Chapter 82

4 0 0
                                    

Fiona pov

habang pababa ako ng hagdan ay mas lalo kong naamoy ang masarap at mabangong amoy na yon na mas lalong nagpapakalam sa sikmura ko hanggang sa mapadpad ako sa dinning room at doon ko naabutan si xavier na mukhang abalang abala sa ginagawa nitong pag hahain ng agahan

tahimik lang akong nakatayo sa may gilid habang pinapanood si xavier sa kanyang ginagawa hindi ko tuloy maiwasang maimagine kung gaano ito kaasikaso sa magiging baby namin ni xavier at kung anong klaseng daddy ito sa kanila gusto ko ring makita ang iba pang side ni xavier na hindi ko pa nakikita lalo na pagdating sa magiging anak namin

natigilan si xavier sa kanyang ginagawa at nabaling ang tingin saakin ng maramdaman siguro nito ang presensya ko at mukhang bahagya pa itong nagulat ng makita ako

"hey,you're awake?kanina ka pa diyan?"gulat na sambit ni xavier habang palapit saakin ngumiti ako ng bahagya saka umiling

"kararating ko lang"

"great katatapos ko lang din mag prepare ng breakfast,come let's eat"nakangiting sambit ni xavier ngumiti ako pagkatapos ay hinayaan ko siyang dalhin ako patungo sa lamesa mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko ng makita ko ang mga nakahaain o dikaya'y hindi lang ako ang nagugutom kundi pati na rin si baby ^_^

"here, eat as many as you can especially this vegetables you need to eat healthy foods to become healthy especially you're pregnant"

sambit ni xavier habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti dahil sa pag aasikaso saakin ni xavier 

inilapag nito ang plato sa harapan ko pagkatapos ay sinenyasan na ako nitong kumain na siya ko namang ginawa kumain na rin si xavier ngunit kalaunan ay natigilan ito ng mag ring ang cellphone niya natigilan rin ako at napatingin sa kanya

"just a moment, i'm gonna answer this call"paalam ni xavier tumango na lamang ako bilang sagot kahit  nagtataka ako kung sino ang tumatawag kay xavier 

matapos ng ilang minuto ay bumalik rin si xavier 

"uhmm sino yung tumawag?"

alinlangang tanong ko dahil baka hindi sagutin ni xavier ang tanong ko 

"it was your brother he want us to come at your parents house later for a dinner"

natahimik ako at para bang nakaramdam ako ng kakaiba hindi ko man gustong isipin ang bagay na sumagi sa isipan ko ay hindi ko pa rin magawang mapakali

"pero xavier,puwede bang dito na lang tayo sa bahay?masama kase pakiramdam ko ehh"pagdadahilan ko tumingin saakin si xavier saka nagsalita

"hmmm he said it's alright if we didn't come but he said that he's coming with your parents instead"sambit ni xavier 

bagsak ang balikat ko dahil alam kong ayaw rin akong palusutin ni kuya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa bahay nila mommy hinihiling ko na lang na sana ay walang ibang binabalak si kuya kung bakit bigla na lang itong nag set up ng dinner para mamaya dahil kung may iba pa itong palano maliban sa dinner ay kailangan kong ihanda ang sarili ko



"are you alright?you seemed nervous,your hands are cold"alalang tanong ni xavier ng maramdaman nito ang halos nagyeyelo kong kamay 

ngumiti ako ng bahagya at pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil sa kaba

"oo xavier okay lang ako medyo nilalamig lang ako"palusot ko ngunit hindi pa rin nawala ang pag aalala sa mukha ni xavier at akma na sana itong magsasalita ng biglang bumukas ang pinto at bumungad agad saamin si mommy at halos magliwanag ang mukha nito ng makita kami ni xavier

"oh my gosh fiona,xavier!honey they're here"natutuwang sambit ni mommy pagkatapos ay tumuon muli ang tingin nito saamin ni xavier pagkatapos ay niyakap kaming dalawa

"i'm glad that you two came but i heard that fiona wasn't feeling well,fiona my baby are you alright?"alalang sambit ni mommy agad na dumako ang tingin ko kay kuya na nakatingin na rin pala saakin kaya hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka si kuya yung nagsabi non kay mommy

bumaling ako ng tingin kay mommy at pilit na ngumiti

"wag po kayo mag alala mommy,okay lang po ako stress lang po sa school"palusot ko na mukha namang nakumbinsi si mommy ngumiti lang ito saka hinawakan ang mga kamay ko

"i'm glad that your husband was there to take care of you"sambit ni mommy na parehas naming ikinangiti ni xavier

"alright, let's eat fiona can't go hungry"sambit naman ni daddy habang nakangiti kaya naman ay nag umpisa na kaming kumain pero hindi ko pa rin magawang maging kumportable lalo na't nandiyan si kuya at parang ano mang oras ay may gagawin ito na hindi ko inaasahan

"anyway xavier iho,how was fiona?"tanong ni daddy 

ngumiti ng bahagya si xavier saka bumaling ng tingin saakin hinawakan rin nito ang kamay ko bago nito sinagot si daddy

"she's a good wife,she's always taking good care of me"

sambit ni xavier na ikinangiti nila mommy at daddy

"well that's good to know we all worried that fiona might cause stress to you xavier,may pagkapasaway rin kase tong kababata mo ehh"

natatawang sambit ni mommy na ikinailing ni xavier habang nakangiti

"it's alright i don't mind it"

"maybe she will be a good mother too"

natigilan kami at napatingin kay kuya dahil sa sinabi nito

"devon,what are you saying?"kunot noong sambit ni daddy nagkasalubong ang tingin namin ni kuya sa isa't isa at nakikiusap akong huwag munang sabihin kila mommy ang totoo kahit ramdam ko na hindi naman susundin ni kuya ang pakiusap ko ay umaasa pa rin ako na kahit papaano ay hahayaan ako nitong magdesisyon kung kelan ko gustong sabihin sa kanila mommy ang totoo

"well why don't you tell the truth to our parents?...fiona?"walang emosyong sambit ni kuya kaya naman ay nalipat saakin ang atensyon nila mommy at halata sa mga itsura nila ang pagtataka kahit bakas roon na parang nauunawaan nila ang nangyayari ngunit pinili pa rin nilang marinig ang sagot ko

"m-mommy..."

naguumpisa na akong manginig at pangunahan ng kaba at wala akong maisip na salitang sasabihin kila mommy lalo pa't gumugulo na rin ang isip ko ngunit natigilan ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at ng mag angat ako ng tingin ay nasalubong ko ang seryosong tingin sa mga mata ni xavier 

"let's tell them the truth fiona"sambit ni xavier na mas lalo kong ikinakaba hindi muna ngayon dahil hindi pa ako handang malaman ni xavier ang totoong kalagayan ko at natatakot ako na sa oras na malaman niya ang totoo ay baka pati na rin ito ay magbago rin ang isip

"p-pero xavier---"

"mom,dad...fiona is pregnant"lakas loob na sambit ni xavier na para bang dahilan para huminto sa pagtibok ang puso ko

"what?!"bulalas ni daddy samantalang si mommy ay hindi makapaniwalang nakatingin saaming dalawa ni xavier

"no,no,no,no...this can't be..."hindi makapaniwalang sambit ni mommy at napatakip na lang ito sa kanyang bibig na hindi magawang matapos ang kanyang dapat na sasabihin

"no you can't get pregnant fiona it's too risky for you!"sambit ni dad at kita ko sa mga mata ni xavier na naguguluhan ito dahil sa mga nangyayari alam ko na hindi ito ang reaksyon nila mommy na inaasahan ni xavier matapos nitong ipahayag sa kanila ang totoo

'sorry xavier'

gusto ko na lang umiyak o di kaya ay tumakbo palayo para matakasan ko ang mga nangyayari ngunit para bang natuod na lamang ako sa kinauupuan ko at hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin hanggang sa makaramdam na lang ako ng pagkahilo pagkatapos ay ang unti unting pagbalot ng dilim sa buong paligid ang huli ko na lang na natatandaan ay ang mga boses nila mommy na nagkakagulo sa pagtawag sa pangalan ko na unti unting nag eecho sa pandinig ko 

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon