Fiona pov
agad akong humiga sa kama pagkarating ko sa bahay mabuti na lang at hindi ako tinanong ni francisco kung bakit iba ang ibinigay kong address sa kanya kanina pero sigurado ako na mag tatanong at magtatanong si francisco tungkol sa bagay na ito
huminga ako ng malalim pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at para bang ang dami ng nangyari ngayon araw na ito lalo na saamin ni xavier ang buong akala ko ay magiging maayos na rin kahit papaano ang relasyon namin ni xavier at unti unti na rin akong nag iisip ng mga plano ko para sa kanya pero...lahat ng yon ay nasira
wala sa sarili akong napahawak sa labi ko ng maalala ko nanaman ang nangyari kanina lalong lalo na ang ginawa ni dalton
Dugdugdugdugdugdug
>///<
'whaa bakit ganon?bakit ang init ng mukha ko at bumibilis rin ang tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa ni dalton?huhuhu ayoko ng ganito para akong mababaliw dahil sa nararamdaman kong to!pakiramdam ko tuloy ay para akong nagtataksil kay xavier 。゚(。ノωヽ。)゚。'
isinubsob ko ang mukha ko sa unan para makapagisip isip hindi ko na tuloy alam kung paano ko haharapin si xavier matapos ng nangyari kanina nahihiya ako sa kanya at...natatakot rin
ilang minuto rin siguro ang lumipas na ganon pa rin ang puwesto ko habang iniisip ko pa rin si xavier at kung ano na ang mangyayari saamin matapos ng nangyari kanina ngunit natigilan ako ng makarinig ako ng paghinto ng sasakyan sa labas ng bahay at ng marealize ko kung sino iyon ay bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko dala ng kaba
bumangon ako saka naglakad palapit sa pintuan at akmang bubuksan ko na sana ito para lumabas at salubungin si xavier ngunit natigilan ako ng maalala ko nga pala ang nangyari kanina at panigurado na hanggang ngayon ay galit pa rin si xavier
'anong gagawin ko?paano ako magpapaliwanag kay xavier matapos ng nangyari kanina?wala akong maisip hindi ko alam ang gagawin ko'
Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni xavier kapag nagharap kami ay mas lalo na akong kinakabahan
Tahimik kong pinagiisipan kung anong dapat kong gawin pero nagulat ako at natigilan ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto ko kasabay non ang pagbungad saakin ni xavier
0_0
Dugdugdugdug
"X-xavier..."
Halos hindi ko na maituloy pa ang sasabihin ko dahil na rin sa pinagunahan na ako ng kaba ng bumungad saakin ang walang emosyon na mukha ni xavier ramdam ko rin ang malamig na aura nito
Bago pa man ako makapag salita ay may inihagis si xavier sa loob ng kuwarto ko at ng mapagtanto ko kung ano iyon ay ito pala yung mga snacks na sana ay bibilihin ko kanina nawala lang ito sa isip ko dahil sa nangyari sa pagitan nila dalton at xavier
"The next time you leave something behind don't expect me to take it for you because i won't do this anymore"
Malamig na sambit ni xavier hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na si xavier habang ako ay naiwang mag isa at tulala habang nakatingin sa ibinigay ni xavier*Sigh
Hindi ko alam kung paano aayusin tong nangyaring to bakit ba kase ginawa yun ni dalton?hindi ko rin siya maintindihan ehh
-
-
-
-Kinabukasan ay hindi pa rin ako pinapansin ni xavier gusto ko siyang kausapin kaya lang ramdam ko na iniiwasan ako ni xavier at kahit kausapin ko ito at paniguradong susungitan lang ako nito o di kaya naman ay sasagutin ako nito sa malamig na boses gaya ng palagi nitong ginagawa noon kaya naman Hindi ko alam kung paano ko sisimulang kausapin si xavier dahil napanghihinaan ako ng loob kahit tingnan ko lang ito at tangkaing kausapin ay hindi ko magawa
BINABASA MO ANG
Got Married To My Longtime Crush
RomantikFiona Villafuerte was a 20 years old college student who has special feelings towards her childhood friend and high school classmate Xavier Acosta. she has been hiding her feelings from Xavier for a long time because she doesn't know how to tell her...