emosyong sambit nito 

tumikhim ako saka huminga ng malalim

"uhmm xavier uhmm ano kase ehh uhmm...y-yung kase kanina----"

"i'm busy and you're just wasting my time"malamig na sambit nito kinabahan tuloy ako dahil sa sinabi niya

palaging busy si xavier, marami itong bagay na pinag kakaabalahan at napaka popular rin nito sa lahat pati narin sa iba't ibang school pati narin sa mga kababaihan dahil bukod sa napaka guwapo nito ay matalino at mayaman rin ito, kilala ang pamilya nito bilang isa sa pinakamayaman sa bansa marami ring gustong makipag partnership sa kumpanya nila.

at dahil si xavier ang ang nag iisang anak ng pamilyang acosta ay gusto ng ama nito na si xavier ang humalili sa posisyon nito ngunit hindi dahil doon o dahil sa yaman o itsura ang mayroon si xavier kaya ko siya nagustuhan ang totoo niyan ay may katangian ito na siya kong nagustuhan hindi nga lang niya ito pinapakita ngunit alam ko na nasa loob pa rin niya ang katangiang iyon.

 ayaw ko namang isipin nitong nangaabala ako kaya kahit nahihiya ako, sinabi ko na lang ang aking pakay

"xavier sorry hah pero....puwede ko bang kunin yung ibinigay ko sayo kaninang umaga?....ano kase ehh ang totoo niyan para talaga yon sa friend ko uhmm akala ko kase ikaw yung friend ko kaya----"

"here....wala naman akong balak kainin yan"

'ouch!ang sakit naman ng sinabi ni bebe ko T-T...pero okay lang love ko parin naman siya ihh^-^'

agad kong kinuha ang bag na pinaglalagyan ko ng lunchbox saka ngumiti

"pasensya kana hah?pero hayaan mo next time gagawan kita ng---"

"nah,don't bother"

malamig na sambit nito saka naglakad palayo,hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti

'yieee tinanggihan niya ako na igawa siya ng breakfast dahil ayaw niya ako mapagod hihihi ang sweet naman ni crush...pero kahit ayaw niya, ipagluluto ko parin siya and i promise sasarapan ko para sa bebe ko hihihi ^-^'

dear:diary

gaya nga ng sinabi ko kanina(na gagawan ko ng breakfast si xavier)ay ginawa ko talaga pero bago ko gawin yon ay nag research muna ako ng mga recipes na mailuluto ko sinearch ko rin yung favorite food ni xavier,and for your information lang diary hah!lahat ng information tungkol kay xavier ay alam ko walang bagay na tungkol sakanya ang hindi ko alam pati abs niya---este pati kung naka ilang kotse at sapatos ang meron siya ay bilang ko rin!so ayun lang hehhe.hangang dito lang muna diary hah magluluto pa kase ako ng dinner namin eh pero syempre nag papaturo ako kay yaya baka kase mamaya hindi nanaman to makain ehh :(.pero okay lang ganyan naman sa umpisa ehh talagang mahirap lalo na pag nagpa-practice kang magluto para sa future husband mo hehehhe.

#inspiration si crush sa pagluluto

fiona villafuerte/soon to be Mrs.Acosta (chos)

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon