Chapter 64

10 0 0
                                    


Third person pov

Nang makapasok si drake sa loob ng building ay agad itong dumiretso patungo sa elevator ngunit natigilan ito sandali ng madatnan nito roon ang kuya ni fiona na akmang natigilan sa pag pindot sa button ng elevator ng makita siya nito,ngunit kalaunan ay nakabawi rin si drake at agad na pumasok sa loob ng elevator

"....which floor?"

Rinig nitong sambit ng katabi nito napaisip sandali si drake lalo pa't hindi nito alam kung anong floor ang tinutuluyan ng kapatid ni fiona at masuwerte na lang ito kung sakaling tama ang floor na babanggitin nito

"10th"tipid na sambit nito pansin nitong natigilan sandali si devon ngunit kalaunan ay pinindot rin nito ang button ng 10th floor

Mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa habang hinihintay nila ang paghinto ng elevator

Cring cring cring

Natuon ang atensyon ni drake ng marinig nito ang pagtunog ng cellphone ni devon hindi niya ito pinahalata ngunit itinuon nito ang kanyang pakinig at atensyon sa kausap ni devon pati na rin sa sasabihin nito

"Yeah?"

"She's sleeping again? did she eat?"
Kalaunan ay narinig nito ang malalim na buntong hininga ni devon na para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang narinig at hindi rin nito maiwasang ma curious kung tungkol saan iyon

"Alright just let her be I'm on my way"sambit ni devon pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag

"Are you new here?"

Nabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng magsalita si devon

"...yeah"tipid na sambit ni drake kahit na hindi ito sigurado sa kanyang isasagot ay sinabi na lang nito ang bagay na pumasok sa kanyang isipan

"Just what i think it's my first time to see you here"

"Yeah....same here"

"When did you move?"

"Yesterday"

"It's odd...I didn't see someone's moving in"

'tsk, why is this guy asking many  question to me? is he suspicious about me or something?!'

Inis na sambit ni drake sa kanyang isipan ngunit pilit pa rin nitong iniisip ang kanyang plano at ayaw na ayaw nitong nasisira ang kanyang plano lalo na kung pinagisipan niya ito ng mabuti

"Well i guess you're somewhere that's why you didn't notice anything"
kalmadong sambit ni drake kalaunan ay tumango ng marahan si devon pagkatapos ay nagsalita

"You're right, I'm at the company yesterday"sambit ni devon at pakiramdam ni drake ay may kasunod pa ang sasabihin ni devon ngunit bago pa man makapagsalitang muli si devon ay saktong bumukas ang elevator at ng tingnan ni drake kung anong floor ito huminto ay nagsalita ito

"Well i gotta go nice meeting you"sambit ni drake saka ito lumabas ng elevator tumango si devon saka nagsalita

"Same here, I'm looking forward to see you again...seems like there is something more we need to talk about...right?"sambit nito at hindi alam ni drake kung anong ibig sabihin ni devon sa bagay na yon hanggang sa sumarado ang elevator ay nanatili pa ring nakatayo si drake sa harapan nito

'it wasn't the 10th floor'

Sambit ni drake sa isipan ng hindi ito ang floor na hinintuan ni devon
Nag angat ng tingin si drake para makita kung anong floor ang hihintuan ng elevator at sandaling natigilan si drake ng Makita nito ang floor na hinintuan ni devon

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon